SQ20: Aureum VS Anino

Start from the beginning
                                    

Bago pa siya makakilos muli ay mabilis nang naisaksak ni Maskara ang isang bakal sa kanyang binti dahilan upang mapahiyaw siya, sinundan ito ng isang napakalakas na sipa sa kanyang mukha na kanyang ikinagulong ng ilang dipa. Mabilis siyang lumuhod at naghanda.

"Pero wag ka magalala kaibigan, nandito din naman siya. Pero......mas gusto niyang patayin yung mga estudyante mo" halos pumutok ang mukha ni Kiel sa galit nang dahil sa narinig, mabilis siyang gumawa ng giant axe kahit na nanghihina na siya

"Hindi kayo pwedeng mapahamak, ingatan niyo ang sarili niyo at ang isa't-isa. Antayin niyo lang ako, ililigtas ko kayo mga estudyante ko" bulong niya habang inihahanda ang sarili sa susunod na bakbakan.





***

"Stop right there, don't you dare come near us. I'll f*cking kill you if you do" madiing babala ni Sketch atsaka iniharang ang isang kamay sa harapan ng mga kaklase.

"Ahh, are you the captain? Ohh an interesting captain huh" pilyong sabi nito.

"Let's see how feisty and brave you can be, Aureum" pilyong sabi nito tsaka humakbang palapit, unti-unti itong naglakad hanggang sa ang kanyang hakbang ay naging takbo. Nang malapit na siya ay tumalon ito sa ere at bumuo ng bolang gawa sa anino at inihagis ito sa direksyon ng mga estudyante.

"Run!" Utos ni Sketch sa mga kasama bago inilabas ang kanyang dragon, sinangga ng dragon ang shadow ball kasabay nun ay ang pagtakbo ng ibang estudyante.

Inatake ni Anino ang dragon ni Sketch, kinontrol ni Sketch ang dragon upang tapatan ang galaw ni Anino ngunit naging mabilis ito at nahawakan ang buntot ng alaga, inikot ni Anino ang dragon sa ere at inihagis sa nagmamay-ari sa kanya, bago pa tumama ang dragon sa binata ay naglaho na ito at bago pa man makakilos si Sketch ay nahawakan na siya ni Anino sa kanyang leeg. Sa lakas ni Anino ay walang kahirap-hirap niyang naiangat sa lupa ang binata, pilit itong nagpupumiglas dahil dama niya ang unti-unting pagkawala ng hangin na tumatakbo sa kanyang sistema.

"Sketch! Bitawan mo siya, halimaw ka!" Galit na sigaw ni Jazz kaya nilingon siya ni Anino.

"Okay, as you said. Beautiful" sagot ni Anino atsaka malakas na hinagis si Sketch, tumilapon ang binata at tumama sa isang puno.

Buong tapang namang sumugod si Sum habang buhat ang napakalaking punong kahoy, malakas niya itong hinampas kay Anino at sinalag ito ng kalaban gamit ang dalawang braso.

"Malakas ka" komento nito pero di ito pinakinggan ng binata bagkus ay binato niya rito ang hawak na puno ngunit madaling nasira ito ni Anino, si Bruce naman ang sumugod malakas niyang sinuntok ang kalaban ngunit nailigan nito, sunod-sunod niya itong sinuntok pero patuloy lang ito sa pagilag at nang matyempuhan ang ulo nito ay agad niya itong sinapak ngunit ang ikinalaki ng mukha niya ay tumagos ang kamao niya dito.

"P-Paanong-" bago pa man niya matapos ang sasabihin ay mabilis nang nahawakan ni Anino ang kanyang pulsuhan at ibinalibag sa lupa kaya napadaing siya sa sobrang sakit, gagawin sana sa kanya ito muli pero mabilis ang naging kilos ni Axis, gamit ang anino mismo ni Bruce ay inilipat siya nang kaklase sa punong nasa likod nito.

"Someone got a shadow related Qbility, I'll get you later" sabi ni Anino bago nagsimulang maglakad papunta sa direksyon nila Bruce at Axis pero malalaking ugat at baging ang humarang sa kanya, sinubukan ni Thorn na hulihin si Anino gamit ang kanyang mga halaman pero bigo siya at nagawa pang hawakan nito ang isang baging na hawak niya at siya pa ang inihagis nito palayo.

Paglingon ni Anino sa kanyang likuran ay isang tumatakbong rhino ang pasugod sa kanya, gawa ito sa lupa at halata naman kung sino ang nasa likod nito, imbes na umilag ay hinawakan lang ni Anino ang sungay ng rhino atsaka ibinalibag sa kabilang direksyon ang hayop na gawa sa lupa, nang makita niya si Clyde ay mabilis niyang tinawid ang kanilang pagitan at dala ng pagkagulat ay hindi ito napansin ng binata, nahawakan siya nito sa kwelyo atsaka malakas na sinampal at ibinato kung saan.

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now