"Z-yair! Tama na..." Kabado kong pagpapatigil sakanya, mahigpit kong iniyakap ang braso ko, malalalim na rin ang bawat paghinga kong binibitiwan.

Ramdam na ramdam ko ang pagtigas ng buong katawan niya dahil sa panggagalaiti.

Ibinigay ko ang buong lakas para mapigilan siya.

"Umalis ka rito kung ayaw mong lumpuhin kita putangina mo!" Malakas at galit niyang sigaw, rinig ko ang yapak ni Cris papalayo.

Mabilis ang bawat paghinga Zyair dahil sa gigil, napakagat labi akong kumalas ng yakap.

Nasakin na ang paningin niya, nagtiim bagang siyang naglapat ng mariin ang labi.

Wag mong sabihing naniniwala siya sa sinabi ni Cris?

Tumalikod siya, diretso sa loob ng bahay. Sumunod ako hanggang sa makarating kami ng kwarto.

"Zyair, hindi totoo ang mga sinabi niya. Wala ka-ming relasyon, diba sinabi ko na sayo? At walang nangyari sa'min kahit ni' halik... Hindi ko magagawang pumatol sa iba habang mahal na mahal kita." Malamyos kong saad, nagtungo ako sa gawi niya. Niyakap ko siya patalikod, masuyo kong hinaplos ang mabatong tiyan niya.

"Walang nanyari sa'min baby... Hindi ko naman kayang magpagalaw sa iba. Mahala na mahal kita..." Malambing kong usal saka ako pumaikot papunta sa harap niya.

Diretso ang tingin niya, nagtaas-baba ang adams apple nito. Iniangkla ko ang kamay sa batok niya saka tumingkayad para halikan siya, sa unang pagtatangka ko ay lumihis ito.

Napanguso akong iginaya ang mukha patagilid para mahuli ang labi niya, magaan ko itong hinalikan...

"Hindi ka ba naniniwala sa'kin?" Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot, nagsasabi maman ako ng totoo...

Bumaba ang mga mata niya sa'kin, pinakatitigan ako ng naglilikot niyang mga mata.

Kumurba ang magkabilaang gilid ng labi niya, tipid itong nginitian ako kaya ngumiti rin ko pabalik.

Iginalaw niya ang kamay sa baywang ko paghaplos hanggang sa likod saka pa ako hinapit ng mahigpit.

"I believe you..." Bulong niyang sagot, napahinga ako ng maluwag saka ko idinantay ang gilid ng ulo ko sa dibdib niya.

"Thank you, Zyair..." Magaang boses kong usal, hinaplos ko ang braso niya hanggang sa balikat.

"Wala na akong ibang gagawin kundi ang paniwalaan ka, dahil ayoko nang mangyari pa iyong nangyari sa relasyon natin noon. Hindi ko na kakayanin..." Bulong niya saka niya hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Third person POV

"Hi baby, ano yang iginuguhit mo?" Malambing na tanong ni Yitro sa anak, umupo siya sa gilid ng kama habang tinitingnan kung paano gumuhit si Yuna, ikinakapa nito ang isang kamay habang dahan-dahang iginagalaw ang lapis na hawak.

"Am I this man, baby?" He asked with a smile, an image of a family in Yuna's drawing notes.

Yuna didn't answer for a few seconds.

"Hin-di po." Mahina niyang pagsagot na nagpapawi ng ngiti ni Yitro sa labi, but even though he felt a little disappointed, he smiled again.

"Then who, baby?" A little bitterness can be heard in his voice.

Yuna bowed and stopped what she was doing.

Yitro took a deep breath.

"Pwede mo bang sabihin kay Papa kung sino? Baby?" Malambing niyang tanong, saka hinaplos ang likod ng ulo ni Yuna.

Yuna remained speechless.

"I won't be angry, promise." Yitro added.

Yuna played with her fingers. Yitro stopped stroking Yuna's hair when he heard a soft sob that caused him to be alarmed.

"Hey, baby. Papa's just asking... I'm not mad. " He gently caressed Yuna's face and wiped the tears from her cheeks, then he kissed her on the forehead.

"Hushh baby, I'm sorry... Hindi na ako magtatanong, tahan na..." Masuyo niyang iniangat si Yuna papunta sa kandungan niya.

Alam niyang mahirap palitan si Cris sa puso ni Yuna dahil ito ang nakalakhan niyang ama, pero hindi parin nawawalan ng pag-asa si Yitrong balang araw makuha rin ang loob ng anak.

Bumukas ang pintuan ng kwarto, dumiretso ng tingin si Beca sa mag-ama. Lumapit siya...

"Anong nangyari?" Magaang tanong niya kay Yitro saka bumaba ang tingin niya sa notebook na nasa ibabaw ng kama.

"Tinanong ko lang siya kung ako ba yang lalaki diyan sa dino drawing niya, baby." Sagot nito kay Beca.

Lumapit pa si Beca at pinunasan ang luha ng anak, saka kinuha kay Yitro.

"Tahan na anak... Hindi naman nagagalit ang Papa mo." Masuyong pagpapatahan ni Beca kay Yuna habang hinihimas nito ang likod.

Pagkatapos nilang kumain ay pinatulog muna ni Rebecca si Yuna bago pumasok sa kwarto nila ni Yitro.

She climbed onto the bed and came closer to where Yitro was lying. Then she kissed him on the lips.

"Konting pag-unawa pa Zyair... Mapapalapit din siya sayo." Bulong niya saka yumakap sa dibdib ni Yitro.

"Hindi naman ko nawawalan ng pag-asa, baby. Kung kailangan kong doublehin ang 5 years na yun para makuha ko ang loob niya, gagawin ko." Bulong nito saka hinalikan si Beca sa noo.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now