Chapter 18

1.8K 85 2
                                    

Rebecca's POV

Kasalukuyan kong ginugupitan ang kuko ng pusa.

Biglang bumukas ng malakas ang pintuan kaya napaiktad ako.

Sino ba yun?

"Tingnan nga natin." Bulong ko sa pusa saka binuhat.

Naglalakad ako papunta sa gawi ng pintuan.

Sakto namang pagkababa ni Zyair sa hagdan.

Ayaw na ayaw na niyang tinatawag ko siyang sir o pino-po manlang.

Kaya naman para magtigil na siya ay sinunod ko nalang ang gusto niya.

Ngumiti siya sa'kin habang lumalapit.

Napabaling ako sa pintuan.

"Ahh!" Nang may biglang malaking asong humahangos papasok kaya nanlaki ang mata kong kumaripas ng takbo habang buhat si Zimba (pusa).

Dumiretso ako kay Zyair at patalong nagpabuhat.

Napapikit ako ng mariin ng maslalo niya ako.

Grabe ang paglambitin ko sakanya, mahigpit kong iniyakap ang binti ko sa baywang nito.

Mabilis din siyang gumalaw patakbong paakyat ng hagdan.

Rinig ko ang pagtawa ng mga kakapasok palang.

"Shue! What the fuck Yasir! Pakalmahin mo yang aso!" Malakas na boses ni Zyair habang ipinagpapatuloy ang pag-akyat ng mabilis habang buhat ako.

Rinig ko ang asong tumatahol sa di kalayuan.

"Palabasin mo! Kakasuhan ko yan ng trespassing!" Galit na boses niyang hasik.

Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"Hanggang ngayon, takot ka parin sa aso? Yung tigasin, maangas at dominante na si Zyair, kinakatakutan ang isang aso." Mapang-uyam na boses ng lalaki.

Nakaharap siya sa kanila kaya nakaharap ngayon ang likod sa mga ito.

Rinig kong kumalma iyong aso kaya napamaang akong kinalas ang pagyakap sa leeg niya.

Tumalon na rin si Zimba dahil siguro hindi na niya kinakaya ang pagkakaipit.

"Kaya nga pussy cat ang inaalagaan niya, kuya." Boses ng isa pa.

"Go to hell!" Mariing usal niya sa mga ito.

Tinapik ko ang balikat nito dahil hindi parin niya niluwagan ang pagsapo ng pwetan at likod ko.

Nahihiya ko siyang tiningnan.

"Ba-baba na ako..." Mahinang sabi ko.

Pero hindi siya sumagot bagkus ay naglakad lang siya ulit pababa ng hagdan.

"Woah, nakakahiya yatang pumunta tayo dito kuya." Rinig kong sabi nung isang lalaki.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad at pumakaliwa para pumunta sa sopa kaya napabaling ang mga mata ko sa mga dumating.

Nahihiya akong tumingin sa mga ito.

Iyong kambal niya at...

Parang nakita ko na siya.

Hmn! Oo yung nakaaway ni Farah sa cafeteria nung nakaraang lingo.

Kaya pala...

Kaya pala may kahawig.

Tinaasan niya ako ng kilay, siguro namukhaan din niya ako.

Sumunod sila sa'min.

Nakakahiya, gusto ko ng bumaba.

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now