Chapter 4

15 1 0
                                    

Chapter 4


Mabigat ang pakiramdam ko habang naglalakad sa hallway ng engineering department-engineering department? Bakit?

Bakit dito ako papunta? Mabilis akong napatalikod nang mapansin kong malapit na ako sa room nila Jarrence.


Mabilis akong tumalikod ngunit laking gulat ko dahil nasa harap ko ngayon ang lalaking ayaw ko nang makita. Lalampasan ko na sana siya nang magsalita ito.

"Kumusta ka na, Juliet?" Mariin akong pumikit. Ayaw ko siyang kausapin ngunit kung iiwas ako ay baka isipin niyang bitter pa rin ako.

Humarap ako at ngumiti. Pinilit kong gawing tunay ang ngiti ko kahit ramdam kong nanginginig na ang labi ko. "Maayos naman, Jarence...ikaw? Kumusta kayo?" Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa sinabi ko. Talaga ba, Juliet?


"Kami ni Mica?" tanong niya. Aba! Sino pa ba? Bukod ba kay Mica, meron pa? Gusto kong paikutin ang mga mata ngunit pinigil ko.

"Yup!" Pilit kong pinasigla ang boses.

"A...ayun, masaya," sabi niya. Isa si Jarence sa tinitilian sa campus, bukod sa mayaman na ay sobrang gwapo pa, dagdag points pa ang pagkamoreno niya.

"Stay strong!" Palihim kong kinurot ang sarili. Bigla na lamang lumalabas sa mga labi ko ang salitang ayaw ko namang sabihin. "Hala! Male-late na pala ako, sige una na 'ko!" palusot ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil mabilis akong tumakbo.

Napahawak ako sa dibdib nang makarating ako sa room namin. Naiinis ako sa sarili ko, may involuntary action bigla. Engineering ang course ni Jarrence at pareho kaming third year na, noong kami pa ay madalas ko siyang puntahan sa room nila.

"Hinahapo ka yata." Biglang sulpot ni Roshell sa gilid ng pinto.

"May assignment ba?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nagtungo na lang sa upuan niya sa likod.

Minsan nakakainis na ang babaeng ito. 'Pag pupunahin ko naman siya ang sinasagot niya ay ginagaya lang daw niya ako.


Wala akong ibang kaibigan bukod kay Roshel.

Maraming lumalapit sa 'kin upang makipakaibigan ngunit sa klase ng ngiti nila ay alam kong hindi sila tunay. Pili ang mga taong kinakaibigan ko, anong kwenta nang maraming kaibigan kung lahat naman sila pinaplastik ka 'pag nakatalikod.


Friendly naman ako noon. Noong elementary ay halos lahat kinakaibigan ko ngunit nang minsang marinig ko silang pinag-uusapan ako ay nagbago ang perception ko sa salitang kaibigan.

"Alam niyo ba, si Juliet pala ay walang parents!" Napasinghap pa ang mga classmates kong nasa harap ni Myra.

"Oo, sabi rin ng mommy ko. Anak daw siya sa labas." Bigla silang napaisip sa sinabi ng isa naming kaklase na si Marty.

"Huwag daw tayong makipagkaibigan sa kanya dahil wala raw siyang magulang na nagtuturo sa kanya kaya pangit ugali," sabi naman ng isa na sinang-ayunan nang lahat.

"Oy! Lutang ka?" agaw pansin ni Roshel sa 'kin na nagpatigil sa 'kin sa pagtanaw sa nakaraan.

Hindi ko siya pinansin tulad nang ginawa niya sa 'kin kanina. Dumating si Proffesor Pilapil-binata pa ito at single.

Nagsimula siyang magturo kaya titig na titig ang mga kaklase ko sa kanya lalo na ang mga babae but except me.

Panay ang sundot ni Roshel sa bewang ko kaya inis ko siyang binalingan.

"Ano ba?!" puno ng riin ngunit mahina kong sabi.


"Tignan mo si Ser. Feeling ko nagpapa-cute 'yan sa' yo. Panay ang tingin, ohh!" Napairap ako sa binulong niya.

Time Between UsWhere stories live. Discover now