Chapter 62

2.7K 75 0
                                    

Rebecca's POV.

"Tahan na anak, wag mong iisipin ang sinabi niya, ha?" Pagpapatahan ko sakanya, dumiretso kami rito sa kwarto niya, naka-upo ako ngayon sa ibabaw ng kama habang kalong siya. Pinupunasan ko ang sipon niyang naghalo sa luha nito.

Rinig kong bumukas ang pintuan...

"Magpapalipas muna kami ng gabi sa bahay ni Farah, siguro uuwi nalang kami bukas-" mabilis na saad ko, lumapit siya kaagad.

"No, why are you going there? It's my birthday and then iiwan niyo ako rito?" Hindi makapaniwala niyang tanong, tumaas ang tingin ko sakanya. Nakakunot ang kilay niyang nakatitig sa'kin.

"Hindi mo ba tatanungin ang sarili mong anak kung okay lang ba siya? Ha? Yitro?" Pigil emosyon kong pagtatanong, lumamlam ang pustura niya at lumapit pa, bumaba siya sa harapan namin ni Yuna.

"Hey baby, what happened? Hush please stop crying..." Malambing niyang tanong sa anak saka hinaplos ang pisngi nito saka muling bumaling sa'kin. " Why is she crying?" Takang tanong niya sa'kin, napatawa ako ng mapait.

"Bakit hindi mo tanungin si Ma'am Venice at ang anak niya." Mariin at mahina kong sagot, napaatras ang baba niyang naguguluhan.

"Bakit nasali si Shaila sa usapan?" Problemado niyang tanong muli.

"Sinabihan lang naman si yuna na hindi mo totoong anak, na kabit mo lang ako." Pagbugso ng damdamin ko, nag-iinit ang gilid ng mga mata kong nakatingin sakanya, hinigpitan ko ang pagkakayapos kay Yuna saka ako tumayo.

"Kunin mo nalang kami bukas kila Farah." Ani ko saka inilapag muna si Yuna sa ibabaw ng kama para sana kumuha ng jacket niya nang pigilan ako ni Yitro, yinakap niya ako patalikod saka hinalikan ang gilid ng leeg ko.

"I'm sorry... I will talk to them-" malamyos niyang bulong, hindi ko siya pinatapos... Kinalas ko ang pagkakapulupot ng braso niya sa tiyan ko saka siya hinarap.

"Hindi na, hindi na kailangan. Tutal magpapavictim lang naman sila na akala mo sika yung inaapi rito! At ikaw naman, inuuna mo pang aluin yung bata kaysa sa sarili mong anak. Kaya aalis kami ngayon sa ayaw at sa gusto mo." Nanginginig ang labi kong hasik, hindi ko mapigilan ang damdamin at pagsigaw ko sakanya.

"Please Rebecca, don't make it so hard... Away mga bata lang ito, wag naman ganito, birthday na birthday kong nagkakaganito tayo? Pag-usapan natin ng maayos, kung iyang naiisip mong umalis kayo ng anak natin ngayong gabi para lang magpalipas ng oras, please... Let's fix it. I'm sorry."  Malambing niyang saad, yinapos niya ako papalapit sa katawan niya saka niya ako hinalikan sa noo.

Napakagat labi akong napaluha, huminga ako ng malalim... Napapikit ako ng mariin, hindi ko lang maiwasang makaramdam ng tampo sakanya dahil sa nangyari.

Bumaling ako kay Yuna, kung aalis kami ngayon... Baka mas lalo niyang iisipin na totoo ang sinabi sakanya ng bata.

"Five years akong hindi nagcelebrate ng birthday, ngayon lang dahil kasama ko na kayo, kaya please naman, huh? Pwede ba yun baby?" Magaang boses niya saka niya akong yinakap at hinalikan sa gilid ng ulo ko.

Bumitaw siya at tinitigan ako sa mata, pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinalalaki niya saka niya yinapos ang labi ko para halikan ng magaang halik.

"Ayusin natin, okay? I love you." Masuyo niyang boses saka hinalikan ang pisngi ko ng ilang beses.

Tumango ako, kaya napangiti siya ng tipid.

Lumapit kami kay Yuna, umupo ako sa ibabaw ng kama. Siya naman ay itinukod ang dalawang tuhod sa sahig saka masuyong sinapo ang anak namin.

"Anak, what did she tell you, huh? Sabihin mo kay Papa... I'll talk to her for you." Malambing niyang pagtatanong kay sa anak.

Muling humikbi si Yuna, naalarma si Yitro at mabilis na pinunasan ang luha nito saka hinalikan sa magkabilaang pisngi.

Kita ko sa mga mata ni Zyair ang matinding paglalambing, naglilikot ang mga mata niyang nakatitig kay Yuna.

Naawa ako sa anak namin, hindi naman niya dapat marinig ang ganoong bagay sa batang katulad niya. Hindi nito alam ang sumagot-sagot pabalik dahil lagi ko siyang tinuturuan ng magandang asal simula pa noon. Pero hindi rin naman pala maganda ang manahimik nalang at hayaan nalang silang magsalita ng hindi na kaaya-aya. Minsan, kailangan mo rin talagang ipagtanggol ang sarili mo basta't alam mong nasa tama ka.

"Gusto ko lang na-man pong makipagkaibigan sakanya Pa-pa, pero ayaw niya po sa'kin... Sinabi niyang hindi mo raw po ako mahal. At inaagaw ko raw po ang atensiyon niyo." Mahabang pagsumbong ni Yuna na sinabayan ng mahinang paghikbi.

Napapikit si Yitro saka agad niyang iniangat si Yuna para buhatin, hinaplos niyo ang likod ng anak habang yakap-yakap ito.

"I'm sorry... Sorry, baby. Don't think I don't love you, huh? Diba ramdam mo namang love na love kita? Mahal na mahal kita, kayo ng Mama mo. Higit pa sa salitang mahal baby..." Mahina niyang bulong, pigil ang pagpiyok niya habang sinasambit kung gaano niya kami kamahal ng anak niya.

Napakagat labi akong napaluha, tumayo ako saka lumapit sa kanila, nakayakap ang braso ni Yuna sa leeg ni Yitro saka ibinaon ang mukha niya sa leeg nito.

Iginaya ni Yitro ang isang braso sa gawi ko, kaya lumapit pa ako saka yumakap sa mag-ama. Iniyakap niya ang isang braso sa likod ko ng mahigpit saka niya hinakan ang noo ko saka sa gilid ng ulo ni Yuna.

Pagkatapos naming maayos ay nagkulong lang kami rito sa loob ng kwarto ni Yuna, sinabi kong bumaba muna siya para asikasuhin ang mga bisita pero tinawagan lang niya sa cellphone si Tita Delaney at nagpasuyo na siya muna ang bahala roon.

Nakahiga kami sa kama, nasa pagitan namin si Yuna na mahimbing nang natutulog habang nakayakap ang maliit niyang braso sa leeg ni Yitro.

Tumingin siya sa'kin, dahan-dahan niyang inabot ang baywang ko papalapit pa sa kanila kaya naman umabante pa ako. kinuha ni Yitro ang palad ko saka hinalikan.

"Thank you, baby..." Malamyos niyang boses habanag nakatitig sa'kin, inilipat ko ang hawak niyang kamay ko sa pisngi niya.

"Pasa san?" Bulong kong tanong saka ngumiti.

"You listened to me. You chose to fix it right away and hindi na palakihin pa. I love you..." Malambing niyang sagot saka inilapit ang daliri sa labi ko at masuyong humaplos rito.

Tumango ako, sinakop lang ako ng emosyon... Nagpapadalos-dalos ako ng mga desisyon kung pwede namang pag-usapan namin ng maayos.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now