Chapter 66

2.6K 62 2
                                    

Rebecca's POV

15 days...

Ganyan na siya katagal nakaratay dito sa hospital, pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asang magising siya isang araw.

Naging bahay, hospital ang naging routine ko.

Kinuha muna nila Tita si Yuna sa bahay nila para may tumingin-tingin at umasikaso muna sakanya pansamantala, para kahit na ganito ang sitwasyon namin ay makapasok parin siya ng school niya. Lagi ko rin siyang sinasabihan na magiging maayos din ang lahat, magigising din ang Papa niya para sa ganon ay hindi siya mag-isip ng kung ano-ano at baka maapektuhan pa ang mental health niya.

"Iha, iidlip mo muna... Isipin mo ring may bata pa sa tiyan mo. Ako munang magbabantay sakanya." Mahinang sabi ni Tita, tumango ako at tipid na ngumiti.

Tumayo ako sa pagkakaupo saka lumapit kay Yitro, hinaplos ko ang pisngi niya saka binigyan ng magaang halik sa noo.

Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa sopa na nasa gilid, nahiga ako't tumitig sa kisame saka ako unti-unting pumikit.

Pagkagising ko ay dinalhan ako ni Tita ng makakain, naligo na rin ako pagkatapos saka ako pumalit kay Tita sa pagbabantay. Nagpaalam siya sa'kin para sunduin si Yuna sa school, kaya kami nalang ulit ni Yitro ang naiwan...

Inabot ko ang kanang kamay ni Yitro, iniangat ng dalawang kamay ko saka ko ito hinalikan at dinala sa pisngi ko.

"Ang himbing naman ng tulong mo baby ko... Gumising ka na please, naghihintay kami ng anak mo, kami nang buong pamilya mo... Sige na baby, ayaw mo bang malaman na buntis ako ulit? Huh? Magkakaroon na naman ng supling ang bahay, magiging Tatay ka na naman sa pangalawang anak natin. Diba matagal mo na itong hinihintay, na makabuo tayo ulit? Kaya gumising ka na oh..." Pigil ang pagpiyok ko habang bumibigkas...

Hinaplos ko ang braso niya. Habang lumilipas ang araw, mas lalo akong nangangamba... Kahit na sabihin ko at kumbinsihin ko ang sarili kong wag mag-isip ng hindi maganda ay hindi ko parin maiwasan, lalo pa at ilang araw na siyang ganito, walang pinagbago ng lagay niya...

Sumapit pa ang mga araw, ganun parin...

"Papa... May good news po ako sa inyo, alam niyo po ba nakaperfect po ako sa exam namin... Sabi po ni teacher, ang galing-galing ko daw po at siguradong magiging proud kayo sakin ni Mama. Papa, paggising niyo po ipapakita ko sainyo. Kaya please Papa, magmulat na po kayo... Miss na miss na po kita." Lumamlam ang galak na boses ni Yuna sa huling lumabas sa bibig niya, hinalikan ko siya sa likod ng ulo saka yumakap sakanya ng mahigpit, tumabingi siya saka kinapa ang pisngi ko.

Lumungkot ang pustura...

"Mama, bakit po ang tagal magising ni Papa?" Malungkot niyang pagtatanong sa'kin, huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

Pinilit kong ngumiti saka pinasigla ang boses ko.

"Malapit na anak, konting tiis pa... Hindi niya tayo matitiis, magigisinb din ang Papa mo." Kagat labi kong sagot.

Tumango siya at Iniyakap ang mga kamay sa braso ko. Bumaling ako kay Zyair.

Miss na miss ka na ng anak mo baby...

Lagi niyang kinakausap ang Papa niya, lagi niyang kinukwentuhan ng magagandang nangyari sa buong maghapon niya sa school... Tinanong kasi niya sa'kin kung naririnig daw ba siya ni Zyair kaya sinabi kong magkwento lang siya dahil nakikinig ang Papa niya...

Nagiging matatag din ako dahil kay Yuna, pinapalakas niya ang loob kong mag-isip lang ng positibo. Pinilit kong inirerelax ang sarili dahil pwedeng makasama sa pinagbubuntis ko ang sobrang pag-iisip.

Sumapit pa ang dalawang araw...

Naisipan kong sumaglit muna ng bahay, dumating ang kapatid niyang si Kuya Yasir at Yvor sinabi nilang sila muna ang magbabantay sakanya.

Naglinis ako ng buong bahay dahil maalikabok na rin, ayaw pa naman ni Zyair ng makalat...

Inayos ko rin ang mga gamit namin dito sa loob ng kwarto, dumako ako sa nakahilerang long sleeve ni Yitro, inihaplos ko ang palad ko at dahan-dahang kinuha ang paborito niyang white long sleeve, napangiti ako habang pinapasandahanan ang damit niya, inamoy ko ito at dahan-dahang sumalampak sa sahig.

Miss na miss ko na ang amoy niya...

Hindi ko kasi siya nayayakap sa ngayon, kaya yayakapin ko nalang muna ng mahigpit ang damit nito.

Alam kong hindi niya kami kayang tiisin, magigising din siya at magkakasama kami muli.

Kaya naman ibinalik ko na sa lagayan ang long sleeve niya saka ipinagpatuloy ang pag-aayos.

Hindi naman ako napagod masyado, exercise ko na rin dahil ilang araw nang hindi ko naigalawgalaw ang katawan ko.

Pagkatapos kong makapaglinis at makapag ligpit ay naligo  na ako, pagkatapos ay siya namang pagtunog ng cellphone kong nasa ibabaw ng kama.

Habang papalapit ako, hindi ko alam kung bakit bumibigat ng pakiramdam ko kaya napapikit ako ng mariin saka huminga ng malalim bago damputin ang phone.

Si Farah...

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na siya kaagad. "Beca, kailangan mong bumalik dito sa hospital!" Malakas at may kaba sa boses niyang turan.

Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko, napakapit ako sa suot kong damit habang lumulunok ng mariin.

Maang kong ibinaba ang tawag at basta nalang binitawan sa sahig, saka ako  mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Para akong lumulutang, hindi ko ramdam ang sahig na inaapakan ko.

Habang nililisan ang bahay, mas lalong dumadagundong ang puso ko sa kaba...

Pinigilan kong wag sakupin ng emosyon.

Ano ba Rebecca... Walang masamang nangyari, wala... Wala.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko, ayokong mag-isip ng hindi maganda... Maayos ang lagay ni Yitro kaninang nakapikit lang habang nagpapaalam ako na uuwi lang saglit, kaya hindi tungkol kay Yitro ang isinadya ng tawag mula kay Farah...

Nakarating ako ng hospital, habang papalapit sa pintuan... Nangangatog ang tuhod ko, para akong mawawalan ng lakas sa katawan dahil sa nerbiyos. Nanlalamig ang kamay kong nakakapit sa bag na dala ko...

Nakarating ako ng tapat ng pintuan, nanginginig ang kamay kong pinihit ang seradura...

Kagat labi ko itong itinulak para makapasok ako...

Inihakbang ko ang mga paa ko, nang makapasok ay agad na sumilay sa'kin ang pag-iyak, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napatakip ako sa bibig kong rumagasa ang masasaganang luha mula sa mga mata ko, hindi ko napigilan ang kaagad kong paghagulgol...

Unang bumungad sa'kin ni Tita Delaney...

Na umiiyak.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now