Chapter 1

23 1 0
                                    

Chapter 1


Natapos ang maghapon ko na puro papel ang kinaharap. Malapit ko nang matapos ang taon at isang taon na lang ay ga-graduate na 'ko sa kursong fine arts.

Nakasakay na ako sa kotse at pauwi na nang mapansin kong umaambon na ngunit nakaupo pa rin ang matanda sa gilid ng narra. Sa tatlong taon kong pag-aaral sa University na pinapasukan ko ay araw-araw ko siyang nakikita.


"Kuya, sandali lang," pagpapatigil ko kay Kuya Banong.


Binitbit ko ang payong bago lumapit sa matanda. "Lo! Umaambon na po. 'Di pa po ba kayo uuwi?" pagkausap ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin; nakatingin lang siya sa kawalan. Mas lumapit ako upang payungan siya. Unti-unting nawala ang ambon kaya sinara ko na ang payong.


"Taga sa'n po ba kayo, Lo? Ihahatid ko na po kayo." Binge ba siya? Bakit hindi niya ako pinapansin? Naka-white polo siya at faded jeans. Sobrang kulobot na ng balat niya...tingin ko ay nasa eighty plus na si Lolo.


Dahil nangalay na akong tumayo ay umupo ako sa tabi niya. Sa hindi kahabaang wooden bench ay nakaupo kami sa magkabilaang dulo. Titig na titig ako sa kaniya hanggang sa balingan niya ako ng tingin.


Ang mga mata niya ay may catarata na. Pareho kaming natigilan-ayos naman ang puso ko kanina ngunit ngayon ay dumoble ang kabog na parang tumakbo ako sa marathon gayong wala pa sa benteng hakbang ang nilakad ko.


Napaigtad ako dahil may tumulong maliit na patak sa likod ng palad ko. Marahil dahil sa ambon ngunit nang kamutin ko ang pisnge ay basa ito. Mabigat ang pakiramdam ko. Pangatlong beses ko na 'ata siyang kinakausap ngunit hindi pa rin niya ako sinasagot.


"Ma'am Juliet! Tara na!" agaw pansin ni Kuya Banong.


Hindi pa rin nagsasalita ang matanda kaya napagpasyahan kong umuwi na lang. Nilingon ko pa siya bago pumasok sa kotse.

Nakatitig lang ako sa likuran ng matanda haggang sa mawala siya sa paningin ko at sa pangalawang pagkakataon ay may maliit na namang patak ang nahulog sa palad ko na nasisiguro kong galing sa kaliwang mata ko.




***

"Juliet! Tirik na ang araw pero hanggang ngayon nandiyan ka pa rin sa kama!" Napatakip ako sa magkabilaang tainga dahil sa sigaw ni Nanay.


"Nay, maaga pa!" Nagtalukbong ako upang hindi masilaw matapos niyang ilihis ang kurtina ko.


"Bumangon kanang bata ka!" Napaigtad ako dahil hinampas niya ang puwet ko ng unan.


"Wala naman pong pasok, Nay," katwiran ko. Niyakap ko ang tuhod dahil hinila niya ang kumot ko.


"At saan ka na naman galing kagabi, Juliet?" nakataas kilay niyang tanong. Sapilitan akong bumangon upang alisin ang lantang dahon sa binti ko.


"Sa Monesterio lang po." Sa tuwing malungkot ako ay sa Monesterio agad ang tungo ko.


Sa sagot ko ay lumamlam ang mga mata ni nanay. "Hindi na naman ba sumipot ang daddy o mommy mo sa meeting niyo?" tanong niya na tinanguan ko. Huminga siya nang malalim at sinuklay ang buhok ko. "Sabi ko kasi sa 'yo...ako na lang ang pupunta pero mapilit ka."


"They made a promise, Nay." Pilit akong ngumiti at yumakap sa bewang niya.


"Mag-ayos ka na; kakain na tayo-siya nga pala, 'di ba ngayon ang uwi ng Kuya Edrian mo?"

Napasinghap ako sa pagkabigla.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising, Nay?! Akala ko bukas pa!" Aligaga akong umalis sa kama upang maligo.


Darating ang Kuya Edrian ko na tatlong taon ng nasa Europe-excited na akong makita ulit siya. Sa lahat ng kapatid ko ay si Kuya Edrian lang ang may gusto sa 'kin, siya ang panganay na anak ni Mommy.

Time Between UsWhere stories live. Discover now