Chapter 5

14 2 1
                                    

Chapter 5

“Juliet!” Napaungot ako nang maramdamag may pumapalo sa pwetan ko. Puyat ako at ang tanging gusto lamang ay matulog pa ng higit isang oras.

“Po?!” ngongo kong tugon.

“Kinausap ako ni Ginang Amor! Nambulahaw ka na naman daw kagabi!” Pilit akong nakipag-agawan sa kanya sa kumot.

“Nambulahaw? Bakit po hindi kayo nagising?” nakapikit kong sabi.

Gusto ko mang magmulat na ngunit lumalaban ang mga talukap ng mata ko. Para silang naka-glue at nakikiusap na ipikit ko muna kahit saglit.

“Hay nako, Juliet! Bumangon ka na at may pasok ka pa!” Tuluyang niyang nahila ang kumot ko kaya niyakap ko ang mga tuhod at tila naging isang nilalamig na sisiw.

“Hala sige! Bangon!” Pilit niya akong pinapatayo.

Kahit pikit pa ang mga mata ko ay ligtas akong nakarating sa banyo ko. “Waaaaah!” Mabilis akong napamulat dahil sa lamig ng shower.

Matapos akong maligo ay bumaba na ako agad. Panay pa ang hikab ko habang nakasalumbaba sa mesa. Napadaing ako matapos tapikin ni nanay ang palad kong pinapapatungan ng baba ko.

“Masama ‘yan! Para mo na ring tinatanggihan ang grasya!” Sus, mga pamahiin na hindi naman totoo. Ang sabi pa niya noon ay masamang matulog ‘pag basa ang buhok dahil mabubulag daw pero hanggang ngayon ay malinaw pa rin naman ang paningin ko.

“No rice, Nay.” Pinigil ko siya nang akmang lalagyan niya ng kanin ang plato ko. “Mag-oatmeal lang po ako, hatid niyo na lang po kay Ginang Amor, pasabi piece offerings.”

“Nagpadala pala ang daddy mo, pati ang mommy mo…hindi mo raw ginagalaw ang perang nilagay nila sa account mo.” Pinapaulanan talaga nila ako ng pera. Sa isang araw ay Two Thousand Pesos ang baon ko, hindi ko pa nauubos kaya itinatabi ko na lang. Minsan ay nililibre ko si Kuya Manong sa fast food with take out pa kay nanay.

“Pasok na po ako.” Kinuha ko ang bag bago humalik sa pisnge niya. Matanda na si nanay at marami nang iniindang sakit, kung hindi ko pa siya pinilit magpa-check up ay hindi ko malalaman na may UTI pala siya.

Dinadahan-dahan ko ang pagda-drive nang matapat ako sa puno ng narra. Nakapagtatakang wala pa do’n ang matanda ngunit may lalaking makisig ang palingong-lingon sa paligid. Nilampasan ko ang puno at tuluyang pumasok.

“Psst!” Kinalabit ko si Roshell na busy sa pagpapatirintas sa isang kaklase namin.

“Ano? Paabot nga ng bag ko…” Labag sa loob kong hinagis sa kaniya ang bag.

Ang subo-subo kong lollipop ay pinanggigilan ko kaya nadurog ito hanggang sa nginuya ko na at nagbukas muli ng bago.

“Napansin mo ba ‘yung matandang nakaupo sa tabi ng narra?” tanong ko.

“Ha? Hindi! Ikaw lang naman pumapansin do’n. Masyado mong ginagawang big deal ang pagtambay ng matanda do’n.” Wala talagang maayos na sagot ang babaeng ‘to.

Dumating ang professor namin kaya kanya-kanyang balik sa upuan ang mga kaklase ko. Panay ang paghikab ko ng patago dahil mahirap nang mapalabas ni Prof Dimaculangan.

Matapos ang klase sa dalawang subject ay nagkaroon kami ng break. Magkasama kami ni Roshell na binabaybay ang daan patungong cafeteria. Habang naglalakad kami ay may humarang na tatlong lalaki.

“Hi, Juliet!” Nakangiti silang tatlo kaya saglit na rin akong ngumiti.

Aalis na sana kami nang muli na naman siyang magsalita. “For you.” Inilahad niya sa harap ko ang isang box ng mamahaling chocolate na ikinatili ni Roshell.

Time Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon