Chapter 67

3.1K 79 3
                                    

Rebecca's POV

Bumungad sa'kin si Tita Delaney...

Umiiyak, habang nakangiti sa'kin.

Humihikbi akong iginaya ang paningin ko sa mga taong nandito sa loob ng kwarto, nandito silang lahat...

Nakangiti habang nakatingin sa'kin, hinanap ng mata ko si Yuna na nasa tabi ni Farah, malaki ang ngiti nito, bakas sa pustura niya ang saya.

Pagkatapos ay bumaling ako kay Zyair na nasa tabi nito ang isang Pari, gising na siya! Nakaformal attire siya ng puti habang naka higa parin sa kinahihigaan, nakangiti siyang namumutla.

Magkakahalo ang nararamdaman ko pero nangingibabaw ang saya ng puso ko dahil sa wakas ay nagising na rin siya, tama akong hindi niya kami matitiis...

Napauntag ako ng biglang tumunog ang musika, familiar ang kanta, para itong humihele sa buong kwarto kasabay ng paglapit ni Farah sa'kin, ibinigay nito ang bulaklak, napangiti ang nanginginig kong labi habang umiiyak, naluluha niya akong yinakap ng mahigpit...

"Sorry, pinag-alala ba kita?" Mahinang iyak niyang pagtatanong, tumango ako saka kami sabay napatawa ng mahina.

Bumitaw kami saka niya ako sinenyasan, pumagilid siya. Ako naman ay muling iginala ang paningin sa mga taong nandito ngayon, nahinto ang mata ko sa isang tao...

Si Tatay...

Mas lalo akong napahikbi, ilang taon ko siyang hindi nakita, ang galit ko noon sakanya ay nawala nalang bigla nang makita ko siya ngayon...

Napagtanto kong gindi galit ang namayani sa akin noon kundi miss na miss ko lang talaga siya, ngumiti siya sa'kin habang naiiyak. Lumapit siya sa'kin, pagkalapit ay yumakap kami ng sobrang higpit kasabay ng luhang walang tigil sa paglaglag.

Namiss ko ang init ng yakap ng isang ama...

"Patawad ana-ak, patawarin mo ang Tatay..." Iyak niyang bulong.

Tumango ako saka siya bumitaw, hinaplos niya ang magkabilaan kong braso.

"Pinapatawad na po kita." Iyak kong sambit, ngumiti siya sa'kin saka hinaplos ang pisngi ko.

"Maraming salamat..." Banayad niyang usal, nabuhayan ang mga mata niyang lumuluha. Pumwesto siya sa gilid ko saka niya dahan-dahang inabot ang kamay ko at ikinuwit  ito sa braso niya.

Muli akong tumingin kay Yitro, namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa'kin, hindi ko alam na gugulatin nila ako sa ganitong set up...

Nasa isang gilid nito si Tita at Tito na nakangiti habang nakatingin sakin.

Sinimulan naming maglakad ni Tatay ng dahan-dahan, namayani ang katahimikan ng mga nandito sa loob. Tangina puso ko lang na kumakabog ng malakas ang naririnig ko at ang musikang nagpapatuloy sa pagtugtog.

Hindi ko akalaing itutuloy namin ang naudlot na kasal namin dito mismo sa hospital...

Hindi maipinta kung gaano ako kasaya ngayon, at least dito ay walang magiging hadlang sa pagmamahalan namin, walang magiging balakid sa kwartong ito... Sa wakas ay matutuloy na rin ng pinakahihintay namin, kahit hindi magarbo na katulad ng naunang ipinepaire niya ay ayos na ayos sa'kin, basta mapag-isa lang kami ngayong araw ding ito, ang importante naman ay nandiyan ang Pari, mga taong nagmamahal sa'min na nandito at ang Diyos na magkakapagpatunay at saksi sa pagmamahalan naming hindi na mapipigilan...

Nang makalapit kami ay yumakap sa'kin si Tita, hinaplos niya ang likod ko saka bumitaw kaagad, pinunasan niya ang luha sa pisngi ko saka niya ako nginitian ng matamis.

"Sa wakas iha... Masaya ako para sainyo ng anak ko." Masayang sambit niya, ngumiti ako saka tumango.

Bumaling ako kay Tito...

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now