Chapter 7

15 1 0
                                    

Chapter 7

Panay ang check ko sa mukha ko sa harap ng salamin. Inayos ko ang clip ko na tumabingi kakayos ko sa buhok ko. Nag-spray ako ng perfume bago isukbit ang Louis Vuitton kong bag na galing pa kay Kuya Edrian.

Suot ang wide leg pants at white tube na pinarisan ko ng cardigan ay nagmukha akong Korean popstar! Bakit ba ang ganda mo, Juliet?

Palagi ko na lang kinakausap ang sarili at tinatanong kung bakit ang ganda ko? Gaganda ka talaga kung may confidence ka at sabi nga nila ay 'beauty is in the eye of beholder' at ang mga matang 'yon ay mga mata ko...maganda ako sa paningin ko at sapat na 'yon.
Bumaba ako habang nang hindi pa sinusuot ang cardigan ko.
Nang makarating ako sa sala ay nakasalubong ko pa si Narcisso.

"Nay! Alis na po ako!" sigaw ko kahit na wala siya sa harap ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Narcisso na nasa harap ko. "Aalis ka nang ganyan ang suot?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi siya makatingin nang diretso sa 'kin at iwas na iwas siya.

"May problema ba?" humalukipkip ako.

Bumuntong hinanga siya at napakamot sa sintido. "Kasi...hindi akma na lumabas ka na ganyan ang suot-tingnan mo! Litaw na litaw ang iyong balikat!" Natawa ako ng sarkastiko.

Napailing na lang ako bago siya lampasan. Si Nanay nga ay walang nagawa sa pananamit ko, siya pa kaya? Saka anong masama sa suot ko? Hindi sa uri ng pananamit ng babae kaya sila nababastos!

Binusinahan ko si Kuya Banong na papikit-pikit pang nagkakape sa may gate.

Pagkarating sa village nina Daddy ay hinarang ako ng guard. "Sino po sila?"

"Ako po si Juliet Alcantara...anak po ni Alexander Samañiego." Ngumiti ako sa guard ngunit seryosong-seryoso ito.

"Anak ka po ni Sir Alex? Pasensya na po pero wala po akong kilalang anak ni Sir Alex na Juliet ang pangalan." Ang ngiti ko ay unti-unting nawala ngunit binalik ko rin agad.

"Ay sorry po! Tito ko po siya, nagkamali lang ng banggit." Tumawa pa ako ng pilit. "Kung gusto niyo po tawagan niyo po siya." Tumango ang guard bago tumalikod.

Hindi pa ako pinakilala kahit minsan sa mga tao. Mananatili akong tinatagong anak sa labas at mamamatay akong ikinahihiya nila.

"Pasok na po kayo, Ma'm. Pasensya na!" Yumuko ang guard na sinagot ko ng ngisi.

Pinarada ko sa labas ng gate ang kotse ko at hindi na nag-abalang ipasok pa. Nag-doorbell ako at himalang pinagbuksan ako agad.

"Good morning po!" bati ko sa katulong na sinagot niya rin pabalik. "Si Daddy po?"

"Nasa office niya." Nilakihan nito ang awang ng gate upang makapasok ako.

Malamansyon ang bahay nila sa laki. Ikaw ba naman ang magmay-ari ng isa sa mga sikat na gasoline station sa bansa.

Natigilan ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Liezel-pangatlong anak ni Daddy at kaedad ko lamang. Mahinhin siya at kinareer na ang pagiging nerd.

"Hi!" bati ko. Inangat niya lang ang palad tanda na nakita niya ako dahil busy siya sa pagbabasa ng Harry Potter.

Kumatok ako sa pinto ng office ni Dad. "Come in!"

Matamis na ngiti agad ang pinakita ko sa kanya. "Hi, Dad!"

"Have a seat," pormal niyang sabi. Binaba nito ang salamin at binabasa niyang article.

"Kumusta po? Magaling na po ba kayo?" pangangamusta ko. Scratches are still visible on his face.

Tumikhim ito at pinagdaop ang palad. "How's school?" Napangiti ako sa tanong niya-matagal kong hinintay ang tanong na iyon.

Time Between UsWhere stories live. Discover now