Chapter 15

8 2 0
                                    

Chapter 15

Bawat nguya ni Narcisso sa kinakain nitong kornik ayrinig na rinig kaya hindi ako makapag-focus sa pinapanood ko. Masamang tingin ang piukol ko sa kaniya ngunit tila hindi nito naintindihan ang pinaparating ko.

Akmang dudukot na naman siya sa kornik ko ay tinago ko na ito sa gilid. "Bakit ba nandito ka?" masungit na tanong ko.

Tumingin siya sa akin sabay subo sa kornik na nasa palad niya. "Wala na akong gagawin, nakapaglaba na ako, nakapagdilig, nakalinis na rin ako!" Proud siyang tumitig sa akin habang may malaking ngiti.

"Maglinis ka ulit..." utos ko na ikina-iling niya. "Alis na!" pagtataboy ko pa sa kaniya.

"Masama bang tumabi sa 'yo, Binibining Julita?" nakasimangot niyang saad. Tumayo siya at umambang aalis. "Gusto ko lang namang manood..." bubulong-bulong ito.

Napaikot ang mga ko dahil nangongonsensya pa siya. "Sige na! Bumalik ka na rito!" Mabilis na bumalik ang ngiti nito.

"Salamat, Binibining Julita!"

Pareho kaming nakaupo sa magkabilaang side ng sofa. Nang matapos ang disney movie na pinapanood ko ay isang nakakalokong ngisi ang lumabas sa labi ko. Pinili ko ay isang horro movie na may pamagat na, 'The Nun'

Habang nagpapakita ng introduction na may eerie sound.

Alas-otso na rin ng gabi at as usual, tulog na si Nanay. Dim lang ang ilaw kaya mas nakakadagdag sa pantakot. Kukunin ko sana ang unan sa gilid ko nang may mahawakan akong kamay.

Dali-dali kong inalis ang kamay ko
Napatingin  ako kay Narcisso na yakap-yakap na ang throw pillow habang tutok na tutok sa tv. Unang scene pa lamang ay napa-igik na ako sa gulat.

"Sus maryosep!" Narinig ko ang mahina niyang tili. Mas niyakap nito ang unan.

Kumuha rin ako ng unan at niyakap ito. Dahil masakit na ang panga kong kumain na chichacorn ay nilapag ko na ito sa mesang nasa harap namin.

"Akin na lamang ito, Binibini." hIndi pa man ako nakakasagot ay mabikis na niyang nakuha ang mangkok sa lamesa.

Ang paa kong nasa ibaba ng sofa ay mabilis kong nilagay tinaas nang maging mas nakakatakot ang mga sumusunod na eksena.

Mabilis akong napatakip sa mata ko nang magpikita na ang madre. Kinamot ko pa ang tuktok ng ulo ko dahil bahagya akong nakaramdam ng pagdaas ng bohok ko ro'n.

"Holyshiiiit!\Mahabagin!"
magkasabay naming bulalas dahil sa pagkagulat.

"Paa mo!" Mabilis kong sinipa ang paa niyang malapit nang dumikit sa akin.

"Aray ko naman, Binibini!" daing niya. Muling nagpakita ang madre kaya hindi ko na napigilan at hinampas ko na ng unan ang katabi ko. "Binibini! Napapano ka?!"

Ang balak ko ay ang takutin siya ngunit ako ngayon ang tatko na takot ngayon.

"Ihuha mo nga ako ng tubig..." utos ko sa kaniya. Dahil patay na ang ilaw sa kusina ay natatakot na akong magpunta roon.

Tumingin ito sa akin ng may pagtataka. "Pero kaya mo naman..." Malikot ang mga mata niya at mahigpit nakayakap  sa throw pillow.

"Natatako nga ako!" pag-amin  ko.
HIndi niya ako tinatawanan.

"Natatakot din ako!" Gusto kong matawa ngunit pawis na pawis na siya.

"Samahan mo na lang ako..." Tumayo ako saka siya hinila. Sabay kaming napatingin sa flat screen tv nang may tumiling bata. Muntik pang matapon ang hawak  nitong kornik dahil sa pagkagulat. "Mauna ka!"

Wala siyang nagawa nang pumwesto ako sa likod niya. Dahan-dahan lang ang paglalakad namin.

"Shhh...iyo bang naririnig ang kaluskos na iyon, Binibini?" Huminto siya kaya nauntog ako sa likuran niya. Hinawakan niya ang kaliwang palad ko bago kami magpatuloy sa paglalakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Between UsWhere stories live. Discover now