Chapter 13

2 0 0
                                    

Chapter 13

The Psycho Killer's POV

"Christian!" Isang katok ang gumising sa akin. Bagot kong sinilip ang taong kumakatok. Ang matabang babaeng kapitbahay ko.

Bago buksan ay pekeng matamis na ngiti ang pinakawalan ko. "Good morning, Ate Maring!"

Nagbuntong hininga naman siya. "Sabi na nga ba at kagigising mo lang! Male-late ka ng bata ka!" Inabot nito sa akin ang adobong manok.

Kunwaring napayuko naman ako sabay kamot sa batok. "Salamat po!"

"Naku! Kung hindi ka lang cute bata ka!" Ginulo niya ang buhok ko na siyang ikinasimangot ko ng palihim.

Nang umalis siya ay pabagsak kong sinara ang pinto. "Bwiset na baboy! Kaunti na lang talaga mapapatay na kita!" Naiinis na tinapon ko ang binigay niya. Hindi ako kumakain ng basurang bigay ng iba.

"Nerd! Sandali!"

"Hala! Hindi na tayo pinapansin!"

"Gusto yatang mabubog!"

Ito agad ang narinig ko pagkapasok pa lang sa campus. Isang grupo ng mga kalalakihan ang humabol sa likuran ko.

Bago pa ako makatakbo ay nahuli na nila ako. Marahas na hinila ni Vincent ang kwelyo ko.

"Tatakbuhan mo pa kami, ha!" Kinaltukan niya ako.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Juliet na naglalakad kasama ang bestfriend nitong parang parrot sa sobrang ingay.

Palihim akong napangisi. "Ano ba'ng gusto niyo? Wala naman akong ginagawang kasalanan, ahh?!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Talagang nilakasan ko para lang marinig ni Juliet pero hindi pa rin nagagawi ang tingin niya sa amin.

"Naiinis ako sa pagmumukha mo, Nerd!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Vincent. Gusto ko rin siyang tawanan dahil nabasted siya agad ni Juliet kahit hindi pa siya nagsisimula—dapat lang, dahil para sa akin si Juliet!

"Kunin niyo ang pera niya..." utos nito sa mga barkda niya. Kunwaring napayuko ako dahil sa takot. Sila ang susunod kong target—isasama ko sila sa collection ko.

"Tigilan niyo na ako, please lang!" Paulit-ulit akong sinampal ni Vincent. Tahimik akong umiyak kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumawa. Hindi ako nasasaktan—manhid ang katawan ko sa sakit kaya kahit anong bugbog nila sa akin ay hindi ko mararamdaman.

"Vincent! Ano na naman 'yan!" Dalawang pares ng high heels ang nakita ko. Si Roshell ang nag-alis ng kamay ni Vincent sa kwelyo ko. Nakaramdam ako ng inis dahil wala akong pake kay Roshell, gusto ko si Juliet ang magtanggol sa akin!

"Ayos ka lang?" malamyos na tinig ang nagpangiti sa akin. Inayos ni Juliet ang nagulo kong kwelyo. Ang titigan siya ng ganito kalapit ay ang lagi kong napapanaginipan—para siyang isang manika! Ang kulot nitong buhok ang kinaaadikan ko.

Nilagay niya ako sa likuran niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong amuyin ang buhok nito.

Bumaling siya kay Vincent. "Vincent naman! Ang tanda niyo na para dito! Huwag naman sana ninyon I-bully ang mas mahina sa inyo!"Galit na tingin ang pinukol niya kay Vincent.

Umiwas ng tingin si Vincent kay Juliet. Type niya ang Juliet ko kaya hindi ito makapagsalita.

"Ang kapal naman ng mukha mong pagsabihan ang boss namin, Juliet! Baka nakakalimutan mo, pinahiya mo siya matapos mong bastedin!" Galit na tinulak ni Arjo si Juliet sa balikat na siyang kinainit ng ulo ko.

Anong karapatan niyang saktan ang Juliet ko! Papatayin ko siya!

"Arjo!" Galit na hinila ni Vincent si Arjo ngunit nagpimiglas ito.

Time Between UsWhere stories live. Discover now