Chapter 2

17 1 0
                                    

Chapter 2

Lunes na naman, panibagong assignment at activities. Suot ang white blouse at fitted maroon skirt ay bumaba na ako para kumain.

“Late ka na naman, Juliet. Sinabi ko na sa ‘yong kapag may pasok—”

“Na kapag may pasok…dapat maagang gigising nang ‘di ma-late—opo, Nay! Kabisado ko na ‘yan. Mas memorize ko pa nga ‘yan kaysa sa quiz namin mamaya.” Kinuha ko ang hotdog sabay subo. “Kain na rin po kayo—Kuya Banong, sabayan niyo na po ako,” aya ko sa kanila.

Wala akong pamilyang makakasabay kumain kundi sila. Kailan ba ‘ko nakasabay kumain sa pamilya ni Mommy o Daddy? Wala akong maalala—bakit nga ba nila hahayaang makisabay sa pagkain ang anak sa labas?
“Pasok na po ako,” paalam ko kay Nanay.

PAGKARATING sa University ay sinita agad ko ng guard dahil hindi ko raw ulit suot ang I.D ko. Sa pangangalkal ko sa bag ay napatingin ako sa puno ng narra nasa ‘di kalayuan. Tulad ng dati ay nakaupo sa gilid nito ang matandang lalaki.

Sabi-sabi ng mga estudyante rito ay mayaman daw ang matanda. Hindi na ako nag-abalang alamin ang background niya dahil mas marami pa akong dapat na problemahin.

“Isuot mo na kasi bago ka pumasok, Ineng,” paalalang muli ng guard na ilang beses ko ng narinig.

Isang taon na lang ga-graduate na ako. Pupunta kaya si Mommy o Daddy sa graduation ko? O baka si Nanay na lang ulit ang magsasabit ng medalya ko.

“Good morning, Juliet!” Biglang sumulpot si Wendell sa tabi ko. Ang masugid kong manliligaw na paulit-ulit ko nang ni-reject.

“Walang maganda sa umaga,” masungit kong saad na tinawanan lang niya. Sinabi ko na sa kaniya na wala siyang mapapala sa ‘kin.

“Ang aga-aga ang sungit-sungit mo—smile ka naman d’yan!” Binilisan ko ang lakad ngunit sumabay siya.

“Hay nako, Wendell! Wala akong balak mag-boyfriend dahil magmamadre ako.” Tumawa siya na parang isang malaking biro ang sinabi ko.

“Ikaw? Magmamadre? Come on, Juliet! Sa sungit mong ‘yan? Baka hindi ka tanggapin sa simbahan.” Inis na binalingan ko siya ng tingin. “Okey, sorry na,” dugtong niya.

Mas binilisan ko ang lakad at laking pasasalamat ko dahil hindi na siya sumunod. Kaya ayoko sa mga manliligaw—makukulit at napaka-demanding.

I will never fall inlove again, period! Nadala na ako sa panloloko ni Jarrence at baka magaya ako sa kinahinatnan ng mga magulang ko—hindi siguro nila mahal ang mga asawa nila dahil nagloko sila. Falling inlove is a big joke for me…sasaktan ka lang ng pag-ibig. Ang pagmamahal sa sarili kong mga magulang na lang ang tanging hangad ko

“Kasi nga, Juliet…hindi mo binibigyan ng chance ang mga manliligaw mo? Niloko ka lang ng minsan akala mo lahat ng lalaki kagaya na ni Jarrence!”  Sumagi sa isip ko ang paulit-ulit na lintanya ng kaibigan kong si Roshell. Siguro nga talagang bitter lang ako.

“Artistic paintings were introduced to Filipinos in the 16th century when the Spaniards arrived in the Philippines. During this time, the Spaniards used paintings as visual aid for their religious propaganda to spread Catholicism throughout the Philippines. Siguro kung mapupunta rito ang taong galing sa nakaraan ay matutuwa siya dahil sa mga makabagong arts na nilikha ng mga tao”

Pumapasok at lumalabas din sa tainga ko ang dini-discuss ng lecturer namin. Sa lahat ng prof ay siya ang pinaka-boring. Patago akong humikab, hindi lang ako ang nabo-boring sa klase niya; marami sa ‘min ay inaantok na.

“Juliet…”

“O?” sagot ko dahil parang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.

“Juliet…” Inis na binalingan ko kung sino ang tumatawag sa ‘kin. Lumingon-lingon ako ngunit walang sino mang estudyante ang nakatingin sa ‘kin.

“Mahal ko…” Balisang-balisa ako habang nililibot ang paningin. May naririnig akong boses ng lalaki ngunit hindi ko makita!

“Nababaliw na ba ‘ko?” wala sa sariling sabi ko.

“Mahal ko, patawad.” Mabilis kong tinakpan ang magkabilaang tainga ko matapos kong marinig muli ang boses.

“Sino ka ba?!” galit kong sigaw at marahas na tumayo.

“Miss Alcantara? Is there any problem?” Gulantang akong napatingin kay Prof Di Magiba. Ang lahat ng classmates ko ay nakatuon ang atensyon sa ‘kin.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.  “W-wala po, Ma’am…sumakit po ang ulo ko at parang hihimatayin na ako sa sakit.”

Upang matakasan ang kahihiyaan at ang namimintong galit ng prof namin ay gumawa ako ng kwento. Si Roshell ay tinaas-baba ang kilay na waring alam na umaarte lang ako.

Umarte pa ‘kong hihimatayin na talaga kaya naalarma ito at lumapit sa ‘kin. “Come, I’ll take you to the clinic,” nag-aalalang wika niya. Pinanindigan ko ang pag-arte hanggang makarating kami sa clinic.

Iniwan ako ni Ma’am dahil may klase pa raw siya. Habang nakahiga ay nilabas ko ang cellphone upang mag-games upang makalimutan ang nangyari sa ‘kin kanina. Guni-guni ko lang ba? Pero narinig ko talaga! Gusto kong tuktokan ang sarili dahil sa pag-alala sa nangyari. Dapat siguro matulog na lang muna ako.

“Juliet, mahal kita.” Napangiti ako sa sinabi ng lalaki.
Hindi ko makita ang mukha niya ngunit ramdam kong kilala ko siya kahit na hindi ko maaninag man lang ang mukha niya dahil sobrang labo!
“Mahal din kita…” Hinalikan ng lalaki ang kaliwang palad ko. His face came close to mine, I closed my eyes anticipating what would he do.

“Miss, gising na.” Mabilis akong napamulat nang may kumalabit sa ‘kin.

Panaginip? Sino naman kaya ang lalaking ‘yon? At bakit excited pa ‘kong halikan niya ako?! D*mn it, Juliet!      

“Anong oras na po?” tanong ko kay Nurse Wilma na siyang school nurse namin.

“Alas-singko na,” sagot niya matapos tumingin sa pamisig na relo.

Shocks?! Half day akong tulog? Ibig sabihin, ilang subject na naman ang na-missed ko! Gusto ko pa man din mag-graduate with flying colors.

“Sige po salamat, uuwi na po ako,” paalam ko sa kaniya.

Paglabas ko ng University ay nakaabang na agad si Kuya Banong—payat siya at maitim, kahawig niya ang sikat na comedian actor na si Choco ngunit lamang naman si Kuya Banong ng limang paligo.

Bago namin malampasan ang puno ng narra ay nakita kong muli ang matanda ro’n na tulalang nakaupo. Napahawak ako sa dibdib nang kumirot ito habang nakatingin sa matanda. Nang mawala siya sa paningin ko ay napahinga ako nang malalim dahil para bang napigil ko ang paghinga.

Bakit ba naaapektuhan ako sa matandang ‘yon? Trip niya lang siguro tumambay sa tabi ng narra pero bakit ba ginagawa kong big deal?

A/N
Happy ready!

Time Between UsWhere stories live. Discover now