Dito na kami nag dinner, marami silang mga bagay-bagay na itinanong sa'kin tungkol sa pagpapalaki kay Yuna o kung pano ko siya napalaki ng maayos.

Napapawi naman ang hiyang nararamdaman ni Yuna dahil habang kinakausap siya ni Tito Yaser ay sumasagot ito at ngumingiti.

Pagkatapos naming kumain at makapag-usap-usap ay nagpaalam na kaming uuwi na.

"Dito ka nalang apo, wala kaming kasama rito ng Lola mo." Saad ni Tito kay Yuna saka ito hinalikan sa pisngi habang buhat parin.

Walang kaduda-dudang mahilig sa bata ang si Tito, ang bilis niyang makuha ang loob ni Yuna na ayaw na ring bumaba sa pagkakabuhat ng Lolo niya.

"Mama, pwede po ba?" Pagtatanong ni Yuna sa'kin, bumaling naman ako kay Yitro.

"Baby, hindi pwede yun saka walang magbabantay sayo rito, busy ang Lola at Lolo mo, and ongoing pa ang classes mo, remember?" Si Yitro ang sumagot.

"Pwede ba namin siyang hiramin sa weekend?" Tanong ni Tita sa'min. " Pupunta rin dito si Ziggy at Zavler, para makilala din niya ang mga pinsan niya, at makapag bonding sila." Ngiting dagdag niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Sige po, dadalhin nalang po namin siya rito sa sabado." Ako na ang sumagot.

Nagpaalam na si Yuna sa Lola at Lolo niya saka kami pumanhik para umuwi.

"Mas madali pang nakuha ni Dad ang loob ni Yuna." Mahinang sambit niya, mahihimigan ang Inggit sa boses nito kaya naman yumakap ako patagilid sakanya.

"Konting tiis pa, Zyair..." Malambing kong bulong saka siya hinalikan sa pisngi, bumaling sa'kin ang namumungay niyang mga mata pababa sa labi ko...

"Yeah, so while I'm waiting to get fully close to our daughter..." Malambing niyang sabi saka unti-unting ngumiti ng may kahulugan, gumalaw siya kaya napahilata ako. Iniakyat niya ang daliri pataas sa labi ko. "Gumawa muna tayo ng kapatid niya..." Dagdag niyang saad na nagpangiti sa'kin, malaki na si Yuna... Saka ilang ulit na ring sinasabi ni Zyair na gusto na niyang magkaroon ng kapatid ang anak namin.

Kagat labi akong tumango, lumawak ang pag-ngiti niyang nauwi sa ngisi. Inihaplos niya ang naglilikot na daliri sa balikat ko, kinuwit niya ang strap ng suot kong pantulog saka malambing na ibinaba. Tumatama ang mainit niyang hininga sa ilong ko...

Namumungay at nag-aalab na ang bawat pagkislot ng mga mata niyang nakatitig sa'kin, unti-unti siyang bumaba...

Napapikit ako nang maramdaman ang labi niya sa labi kong agad kong sinagot ng halik, ang banayad at magaang halik ay naging malalim at mapusok na paggalaw ng labi niyang hindi ko na rin masabayan. Pinasok niya ang kanyang dila sa bibig ko, na nagdulot ng panibagong daing mula sa'kin.

Naglilikot ang mainit niyang palad paghaplos sa dibdib ko, pumaikot ito na para bang nanunudya. Inihaplos ko ang isang kamay ko papunta sa buhok niya, hinila pa lalo para dumiin ang halik na pinagsasaluhan namin.

"Ugh Rebecca..." Magkahalong hingal at pagdaing ang lumabas mula sakanya, napakalamyos pakinggan ang pag-ungol nito, humahaplos hanggang sa kaibuturan ng aking pandinig.

Napuno ng pag-ungol ang buong kwarto dahil sa labis na sensasyon, natapos kami ng madaling araw, magkahalong pagod at sarap ang namayani mula sa'kin.

"I love you, baby." Bulong niya sa may bandang tainga ko, napangiti ako ng tipid. Nakapikit na ako't umaamba na rin ang paghila sa'kin ng antok.

"I love you too..." Pabulong kong pagsagot, hinalikan niya ang labi ko ng isang beses, ramdam ko ang paggalaw ng kama tanda na bumaba ito.

Maya-maya pa bumalik din siya kaagad, tumabi siyang muli at hinaplos ang pisngi ko, kasabay non ay ang naramdaman kong may malamig na bagay siyang inilagay sa daliri ko.

"Rebecca... Pakasalan mo ako." Buong boses niyang bulong, napatigil ako sa paghinga at napamulat. Sumalubong sa'kin ang pagkislap ng mga mata niya, napakurap-kurap akong nawala ang pagkaantok.

Itinaas niya ang kamay ko saka hinalikan, kita ko roon ang singsing...

Muli siyang bumaling sa'kin...

"Ayoko nang patagalin pa... I was planning to propose on my upcoming birthday, pero hindi na ako makapaghintay na malaman ang sagot mo." malambing niyang saad habang naka-usli ang mga mata sa'kin.

Kumakabog ng mabilis at malakas ang puso ko, Pakakasalan niya ako... Balak niya akong pakasalan!

Iniisip ko lang nitong mga nakaraang araw ang bagay na ito, sinabi ko sa sarili kong kahit hindi niya banggitin ang salitang kasal ay okay lang sa'kin basta magkasama kami.

Dumaan sa'kin ang pag-iinit ng mga mata ko, kagat labi akong napaiyak. Kasabay ng pagtango ko ng sunod-sunod.

"O-oo, Pakakasalan ki-ta..." Hagulgol kong pagsagot, magkakahalo ang nararamdaman ko ngayon...

Akalain mong papaiyakin niya ako ng madaling araw dahil sa pag-aaya niya ng kasal.

Lumawak ang pag-ngiti niya, hinila niya ako payakap ng mahigpit, ilang ulit niyang hinahalikan ang gilid ng ulo ko.

"Mahal na mahal kita, shhh..." Masayang boses niya, hindi parin magkamayaw ang pag-iyak ko dahil sa sobrang saya.

Sobrang saya ko...

@dikaPinili_


Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now