Prologue

35 1 0
                                    

Prologue

Masaya kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa hardin. Napangiti ako nang makita kong malaki ang ngiti sa kanilang labi. Ang sarap maging bata, walang problema, gigising sa umaga para maglaro at magsaya maghapon.

"Mother!" Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang magsilapitan ang nasa sampung bata sa aking harapan. Nang igalaw ko ang aking mga paa ay nadama ko ang isang bilog na bagay, isang bola.

Hirap na hirap ko itong inabot ngunit bago ko pa man mahawakan ay naunahan na ako ni Tricia, isa sa mga batang nakatira dito sa ampunan.

"Ako na po!" tuwang-tuwa nitong saad. Nakangiting nagtungo ito sa likuran ko saka sinuklay ang aking buhok dahilan nang pagkaantok ko.

"Kwento niyo po ulit ang tungkol sa love life niyo, Mother Juliet!" ani ni Teresa. Napailing ako at sinandal ang ulo sa inuupuan kong tumba tumba.

"Sige na po!"

"Please, Mother!"

"Matutulog po kami pagkatapos!"

Naging sunod-sunod ang pangungulit nila sa akin. "Hindi ba kayo nagsasawa? Ilang beses niyo nang narinig ang kwentong pag-ibig ko," natatawang saad ko.

Sabay-sabay silang umiling. "Hindi po!"

Humalukipkip ako at napatingin sa asul na kalangitan. Kahit yata ikwento ko ng isang daang beses ang aking nakaraan ay hindi ako mapapagod. Puti na ang buhok ko, kulubot ang balat at hindi na makatayo ng tuwid, ngunit ang puso ko ay hindi nagbabago kahit lumipas pa ang ilang dekada.

Nang mapatingin ako sa mga bata ay nakaupo na sila sa aking paanan habang titig na titig sa akin at naghihintay na ako'y magsimula.

Huminga ako nang malalim bago simulang ikwento ang aking nakaraan...

Time Between UsWhere stories live. Discover now