Chapter 5

2.1K 91 0
                                    

Rebecca's POV.

"Ilang taon ka na, Iha?" Tanong ni Aling Sali.

"Seventeen po." Ngiting sagot ko.

"Talaga? Wala ka pa pala sa hustong edad para ipasok sa trabaho." Malungkot niyang sabi.

Umiling ako.

"Hindi po ba pwedeng gawan ng paraan?" Nagbabakasakali kong tanong.

Huminga siya ng malalim.

"Magreresign na kasi ako sa pinagtatrabahuan ko kaya eto ako ngayon, naghahanap ng kapalit." Sabi niya.

Bumaling ako kay Nanay.

"Ano bang trabaho yan Sali? Ako nalang." Usal ni Nanay na mabilis kong tinutulan.

"Nay, hindi pwede. Kabilin-bilinan ng doctor diba na bawal kang mapagod? Kaya ako nalang, tutal hindi naman mapanpansin na seventeen palang ako." Ani ko.

Muli akong bumaling kay Aling Sali.

"Sige na po, kailangan po talaga namin ng pera ngayon. Baka naman po maparaanan pa natin." Pagpipilit ko.

Huminga siya ng malalim.

"Hayst, sabagay hindi naman palatanong iyong amo ko kaya siguro pwede ka na." Aniya na ikinangiti ko.

"Anong trabaho, Sali?" Tanong ni Nanay.

"Kasambahay, Mare." Sagot niya.

Buming sa'kin si Nanay.

"Mabait ba ang amo? Mapagkakatiwalaan ba? Baka mamaya, mapahamak lang ang anak ko." Pag-aalalang boses ni Nanay.

Ngumiti naman si Aling Sali.

"Naku, mabait na bata iyong amo ko wala kang dapat ipag-alala." Aniyang sagot.

Alam kong kung maaari ayaw ni Nanay na magtrabaho ako, pero ito lang ang paraan para makasurvive kami.

Ilang araw pa ng sunduin ako ni Aling Sali.

"Anak, mag-iingat ka ha? Wag mong papabayaan ang sarili mo doon. Umuwi ka kung hindi mo na kaya ha? Sinabi ko kasing ako nalang-" pinutol ko ito.

Ngumiti ako.

"Nay, ayokong lumala ang sakit mo. Kaya dito ka lang, wag mo akong alalahanin. Alangan niyo ang sarili niyo habang nasa trabaho ako ha?" Pagpapagaan ko ng pag-aalalang nararamdaman niya.

Wala siyang nagawa kundi ng tumango.

Bumyahe kami ni Aling Sali ng isang Oras, huminto kami sa isang malaking bahay.

Ang ganda...

"Ilan po ba ang magiging amo ko?" Pagtatanong ko sakanya.

Pinindot nito ang door bell ng ilang beses.

"Isa lang. Kaya, sure akong hindi ka mahihirapan." Sagot niya.

Tumango naman ako.

"May makasama po ba ako?" Tanong kong muli.

"Pasensiya ka na, isa lang kasi ang gusto ng may-ari ng bahay na manilbihan." Muli niyang sagot.

Huminga ako ng malalim.

Kaya ko...

Maya-maya pa ay bumukas na ang malaking gate.

"Oh Manang Sali, anong aten?" Tanong ng guard saka ako nito tinapunan ng tingin kaya ngumiti ako.

"Nandiyan ba si Sir Zyair?" Tanong niya rito.

Zyair? Lalaki ang magiging amo ko?

May konting pangamba sa loob ko pero, sinabi naman ni Aling Sali na mabait naman daw ito. Na walang dapat ipag-alala.

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now