Chapter 12

6 0 0
                                    

Chapter 12

"Ang daya niyo!" reklamo ko dahil halos mapuno na ng itim na lipstick ang pagmumukha ko samantalang ang mga kalaban ko ay tig-iisa pa lamang.

"Galingan mo kasi bumunot, Ma'am!" ngingisi-ngising saad ni Kuya Banong.

Dahil sa bagyo ay suspended ang pasok ngayong araw. Heto kami ngayon, naglalaro ng unggoy-ungguyan. Wala sana akong balak sumali dahil hindi naman na ako bata ngunit ang makalumang lalaking si Narcisso ay sapilitan niya akong pinaupo rito.

"Naku, Juliet! Nakakatakot na ang itsura mo!" Sa sinabi ni ay natawa silang lahat. Lumabi ako ngunit nakisabay na rin sa tawanan nila.

"Humanda kayo!" banta ko habang nagmumudmod ng baraha. Halos magsilaglagan ang mga baraha ko dahil hindi ko mahawakan ng mabuti.

Pinares-pares ko ang hawak ko hanggang sa lima na lamang ang matira. Nagpalabunutan kami, dahil sa sobrang kagustuhan kong manalo ay sinubukan kong sumilip ngunit isang pitik sa noo ang natanggap ko.

"Aww!" Hinaplos-haplos ko ang noo. Inasikan ko si Narcisso dahil sa pagpitik nito sa akin.

"Ano? Mandadaya ka pa ha!" Pinakita nito ang kamay na umaambang pipitik na naman.

Nagpatuloy kami sa pagpapalabunutan hanggang sa wakas—nanalo rin ako!

"Whahahaha. Akala niyo, ahh!" Inayos ko ang black lipstick. Inuna ko si Nanay na tinuldukan ko lang, sunod si Kuya Banong na nilagyan ko ng bigote and at last!

"Teka! Isa lang dapat, Binibining Julita!' reklamo niya nang lagyan ko ang ibaba ng magkabilaan mata niya. Para tuloy siyang hindi nakatulog ng isang linggo.

Hindi ko namalayang nage-enjoy na pala ako.

"Mahihiga na ako, masakit na ang aking likod!" Umaaray tumayo si Nanay.

Sumunod naman si Kuya Banong. "Magkakape muna ako, Ma'am."

Pagka-alis nilang dalawa ay kami na lang ni Narcisso ang natira.

"Gusto mo pa bang maglaro?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Wala naman kasi akong gagawin kundi ang mag-painting lang ulit sa kwarto ko.

"Ewan..." tanging naisagot ko.

Tumayo ito kaya akala ko ay aalis na rin siya ngunit nagsalita ito, "Hintayin mo ako!" Dali-dali itong pumasok sa kwarto niya.

Pagbalik nito ay may dala na itong domino, scrabble at pang-snake ladder. "Saan mo kinuha 'yan?" tanong ko.

"Bigay ni Ginang Amor. Ang bait niya, 'di ba?" Hindi ako nakasagot. "Ikaw lang naman itong suplada..."

"Ano'ng binubulong-bulong mo riyan?"

"Wala! Magsimula na tayo." Una nitong nilagay sa harapan ang scrabble.

Tulad ng sinabi niya ay nagsimula na kami. Lahat ng salitang nilalagay ko ay natutumbasan niya. Mukhang matatalo pa yata ako ng lalaking 'to.

"Pagmamaha..." basa niya sa mga letters. "Kanina pa 'to rito pero hindi mo dinudugtungan," saad niya bago ilagay ang letter L upang mabuo ang salitang PAGMAMAHAL.

"Hindi naman kasi nage-exist 'yan sa buhay ko," walang gana kong sagot.

Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Mahal ka ni Manang Susan, ni Manong Banong...paano mo nasabing walang pagmamahal sa buhay mo?" tanong niya habang may seryosong tingin sa akin.

"Iba sila..." Nagpatuloy ako sa paglalagay ng letters "I don't believe in love anymore."

"Balang araw, muli kang maniniwala sa pag-ibig." Napatingin ako sa kaniya. This time may matamis na itong ngiti. "Huwag mong hanapin ang pagmamahal, kusa itong darating sa 'yo." Sana nga...sana nga dumating pa ang panahong iyon.

Time Between UsWhere stories live. Discover now