Chapter 10

10 1 0
                                    

Chapter 10

Napaarko ang likod ko sabay humikab. Maaga akong nagising dahil may pasok kami ngunit napaaga yata masyado dahil alas singko pa lamang.

“Ang aga mo yata?” Napalingon ako kay Nanay na nag-abot ng gatas sa ‘kin.

“May program po, Nay. Isa ako sa organizer,” sagot ko. Napansin kong basa ang mga halaman ko. “Ang aga mo naman pong nagdilig,” gulat na tanong ko kay Nanay.

“Hindi ako ang nagdilig, ‘nak. Si Isko, alas kuwatro pa lamang ay gising na siya, naunahan pa nga ako.” Tumawa pa ng pagak si Nanay.

“E, nasa’n po siya?” Ginala ko ang paningin ngunit hindi ko siya makita. Mabilis akong napatingin sa bubong dahil baka naroon na  naman siya at nagwawalis.

“Ang sabi niya ay bibili siya ng pandesal. Nakaalis na ang magpapadesal kanina, hinabol niya lang. Ewan ko ba kung bakit hindi pa siya nakakabalik.” Pandesal? Mayroon na nga kaming pan tapos hahanap pa siya ng iba.

“May pinabibigay pala ang mama mo, ‘nak.” Naging interesado ako bigla sa narinig.

“Ano po?!” Napangiti pa ako. Miss ko na si Mama. Gusto kong bumisita pero ang sabi niya hintayin ko na lamang siyang magpunta rito.

“Pera. Para sana sa competition mo sa ibang bansa kaso hindi ka naman nagpunta.” Napangiti ako ng mapait. Hay, Juliet…bakit ba asa ka nang asa na maaalala nilang malapit na ang birthday mo?

Mabilis kong inubos ng gatas upang makaligo na ako. Iniwan ko si Nanay upang maligo. Suot ang isang white skirt at v-neck blouse ay bumaba na ako ngunit wala pa rin si Narcisso. Dinukot na kaya siya?!

“Kuya Banong!” sigaw ko habang pababa ng hagdan. “Ihatid mo na po ako!” dugtong ko nang makita ko siyang nagkakape sa baba.

Agad naman itong nagpunta sa garahe upang kunin ang sasakyan. Akmang sasakay na ako nang saktong pumasok si Narcisso at may hawak itong sanga ng malunggay.

“Papasok ka na, Binibini?” tanong nito. Tinitigan ko siya. Pawisan ito at may putik pa sa mga kamay. Saan ba siya galing?

“You stinks!” Tinakpan ko pa ang ilong ko dahilan nang pag-amoy niya sa sariling kili-kili na ikinasimangot ko.

“Pagpasensyahan mo na, Binibini. Maliligo na muna ako.” Tatalikod na sana siya nang pigilin ko ito.

“Saan ka galing? At bakit para saan ‘yan?” Turo ko sa hawak niyang sanga. “Aanhin mo ‘yan?”

Inangat naman niya ang hawak kaya napalayo ako. “Hiningi ko sa iyong kapitbahay.” Tinuro nito ang bahay ni Ginang Amor. “Tinulungan ko siya sa paghahardin!” Ngiting-ngiti pa ito. Tinaas pa niya ang hawak na sanga ng malunggay.

Napahalukipkip ako. “Bakit ka nagpunta kay Ginang Amor?! Hindi ko siya kasundo!” Nangunot ang noo nito.

“Ha? Mabait naman siya. Sa katunayan pinauwian pa niya ako ng pandesal.” Pinakita nito ang isa niyang kamay na may hawak na paperbag.

“Huwag mong kanainin! May lason ‘yan!” pananakot ko sa kaniya na tinawanan lamang niya.Tumingin siya sa pamisig na relo. Pang-lolo ang relo niya, saang lupalop naman kaya niya nabili?!

“Kayo ay humayo na, Binibini…baka ikaw ay mahuli sa iyong eskwela.” Nang tumingin ako sa relo ko ay alas-sais y media na. Sasakay na sana ako nang magsalita muli siya. “Binibini, ang suot mo ay sobra na naman sa pagpapakita ng balat,” puna niya.

Inangat ko ang kanang binti ko sa sasakyan dahilan nang paglislis ng skirt ko, lumantad ang binti ko na ikinaiwas niya ng tingin. “Whatever!” Ngumisi pa ako bago tuluyang pumasok sa kotse.

Time Between UsWhere stories live. Discover now