14: He's My...

20 7 4
                                    

Nasa Boracay ako ngayon, kasama ko si Lhea. Kahapon, pumunta kami sa Tagaytay Picnic Grove, Sky Ranch Tagaytay, Museo Orlina, at People's Park in the Sky. Lahat ng iyan ay nasa Tagaytay lamang.

At ngayon, nasa Boracay na kami, narito kami upang mag saya. Ka-karating lang din namin ni Lhea rito, may sa-sakyan naman si Lhea pero ewan ko sa kaniya dahil hindi niya iyon ginamit at sinabi niya sa akin na mag co-commute na lang kami.

Mas magastos kaya kung mag co-commute kami at hindi medyo magastos kapag may sa-sakyan ka. Pero ewan ko kay Lhea, ewan ko talaga sa kaniya.

Naalala ko kasi na sinabi niya sa akin noon na mahilig daw siya mag commute kasi masaya raw kumpara sa mag sa-sakyan lamang siya.

Wala na rin akong nagawa kaya nag commute na lang kami ni Lhea papunta rito sa Boracay.

Matagal kami nakarating dito sa Boracay, nakarating nga kami rito kaso gabi na kaya nag hanap agad kami ng magandang hotel na matutuloyan upang mag pahinga at na hanap namin itong Shangri-La Boracay.

Maganda siya at malapit lang sa tabing dagat, kaso, gabi na nga at kailangan na muna namin ni Lhea mag pahinga.

Nakahiga ako ngayon sa isang kama at nasa kabilang kama naman si Lhea.

Alam kong tulog na si Lhea ngayon dahil naririnig ko siyang humihilik, mahina lang ito pero sa sobrang tahimik ng kuwarto namin ay maririnig ko talaga ang mga hilik niya.

Dalawang araw kami rito sa Boracay, pagkatapos ng dalawang araw ay ba-balik na naman kami ng Tagaytay. Sinabi ko kasi kay Lhea kanina na sigurado na talaga ako mag pa-therapy dito sa Pilipinas.

Siguradong-sigurado na ako.

Ngunit, hindi ako makatulog, nahihirapan akong makatulog kaya umalis ako sa pagkahiga mula sa higaan na ito at dahan-dahang lumabas ng kuwarto para hindi magising si Lhea.

Lumabas ako ng hotel habang yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa malakas na hangin na tumatama sa aking buong katawan.

Suot ko ngayon ang makapal na sweatshirt crochet na kulay kayumanggi at ang aking pajama. Pero kahit ito ang suot ko, nakakaramdam pa rin ako ng ginaw.

Bago ako makarating sa tabing dagat ay may nakita akong mga taong nagkasiyahan, nag-tatawanan, nag-sisigawan dahil sa sobrang saya.

Napaisip tuloy ako kung anong oras na ba, lumalalim na rin kasi ang gabi, nag-tataka lang ako kung bakit may mga tao pa rito at ’yung iba naman ay nag-iinuman.

Pero hindi ko na lang sila binigyan ng pansin at pumunta sa tabing dagat upang umupo roon sa malinis na buhangin.

Nang makaupo na ako ay nasa aking harapan ang malaking dagat, kaharap ko rin ang malaking buwan na kay liwanag pagmasdan at kay ganda pagmasdan.

Naririnig ko rin ang malakas na alon ng dagat, kasabay din nito ang malakas na hangin.

Kaya napayakap ako sa aking sariling tuhod at napatingin sa kalangitan.

The moon is so so so beautiful.

I can't stop staring at it.

Ngayon lang din ako nakaranas ng ganito, ang titigan ang buwan ng matagal pati na rin ang mga bituin.

Halos hindi ko na napansin ang aking sarili na nakangiti dahil sa buwan na aking nakikita ngayon lalo na rin ang mga bituin.

While I'm staring at the moon and to the stars, I can't stop thinking about my Mom, Dad, and Kace.

I'm wondering if where are they now. I hope they are doing well.

Pero siguro, mas magiging masaya ako kapag nasa tabi ko sila ngayon. Pero wala e, wala na sila, kaya narito ako ngayon, nakatitig lang sa buwan at sa mga bituin habang iniisip sila.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя