Chapter 3

20 1 0
                                    

Chapter 3

Tatlong araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang rosas na binigay ng matandang babae, sa bawat araw na lumilipas ay mas tumitingkad ang kulay nito.

Ang sabi ni Kuya Banong ay lagyan ko ng dishwashing liquid ang tubig na paglalagyan ko sa rosas, hindi ko alam kung bakit ako nagpauto sa kaniya ngunit tingin ko ay effective naman. Nilagay ko ito sa flower base at pinatong sa study table ko.

“Juliet, male-late ka na naman!” sigaw ni Nanay mula sa ibaba.

Ganito na lang lagi ang routine namin sa umaga: gigisingin niya ako, kakain ako tapos sisigaw siya ng late na naman ako, tapos papasok na sa school. Kailan kaya mababago ang takbo ng buhay ko?

“Kuya Banong, agahan mong sunduin ako, ahh? Mga alas-kwarto po ng hapon,” paalala ko kay Kuya Banong.

“Noted, Ma’am!” masiglang sagot niya. Buti pa si Kuya Banong, kahit na medyo kalog ang utak ay may masaya namang pamilya.

Sumandal ako sa bintana. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nakita ko muli ang matanda lalaking nakaupo sa gilid ng narra. Seriously? Anong trip ng matandang ‘to? Ang creepy!

“Walang klase?” tanong ko kay Roshell pagkapasok.

“May nakikita ka bang prof?” masungit niyang tugon.

Napairap ako bago isubo ang lollipop ko. “Attitude ka na ngayon, ahh?” Bigla siyang tumawa sa sinabi ko.

“Sa’n pa ba ako magmamana?” Natawa rin ako at nakipag-apir sa kaniya. Kaya close kami dahil pareho kaming anak sa labas, ang kaibahan lang ay kompleto ang pamilya niya dahil ang tunay na asawa ng papa niya ay hiniwalayan na nito. Totoo ngang…birds with same feather flock together.


“One step closer…
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more…”


“Patayin mo nga ‘yang music mo! Masyadong emo!” Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako sa lyrics ng kanta.

“Huh? Ang ganda kaya, theme song ‘to ng Twilight—hoy! Bakit mo pinatay?” Dahil wala siyang balak patayin ay ako na ang gumawa.

“Pangit,” maikling sagot ko.

“Teka—umiiyak ka ba? Bakit ka umiiyak?!” Bigla akong napahawak sa pisnge. Bakit nga ba basa ang pisnge ko?

“Iyak? Bakit naman ako iiyak? Baka may tumulo lang galing sa taas.” Dahil mismong ako ay hindi ko alam kung bakit ako napaluha.

Pagtapos ng klase ay dumaan muna ako sa SM para bumili ng gagamitin ko sa project. Abala ako sa pagpili ng lapis nang may mahagip ang paningin ko, sa kabilang shelf ay nakatayo ang dalawang taong ayaw kong makita.

Huwag kang lilingon, Juliet! Para akong tuod na namimili ng lapis, pilit kong nilalabanan ang sarili na ‘wag lumingon sa gawi nila. Sa huli ay binigo ako ng sarili kong mga mata—lumingon ako na siyang pinagsisihan ko.

Malambing na dinampi ni Jarrence ang labi sa pisnge ng babaeng pinagpalit niya sa ‘kin. It’s been a year since we parted, at wala kaming maayos na break-up…kailan ba ako makakalimot? Hanggang kailan ko ba dadalhin ang sakit na niloko niya ako?

Hay nako, Juliet! Wake up! Sa ginawa niya sa ‘kin ay pwede ko nang kunin ang linya ni Liza na… Pangit ba ‘ko? Kapalit-palit ba ‘ko? Then why—nevermind.

Nang makauwi ako ay masamang balita ang narinig ko. Si Daddy ay nasa hospital—nasangkot daw siya sa isang car accident.

Walang oras akong sinayang, dali-dali akong nagpunta sa hospital kahit na suot ko pa ang school uniform ko.

“Kumusta po si Daddy, Tita?” tanong ko sa asawa ni Daddy.

“He’s fine,” maiking sagot niya. Siya si Tita Lauren, isa siyang retired teacher. Hindi naman niya ako inaalipusta tulad ng mga legal wife sa mga telenovela sa palabas ngunit ang pakikitungo niya sa ‘kin ay malamig, hindi niya ako kakausapin ng kusa kung hindi ko siya tatanungin.

Apat ang kapatid ko kay Daddy at tatlo naman kay Mommy. Sa dami ng kapatid ko ay isa lamang ang tumuturing sa ‘kin na kapatid, ‘yon ay si Kuya Edrian.

Si Nanay Susan ang siyang tumayong ina ko sa loob ng nineteen years. Siya ang moyordoma ng pamilya ni Daddy noon. Hindi ako nakatira sa bahay ng magulang ko dahil may kanya-kanya silang pamilya, walang sinuman sa kanila ang gustong alagaan ako dahil ako ang bunga ng pagtataksil nila sa kani-kanila nilang asawa.

Palaging palaisipan sa batang ako kung bakit wala akong kasamang magulang ngunit habang tumatanda ako ay unti-unti ko nang naiintidihan ang lahat. Hindi nila ako binabayaan, they provided all the things that I need.

Sinilip ko sa pintuan si Daddy, tulog siya kaya hindi na ako pumasok pa. Naghihintay na si Kuya Banong sa labas kaya mabuti pang umuwi na ako.

Habang binabagtas ko ang pasilyo ng hospital ay napansin ko ang matandang nakabistida ng itim. Si Lola sa bus ba ‘yon?

“Lola!” dumagundong ang boses ko sa buong pasilyo ng hospital. Hindi man lang niya ako pinansin.

Sinundan ko siya hanggang makalabas ako ngunit ni anino niya ay wala na. Nagpalinga-linga ako upang hanapin siya nang may kumalabit sa ‘kin.

“Ma’am!” Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

“Kuya Banong naman!” Kumamot ito sa ulo at naiilang na ngumiti.
Kamag-anak siguro talaga ni Lola ‘yong bida sa The Flash dahil sa bilis niyang mawala.

Pakauwi ay agad dumapo ang tingin ko sa rosas na mas lalong tumingkad ang kulay.

“Juliet…”

Napapikit ako nang mariin dahil sa narinig. Pagod ka lang, Juliet! Stress lang ‘yan!

Ang boses ay lalaking-lalaki, namamaos ito at mahihimigan ang pagsusumamo. Sa pagbigkas niya ng pangalan ko ay puno ng sakit at pangungulila.

Napahawak ako sa dibdib dahil kumirot ito. Napaupo ako sa sahig at umiyak sa hindi malamang dahilan. Ang iyak ko ay puno ng hinagpis na hindi ko alam kung saan galing, gusto kong huminto sa pag-iyak ngunit hindi ko magawa.

Dahil ba ‘to sa nakita ko kanina? Pero parang hindi—may iba pang dahilan na hindi ko matanto kung ano. Marahas na bumukas ang pinto ko, pumasok si Nanay na punong-puno ng pag-aalala.

“Juliet, bakit?! Diyos ko, bakit ka umiiyak?!” Sumalampak din siya sa sahig upang patayuin ako ngunit nawalan ako ng lakas.

“H-hindi ko po alam, Nay!” Yumakap ako sa kanya. Dahil sa labis na pag-iyak ay nakatulog ako.

Time Between UsWhere stories live. Discover now