Chapter 59

3K 65 1
                                    

Rebecca's POV

"Ito na ba ang apo namin?" Nakangiting pagtatanong ni Tita Delaney, nandito kami sa bahay nila dahil gusto raw ng mag-asawang makita si Yuna.

"Yes Mom." Sagot ni Zyair, buhat nito si Yuna. "Nasa harap mo si Lola, anong sasabihin mo anak?" Malambing na tanong ni Zyair kay Yuna.

"Hello po, lo-la..." Mahinang pagbati ni Yuna, ngumiti si Tita saka lumapit pa lalo, inihaplos nito ang palad sa pisngi ni Yuna.

"Hello apo... Masaya akong makilala ka." Malamyos na boses ni tita at hinalikan sa pisngi si Yuna, bago siya bumaling sa'kin.

Nahihiya akong ngumiti, galit kaya sila sa'kin? Dahil sa pagtatago ko ng apo nila?

Lumapit siya, gumaan ang pakiramdam ko nang ngumiti siya saka ako yinakap, kaya napangiti akong yumakap pabalik.

"Masaya akong makita ka ulit, kayo ng apo namin. Thank you..." Bulong niya saka hinaplos ang likod ko, mahina akong tumango.

"Masaya din po akong makita kayo ulit." Ngiting usal ko, bumitaw kami sa yakap. Hinaplos niya ang braso ko saka nginitian ng matamis pagkatapos ay bumaling ulit kay Yuna.

"Pwede ko ba siyang buhatin?" Tanong niya kay Yitro, tumango naman siya saka ibinigay so Yuna kay Tita.

Inaya niya kaming magpunta ng hapag, inakbayan ako ni Yitro habang naglalakad kami papunta roon.

Pagkarating namin ay bumungad ang bulto ng hindi katandaang lalaki, matigas ang pustura nito na mahahalata mong strikto.

Daddy siguro ni Yitro? Malaki ang pagkakahawig nila, hindi ko pa kasi siya nakikila noon kaya hindi ko alam kung anong itsura niya.

Itinaas niya ang paningin sa'min, diretso siyang tumingin kay Yuna na buhat ni Tita.

"Mahal, ito na yung apo mo, diba lagi mong tinatanong sa'kin kung kailan sila paparito?" Masayang boses ni Tita.

Ramdam ko ang paghaplos ni Yitro sa braso ko, bumaling ako sakanya.

"That man always asked me kung kailan natin ipapakilala si Yuna sakanya." Bulong niya sa'kin.

Muli akong bumaling kila Tita, lumambot ang pustura ng Daddy ni Yitro habang iginagaya ang kamay para kunin si Yuna.

"Hey apo, I'm your Lolo Yaser. Nice to meet you sweet heart." Malalim at Malambing na boses niya nang maka-upo si Yuna sa kandungan ng Lolo niya.

Kita kong nahihiya si Yuna, namumula kasi ang mukha niya at hindi alam kung saan ibabaling ang ulo.

"Nahihiya ang anak mo." Ngiting bulong ko kay Yitro.

Iginaya niya ako para lumapit, nahihiya pa akong ngumiti nang bumaling sa'kin ang paningin ng Daddy niya.

Lumapit pa ako.

"Hello po." Kabado kong pagbati sakanya, alanganin ko pang iniangat ang kamay ko para sana magmano nang hindi niya ito tinanggap, napakagat labi akong ibababa na sana nang magsalita sya.

"Magmamano ka?" Simpleng tanong niya, tumango ako.

"Opo-' Hindi ko naituloy nang magsalita siyang muli.

"Saka ka na magmano sa'kin kapag nasa 60 na ako iha. Shakehands muna sa ngayon, okay?" Malalim na boses niyang saad, napatawa si Tita na nasa gilid.

Ngumiti ako, inilahad niya ang kamay kaya tinanggap ko naman ng buong puso.

"Nice to meet you, sana pitagal-tagal mo pang ipinakita itong apo ko kay Yitro, para magtanda." Pabirong sambit nito saka bumaling kay Yitro.

"Well Dad, I won't let that happen." Buong boses na usal ni Yitro.

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now