Chapter 56

3.1K 71 3
                                    

Rebecca's POV

Bumaba ako ng hagdan, dumiretso ako dito sa kusina. Nasa office room si Zyair, may mga ginagawa ito.

Kumuha ako ng baso saka kumuha ng tubig.

Ikinapa ko ang kamay sa bulsa ng pajamang suot ko, dinukot ko ang pills. Simula nung lumipat kami rito ni Yuna, kinabukasan bumili na ako nito...

Hindi sa ayaw kong mabuntis ulit, pero hindi ko naman alam kung gusto pa ba ni Zyair na mabuntis ako. Lalo pa at hindi naman kami maayos, kaya bumili ako nito.

Kumuha ako ng isa saka ko kinuha ang baso ng tubig at uminom.

"Rebecca." Malalim na boses niyang pagtawag sa'kin mula sa likod, nataranta akong lumingon kaagad.

Nangunot ang noo niyang pinasandahanan ako, napalunok ako ng wala sa oras. Unti-unting bumaba ang mga mata niya sa gawi ng nakababa kong kamay, nahugot ko ang hininga at mabilis na itinago ang kamay kong may hawak ng pills.

"What's that?" Seryosong tanong niya habang lumalapit, hinigpitan ko ang pagkakahawak ng pills, saka madaling umiling-iling.

Hindi ako makuha ng pwede kong isagot.

"A-ah... Wa-wala, nauhaw lang ako kaya ako bumaba." Kagat labi kong sagot, kulang nalang bumaluktot ang dila ko sa pagsasalita.

Bumaling siya sa nakatago kong kamay sa likod ko.

"Hmn, tapos na ba ang ginagawa mo?" Kabado kong pagwawala ng atensiyon niya.

Bumalik ang mga mata niya sa'kin, umiwas ako ng tingin saka tumikhim.

Lumapit pa siya kaya napaatras ako ng isang beses, wala na pala akong aatrasan...

"Ano yang tinatago mo?" Bakas sa boses niya ang kuryusidad.

Kumurap-kurap akong umiling.

"Wa-la..." Utal kong sagot.

Mas lalong nanigas ang pustura niya dahil sa isinagot ko, nanlaki ang mata ko ng hapitin niya ang baywang ko papalapit sakanya, saka iginaya ang isang kamay papunta sa kamay kong nasa likod at inagaw ang kawak ko.

Dumagundong ang malakas na pagtambol ng puso ko sa kaba.

Binitiwan niya ang baywang ko saka siya umatras, tiningnan nito ang pills na hawak.

Naalarma akong lumapit sakanya, aagawin ko na sana ito nang itaas niya ang kamay habang pinapasandahanan ito ng tingin.

"Z-yair... Akin na." Humawak ako sa balikat niya habang pilit inaabot ito.

Ibinaba niya ang kamay pero hindi ibinalik sa'kin ang hawak niya, bumaba ang tingin ko sa kamay niya ng lukutin niya ito.

Kaya itinaas ko ang paningin, naglapat ng mariin ang labi niyang matalim na nakatitig sa'kin.

Napabitaw ako sa balikat niya at lumayo konti, napapikit ako ng ihagis nito ang hawak sa gilid ko.

Rinig ko ang malalalim niyang paghinga, napakagat labi ako...

"Why are you taking pills? Huh?" Gigil niyang tanong, napaatras ako ng umabante siya.

"Anong gusto mong palabasin!? Na ayaw mo ng magkaroon ng anak sa'kin? Bakit? Kanino mo gustong magpabuntis, sa lalaki mo? Sa Cris na yun!?" Galit niyang boses, napaigik ako ng humawak siya sa magkabilaan kong braso.

Nanginginig ang labi ko, natatakot ko siyang tiningnan. Galit na naman siya...

Umiling-iling ako.

"Hin-di ko lalaki si Cris, Zyair... Kung iyong sinabi ko noon na may relasyon kami, nagsinungaling ako... Kasinungalin ang lahat ng binitawan kong salita noon para masaktan ka at harapin ang responsibilidad kay Ma'am Venice, pinagsisihan ko naman na iyon, Yitro... Pagkakamali kong hindi kita pinaniwalaan, mali akong iniwan kita. Sorry..." Pigil emosyon kong saad, hinaplos ko ang kamay niyang nasa braso ko.

"Ayaw mong mabuntis kita ulit." Hindi iyon pagtatanong, tumango-tango siya ng mapait, hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi ko, dahan-dahang binitiwan ang braso ko. Bagsak ang balikat niya habang nakatitig sa'kin.

Mabilis akong umiling.

"Hindi sa ganun, gusto kong mabuntis ulit pero hindi ko naman alam kung gusto mo pa ba ng anak sa'kin dahil hindi naman tayo maayos, Zyair..." Mabilis kong saad saka inabot ang braso niya ng dalawang kamay ko dahil sa pagtatangka niyang pagtalikod.

Lumapit pa ako.

"So-orry-" maluha-luha kong sambit, bumaba ang tingin niya sa'kin.

"Ayoko nang makitang umiinom ka ng kahit na anong birth control, itapon mo lahat. Kung ayaw mong magalit ako." Malamig niyang sambit, saka muling naglakad.

Huminga ako ng malalim, saka ilang beses na napalunok. Bumaling ako sa nalukot na pills sa sahig, naglakad ako para pulitin ito saka ako nagtungo sa trash bin na nasa gilid at itinapon. 

Pagkatapos kong maligo ay sumampa na ako sa kama, binalingan ko ang veranda, nakatayo doon si Zyair habang umiinom ng alak at humihithit ng sigarilyong hawak.

Bumuntong hininga ako saka hinila ang kumot pagkatapos ay inihiga ko na ang sarili.

Nakatunganga lang ako sa pader, ngayon lang ako hindi inaantok...

Itinabingi ko ang mukha ko nang umuga ang kama, inayos nito ang buhok saka inayos ang sarili sa pagkaka-upo.

"Matulog ka na." Maalumanay na sabi niya.

Iginalaw ko ang katawan ko paharap sa gawi niya.

"Hindi pa ako inaantok." Mahinang sagot ko, tumingin ako sa mukha niya, kahit saang anggulo, napaka gwapo parin niya. Bumaba ang mata ko sa gumalaw niyang adams apple.

"Z-yair, gusto mo pa bang magkaanak sa'kin?" Buong boses kong tanong, tumabingi siya diretso ang mga mata sa'kin.

"Ano sa tingin mo?" Malalim na boses niyang tanong pabalik.

Ayaw niyang magtake ako ng pills kaya sa tingin ko... Gusto pa niya?

"Zyair, pwede bang wag ka nang magalit sa'kin? Nagsisisi naman na ako sa pang-iiwan ko sayo noon. Please... Magbati na tayo." Hindi ko mapigilang sakupin ng lungkot at emosyon.

Hindi siya nagsalita, nanatili siyang nakadilat habang nakatitig sa ibang direksiyon. Nasira lang naman kami noon dahil sa pareho kami ng maling akala...

"I lived for five years. I was never happy. In fact, I poured all my time into alcohol. Hindi ko matanggap na ganun-ganun nalang sayo kadali ang lahat, alam mo bang galit na galit ako sayo? Dahil hindi ka pa nakontento sa mga sinabi mo sakin noon at iniwan mo pa ako. Binalikan kita, pero hindi pa ako nakarating sa mismong bakuran niyo, you have greeted me with pain, pinatunayan mong hindi mo nga ako minahal-" malamlam na boses niyang saad, bumangon ako. Napaiyak akong umabante papalapit sakanya, hinawak ko ang pisngi nito.

"Kasinungalin ang lahat ng sinabi ko noon dahil wala na akong choice, Zyair. Pero mahal na mahal kita... Hanggang ngayon." Hikbi kong usal, tumingin sa'kin ang namumungay niyang mga mata.

"Wala kang choice, kaya iniwan mo rin akong walang pagpipilian." Dumaan ang pagkibot ng boses niyang sambit.

Napakagat labi akong umiiyak.

"Ayusin na natin please? Kalimutan nalang natin lahat ng masasakit na nangyari Zyair... Magsimula tayong muli." Pagsusumamo kong pakiusap habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Kakalimutan ko, basta mangako kang hindi mo na ulit ako iiwan, kayo ng anak natin... Dahil kung mauulit pa? Hindi ko na alam." Malamyos niyang sabi, saka hinawakan ng mahigpit ang kamay kong nasa pisngi niya. Namumula ang mga mata niyang nakatitig sa'kin.

Tumango ako ng mabilis.

"Pangako..." Buong boses kong sambit, napangiti ako habang lumuluha.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang