Chapter 48

2.6K 65 2
                                    

Rebecca's POV.

"Bakit pumasok ka pa?" Seryoso niyang bungad.

Pumasok ako rito sa office niya dahil nakalahati ko na ang mga pinapagawa niya sa'kin.

"Sorry po, may... May dinaan lang po kasi ako-" Hindi ko naituloy.

Sumandal siya sa upuan at prisenteng idinantay ang mga paa sa mesa habang naka-usli sa'kin ang paningin niya.

"You know what, I don't need your explanation. You're ruining my day. Why don't you just resign? You're not important para pumasok kung anong oras mo gusto." Mariing boses niyang mapang-uyam.

Huminga ako ng malalim...

Nasasabi nito ang mga gustong salitang binibitawan, wala siyang pakealam kung nakakasakit na siya.

Nalate lang naman ako ng limang minuto dahil kinausap ko pa ng maayos ang mga magulang at mga batang umaaapi sa anak niya.

Humakbang ako papalapit sa harapan ng table.

"Eto na po yung kalahati ng pinagawa niyo." Pagsasawalang pansin ko ng panenermon niya.

Ibinaba nito ang mga paa at umupo ng maayos, kunot noo niyang pinasandahanan ang mga inilapag ko. Pabalang niya itong binuklat isa-isa, lalong nalukot ang mukha niya sa hindi malamang dahilan.

Napakagat labi ako...

"Ano to? Ha?" Seryoso niyang tanong habang inisa-isa ang mga papers, kulang nalang magkalukot-lukot ang mga ito.

Bumaling siya sa'kin.

"Final na to?" Kunot noo niyang tanong.

Tumango ako.

"Opo-" napapikit akong iniwasan ang pagtalon ng malakas ang puso dahil sa ginawa niyang paglukot ng mga nasa harapan niya at inihagis sa ere, kaya nagkalat ang mga ito sa sahig.

Malalim na ang bawat paghinga ko, ilang beses akong huminga ng malalim.

Pinaghirapan ko at ginawa ko ng maayos ang mga ipinapagawa niya kahit walang katapusan ang ibinibigay nitong paper works.

"Gusto mong ang mga basurang yan ang ipresent ko sa board? Nag-iisip ka? O nagbobobohan? Your work is not even up to my standards. I want you to change everything. If you have to start over, do it. Kailangan ko na lahat bukas, lahat-lahat ng pinapagawa ko. Kung hindi mo maipasa bukas, magpaalam ka na sa trabaho mo." Walang pakundangan niyang boses.

Nanginginig ang labi kong tumingin sakanya, nakangisi na itong pinaglalaruan ang labi gamit ang daliri niya.

"Si-ir, ang dami po nun. Hindi ko po kakayanin ng isang araw lang... Kahit tatlong araw po, please?" Pakiusap kong pinipigilang wag maiyak.

Tumayo siya at napamulsang lumapit sa'kin.

"Pano ba yan, mukhang magpapaalam ka na nga sa trabaho mo." Nanunudya't mapang-uyam niyang tono.

Binalingan ko ang mga papers na nasa sahig na pinilit kong tinapos sa loob lang ng dalawang araw.

Bumaba ako at pinulot ang mga ito, saka muling lumapit sakanya.

Lumunok ako.

"Si-ir, baka naman po I double check niyo please? Wala naman pong mali sa gawa ko, pinulido ko po ang mga ito lahat, please... Kung uulitin ko po ulit, hindi ko na po kakayanin na matapos hanggang bukas." Kagat labi kong pakiusap, tumingin ako sa mukha niya, nagbabakasakaling maawa siya at hindi na ipaulit. Pero ni' kahit konting awa manlang ay wala akong mahagilap sakanya.

Bumaling siya sa iniaabot kong papers.

Inilabas niya ang kanang kamay sa bulsa at kinuha ang mga ito sa'kin.

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now