Chapter 4

2.4K 92 3
                                    

Yitro's POV.

"Wala namang malisya ron, mahal. Yan ka na naman e." Boses ni Mom.

"Hulaan ko, nagseselos na naman ang matanda." Yasir said.

Nagpunta kami ni Yasir dito sa bahay nila dahil pinatawag kami. kami lang dalawa dahil bumalik na iyong dalawa sa kani-kanilang trabaho.

Pagkarating namin ng hapag.

Simangot kaagad ni Dad ang bumungad.

Umiling-iling ako.

"Why, nagseselos ka parin Dad? Ang tanda mo na." Pang-uuyam kong saad.

Napaangat ang tingin niya sa'min.

Diretso kaming umupo ni Yasir.

"Sa ganda ba naman ng ina natin, sigurado yan." Panggagatong ni Yasir.

Ngumisi ako.

"Oo nga naman, baka mamaya ipagpalit na ang ama natin sa iba." Dagdag ko.

Dad dropped the cutlery and stared at us.,

"Naririnig ko kayo." He said in a serious voice.

I laughed softly.

"Oh, kumain na ba kayo? Kain na." Malambing na boses ni Mom saka inilapag ang ulam.

"Hindi, hindi kayo kakain." The old man's response.

"Anong hindi? Alam mo ikaw? Dinadamay mo ang mga anak mo diyan sa init ng ulo mo." Inis na saad ni Mom.

"May sari-sarili silang bahay, mahal." Pagsagot niya.

I leaned back on the chair.

Saysayangin lang nila ang oras sa pag-aaway, sumasakit ang tainga ko.

"Kulang lang yan sa lambing, Mom." Boses ni  Yasir.

"Tumatanda na kasi, kaya nagiging mainitin na ang ulo." Pagdagdag ko.

Hindi na ako magtataka kung lalakas ang boses niya bigla dahil sa pagkaaburido.

"Tumigil kayo, gusto niyong hambalusin ko kayong dalawa palabas ng bahay?" Malakas na boses niya.

Tumawa kami ni Yasir na nagpadagdag ng inis niya.

"Basta ba unahim mo si Yasir, Dad." Ngisi ko.

Napatayo ang matanda.

"Pagsabihan mo yang mga anak mo, nagiging balasubas." Striktong sabi niya.

"Bakit? Ganyang ka rin naman noon. Saan ba sila magmama diba?" Sabi ni Mom.

"Kay Tito Yosef, Mom." hagalpak ko.

Nangunot na ang noo ng ama namin.

Oh ow.

"Ano? Anong sabi mo?" Hasik niya.

Kinalabit ako ni Yasir.

"Pag gumalaw, takbo agad." Bulong niya.

"Yaser." Paghawak ni Mommy sa braso niya.

Umayos ako ng upo.

"Chill Dad, I was just kidding." Ngisi ko.

Too affected...

Rebecca's POV.

"Nay." Pagtawag ko kay Nanay.

Kagagaling ko lang sa palengke.

Naghanap ako ng trabaho, pero sa kasamaang palad...

Wala akong nahanap, dahil na rin siguro sa edad ko dahil wala pa ako sa wasting gulang.

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now