Chapter 54

3K 67 0
                                    

Rebecca's POV

"Wake up." Nagising ang diwa ko nang bumulong siya sa tapat ng tainga ko, ramdam ko ring nasa loob na ng suot kong shirt ang mainit na kamay niya, bahagyang minamasahe ang kaliwang dibdib ko.

Hindi ko alam pero kakaidlip ko lang kaninang katatapos niya akong gamitin, tapos gigisingin na naman niya ako ngayon. Parang ayaw niya akong patulugin, pagod ang katawan ko sa trabaho tapos napapagod pa ako sa gabi. Hindi ako nakakapagpahinga ng maayos.

Lumipat ang kamay niya sa isa ko pang dibdib, ramdam ko na rin ang paghalik niya sa batok ko. Magkukunwari sana akong hindi nagising pero mabilis na pumaibaba ang kamay niyang nasa dibdib ko pababa sa loob ng pajamang suit ko kaya mabilis kong hinuli ang palapulsuhan niya.

"Z-yair... Pwede ba akong umidlip pa muna kahit saglit-" Hindi ko natuloy ng ipahilata niya ako, inihawak ko ang braso sa dibdib niya. Nakapikit ako dahil hindi ko talaga mabuksan ng maayos ang mga mata ko dahil hinihila talaga ako ng antok.

"I will use you at any time I want." Seryosong aniya, tumatama ang mainit niyang hininga sa labi ko.

Magpapahila na sana ako ng antok nang tapikin niya ang pisngi ko kaya pinilit kong nagmulat.

"Ayokong tumira ng tulog." Malalim na boses niyang sabi, naaninag ko ang mukha niya, nakakunot ang kilay nitong malapit nang mainis.

"Pagod ako-hmmn..." Daing kong tuluyang nagising ang katawan ko dahil sa pagpisil niya ng dibdib ko ng mariin.

Malalalim na ang bawat paghinga kong nakatingin sakanya ng diretso, lumamlam ang pustura niya't napangisi.

"Ganyan nga... Ayoko ng matigas ang ulo." Ngising sambit niya, napalunok ako ng ilang beses.

Iginalaw ko ang braso kong nasa dibdib niya at dahan-dahan siyang itinutulak, napawi ang pag-ngisi niya.

Mabilis niyang hinawakan ang magkabilaan kong kamay na nasa dibdib nito at iniangat sa uluhan ko.

"Z-yair, pagod ako... Hindi ba mapawi-pawi yang init ng katawan mo, ha? Ilang beses mo na akong inangkin kanina... Please, inaantok na ako." Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa halo-halong nararamdaman, naiinis na rin ako at masakit ang ulo... Naka ilang putok na siya sa'kin, pagod na ang katawan ko, may bukas pa naman at sa susunod pang mga bukas...

"I will do everything I want to do to your body as we agreed. Besides, we both enjoy it, right? Kaya wag mong idahilang pagod ka, wag kang pakipot." Mariin niyang boses saka binitawan ang palapulsuhan ko at naglakbay ang kamay niya pababa, napapikit akong napakibot ang mukha.

Lumandas ang luha ko, kagat labi akong nagpumiglas at buong lakas siyang itinulak sa pagilid saka ako nagmadaling bumaba ang kama at mabilis na naglakad palabas ng pintuan.

Rinig ko pa ang galit niyang pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin, alam ko ang napagkasunduan namin pero sobra naman na, ilang gabi nang wala akong maayos na tulog dahil pinipilit niya akong angkinin ulit matapos ang ilang rounds.

Naglakad ako diretso sa pintuan ng kwarto ni Yuna, binuksan ko ito at pumasok sa loob.

Pinunasan ko ang luha ko at naglakad papunta sa kama niya, sumampa ako ng dahan-dahan. Payapa at malalim ang tulog ng anak ako...

Lumapit pa ako sakanya at yinakap ang maliit na katawan niya, hinalikan ko muna ang noo niya. Gulaw siya konti, tanda na nagising ito.

"Shh... Baby." Malambing kong bulong saka mahinang tinapik-tapik ang braso niya.

"Mama..." Malamyos na boses niyang usal saka ikinapa ang kamay sa mukha ko.

"Tabi muna tayo ha, matulog ka na ulit baby..." Bulong ko saka hinalikan ang pisngi niya, tumango siya at humarap sa'kin, iniyakap niya ang kamay sa leeg ko. Yinapos ko pa siya saka hinaplo-haplos ang likod niya, pagkatapos ay pumikit na rin ako.

Nagising akong may mabigat na nakadantay sa hita ko at sa braso, nagmulat akong nakayakap parin sa leeg ko si Yuna. Ibinaba ko ang paningin, nakadantay ang braso ni Zyair sa'min, nakayap siya at nakahawak sa kamay kong nakahawak sa likod ng anak namin.

Nakapakurap-kurap ako, ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Pinakiramdaman ko siyang nasa likudan, banayad ang paghinga niya tanda na tulog pa.

Lumipat rin siya kagabi rito, hindi ko na namalayan dahil sa sobrang pagkaantok. Napatingin ako sa kisame, hindi ako gumalaw, muli akong napapikit... Ninamnam ko ang katawan niyang nakadikit sa likod ko, mahigpit ang pagkakayakap niya sa'min ng anak niya, parang hinahaplos ang puso ko, napangiti ako ng mapait, gusto kong ganito nalang kami...

Pero alam ko namang pagkagising na naman niya ay balik ulit sa dati, titingnan na naman niya ako na parang wala lang, magbibitaw na naman siya ng masasakit na salita.

Naalarma akong pumikit ulit ng gumalaw siya, rinig ko ang pag-ungol niya ng mahina.

Gising na ito...

Inalis niya ng dahan-dahan ang pagkakadangay ng hita niya sa hita ko at ang pagkakayakap niya sa'min.

Napalunok ako ng humaplos ang kamay niya sa braso ko, umangat siya konti, hinalikan niya siguro ang anak namin, pagkatapos ay ramdam kong huminto siya sa tapat ko, maya-maya pa ay naramdaman ko na ang magaang paghalik niya sa gilid ng noo ko hanggang sa pisngi, pinigilan ko ang sariling magmulat.

Sunod-sunod na pagtama ng hininga niya sa pisngi ko, pumaibaba ang kamay niya papunta sa tiyan ko at hinapit pa lalo, ramdam ko ang pagyakap niya ng mahigpit at ang paghalik-halik niya sa leeg ko. Pagkatapos ay gumalaw na siya at hinila ng dahan-dahan ang kumot, inayos niya ito sa katawan namin ng anak niya, saka umuga ang kama tanda na bumaba ito.

Nang maramdaman kong nakalabas na siya ng kwarto ay saka ako nagmulat.

Gusto kong bumalik kami sa dati, mahal na mahal ko siya, at hindi ako nawawalan ng pag-asang mamahalin pa niya ako ulit, nang gaya ng pagmamahal niya noon...

Pagkatapos kong mabihisan si Yuna ay bumaba na kami, pagkarating namin ng hapag ay may nakahanda ng pagkain, kasalukuyan niyang inaayos ang mga kubyertos. Marunong na pala siyang magluto ngayon, dati kasi hindi.

"Good morning, baby." May ngiti sa labi niyang dumiretso ng tingin kay Yuna na buhat ko, lumapit siya at hinalikan sa pisngi ang anak.

"Sinabi sa'kin ng Mama mo ang paborito mo, anak. Kaya inihanda ko ngayon." Masiglang sabi niya saka kinuha ang kamay ni Yuna at hinalikan.

Hindi nagsalita si Yuna, nanatili lang ang maamo niyang pustura.

"Anak, anong sasabihin mo kay Papa?" Malambing kong tanong sakanya, iginaya nito ang mukha.

"Tha-ank you, po." Mahina niyang sabi, ngumiti naman si Yitro.

"You're welcome, baby." Malamyos niyang usal, pagkatapos ay bumaling sa'kin ang mukha niya, unti-unting napawi ang pag-ngiti niya at binigyan ako ng malamig na tingin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti lang, laging ganyan, nakangiti siya habang kinakausap si Yuna tapos kapag dumadapo ang paningin niya sa'kin ay nagbabago ang aura nito, gusto lang niyang malaman ni Yuna na okay kami at walang problema, pero ayos lang... Masasanay lang din siguro ako.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon