Chapter 58

3K 70 0
                                    

Rebecca's POV.

"Bakit naman biglaan Beca? Nasan si Yuna? Gusto ko siyang makita." Pagtatanong ni Cris, nandito siya sa labas ng gate. Kanina ko pa pinapaintindi sakanya ang lahat dahil baka magkagulo.

"Cris-" Hindi ko naituloy ng maramdan ko si Zyair na papalapit.

"Sino yan?" Seryosong tanong niya, napalunok ako.

"A-ah, si Cris... Gusto daw niyang makita si Yuna." Kabado kong sagot.

"O, anong ginagawa mo rito? Naligaw ka ba?" Maangas na pagtatanong ni Zyair kay Cris, nalukot ang mukha ni Cris dahil sa pagiging sarkastiko ni Zyair.

"Gusto kong makita si Yuna." Sagot niya, napangisi si Zyair.

Huminga ako ng malalim... Bago ako bumaling kay Yitro.

"Baka pwede muna natin siyang papasukin-" Hindi niya ako pinatapos.

"No, hindi ako nagpapapasok ng ibang tao sa loob ng pamamahay ko." Aniya "Kaya makakaalis ka na." Ngisi niyang dagdag, napatingin sa'kin si Cris.

"Zyair, gusto lang niyang makita si Yuna..." Hinawakan ko siya sa braso, bumaling siya sa'kin. Sumeryoso ang mukha nito.

"Ako, ayoko siyang makita ng anak natin." Buong boses niyang sabi saka ulit bumaling kay Cris.

"Wag ka ng mag-aksaya ng panahon, oh well. Thanks too you dahil pinakitaan mo ng mabuti ang mag-ina ko habang wala ako, pero nandito na ako ngayon, nasakin na sila kaya pwede ba? Dumistansiya ka na, gumawa ka na rin ng sarili mong anak hindi yung nagsusumiksik ka pa." Mapang-uyam niyang boses.

Malaki ang pasasalamat ko kay Cris at hindi ko makakalimutan ang kabutihang ipinakita niya sa'min ni Yuna, pero oras na ring maiwaksi kami sa mga inaalala niya para makapaghanap na rin ito ng sariling aalalahanin.

"Ang lakas ng loob mong sabihin yan, ako ang nasa tabi nila sa loob ng 5 years. Tapos ngayon kukunin mo nalang sila ng basta-basta lang? Ako ang nagpaka-ama kay Yuna, ako ang nakasama ni Rebecca sa lahat ng bagay." Matigas na boses ni Cris.

"Lahat ng bagay? Anong pinupunto mo?" Malalim na pagtatanong ni Zyair.

Bumaling sa akin ang namumulang mukha ni Cris, unti-unti na ring kumunot ang kilay ko dahil parang may laman ang sinabi niyang "lahat ng bagay."

Tiningnan ko siya ng nagtatanong, unti-unting kumurba ang mapait niyang pag-ngisi saka muling tumingin kay Zyair.

"Hindi ba nasabi sayo ni Beca? May relasyon kami." Walang pakundangan niyang sagot na nagpatigil sa'kin.

"What? What did you say?" Mababakas sa tono ni Zyair ang pagkapikon, naalarma akong hinawakan ang palapulsuhan niya dahil umaabante iti papalapit kay Cris.

"Cris. Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?" Hindi makapaniwala kong tanong, oo siya ang nakasama namin ni Yuna sila ni Farah, pero wala kaming relasyon!

"Bakit hindi mo aminin Beca? Sabihin mo ring may nangyayari sa'tin sa loob ng limang taon." Dagdag nito na nagpagulat sa'kin.

"Nangyari? Ni wala tayong relasyon para may mangyari satin Cris. Bakit ba ganyan ang lumalabas diyan sa bibig mo?" Inis na tono kong tanong.

"Aminin mo Beca." Mapang uyam niyang sambit, anong aaminin ko kung hindi naman totoo!

Napatingin ako kay Zyair nang mabilis siyang gumalaw.

"Ahh! Zyair!" Isang kisap mata lang ay napasalampak si Cris sa sahig habang sapo ang ilong, mabilis akong gumalaw. Nagtungo ako sa harapan ni Zyair dahil nagtatangka na naman nitong sugurin si Cris, niyakap ko siya.

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now