Mabubuhayan na sana ako ng loob dahil kinuha niya, pero bumagsak ang balikat ko nang ilabas pa nito ang kaliwang kamay at hinawakan sa magkabilaan ang papers at dahan-dahang pinupunit sa harap ko, ilang beses akong napalunok habang pinapanood ang pagkapunit ng mga pinaghirapan ko.

Nangunot ang kilay kong nag-iinit ang mga mata, hindi ko napigilang nagsipaglaglagan ang maiinit kong luha.

Napamaang ako.

Binitawan niya ito ng mapunit na ng tuluyan habang nakatitig sa'kin ang malamig niyang mga mata.

"Kung sinabi kong ulitin mo, ulitin mo." Malamig at bagot niyang sambit.

"Su-mosobra ka-na..." Maang kong sabi dahil sa sobrang nararamdaman, Hindi ko mapigilan...

Yumuko siya at pinantayan ako.

"What did you just say?" Seryosong tanong niya habang naglilikot ang mga mata niyang pinapasandahanan ang mukha ko.

Magkakahalo ang nararamdaman ko, inis, panghihinayang at pagod.

Hindi ko namalayang lumabas iyon sa bibig ko na pinagsisisihan ko na kaagad, para akong nahimasmasan nang lumapit pa siya.

"Sumusobra na ako? Huh?" Malalim niyang tanong.

Napakurap-kurap ako't mabilis na umiling.

"Hin-di po sa ganun-ahh!" Takot na daing ko ng agaran niyang hinawakan ang braso at batok ko ng mahigpit.

Matigas ang pusturang naglapat ng mariin ang labi.

Napahawak ako sa braso niya dahil sa higpit ng pagkakakapit niya sa'kin, natatakot ko siyang tiningnan.

"Gagawin mo pa akong tanga!?" Hasik niyang hiyaw sa pagmumukha ko, rinig ko ang paglangitngit ng mga ngipin niya.

Pinilit kong umiling.

"So-orry... Hindi ko naman sinasadya-hmmn!" Nanlaki ang mata kong hindi makagalaw sa gulat.

Mabilis niya akong sinunggaban ng halik, mapupusok ang mabilis na labi niyang gumalaw, at kulang nalang  lukutin niya ang labi ko.

Galit niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko dahilan ng pagpiglas kong pilit inilalayo ang dibdib niya.

"Uhmnn!" Mariin kong daing nang lumipat ang kamay niyang nasa braso ko sa baywang ko at hinapit pa niya ako lalo.

Napapikit ako ng mariin, hindi kinakaya ang mapagparusang labi niya... Sinipsip niya ang labi ko ng mariin.

Napaiyak ako dahil masakit na talaga...

Aminado akong namiss ko siya, ang halik niya, ang paghawak niya sa'kin, pero iba ngayon. Hinahalikan niya ako ng wala manlang pag-iingat, hinahawakan niya ako ng buong pwersa, na hindi gaya noon.

Lumabas ang iyak sa'kin ng lumipat ang mariing paghalik niya sa panga ko, napahawak ako ng mariin sa balikat niya.

"Si-ir... Ahh! Masakit!" Hikbi ko nang nagtungo ang labi niya sa leeg ko, bahagya pa nitong kinagat na nagpahikbi sa'kin lalo.

Pabalang niya akong binitiwan.

"You are nothing but a piece of shit. So don't talk to me back if you don't want me to do worse than that." Mariing sambit niya saka tumalikod at bumalik sa kinauupuan nito.

Namamaga ang labi ko't ramdam ang hapdi ng pagkakakagat niya.

Hindi ako nakapagsalita...

Nanginginig ang kamay kong pinunasan ang mga luha ko, dahan-dahan kong iginalaw pababa ang bumabaluktot kong tuhod saka pinulot ang mga pinunit niya sa sahig.

Napaiktad ako ng bumukas ang pintuan.

"Daddy!" Galak na bungad ng isang bata, madali kong pinulot lahat at tumayo.

Bumaling ako sa bata, nakangiti ito habang patakbong lumalapit sa gawi ni Zyair.

Bumaling ako sakanya, ngumiti ito ng matamis, nawala sa mukha niya ang galit at inis at napalitan ng galak. Tumayo siya at sinalubong ang batang babae.

Umatras ako papunta sa gilid.

Pinagmasdan ko siyang bumaba konti para mabuhat ang bata, inayos nito ang buhok at hinalikan sa pisngi.

Napalunok akong kumurap-kurap, napangiti ako ng mapait sa aking isipan.

Magka age lang ang bata at si Yuna...

Dumaan ang pagkibot ng puso ko habang tinitingnan sila.

"How's school Princess? Did you do your best as you promised to me?" Malambing at malamyos na boses ni Yitro.

Tumango ang bata.

"Of course, Daddy. I want you to be proud of me po..." Pagsagot nito.

"Oh, I've always been proud of you..." Ngiting aniya.

Hindi ko akalaing ganito siya magpaka-ama sa anak niya, nakakatuwa lang, masaya ako para sakanya...

"Ikaw talagang bata ka, hindi mo ako hinintay." Bungad ni Ma'am Venice.

Nakangiti siyang pumasok, napabaling ang atensiyon niya sa gawi ko, napawi ang pag-ngiti niya pero hindi niya iyon ipinahalata at diretso sa mag-ama niya.

Pagkalapit, hinapit siya ni Yitro saka hinalikan sa labi.

Na nagpaiwas ng tingin ko, kumibot sa'kin ang pagsikip ng dibdib ko.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan...

Inihakbang ko ang mga paa ko palabas, hindi na ako nagpaalam dahil makakaistirbo lang ako.

Pagkalabas ko ng pintuan, balisa akong naglakad papunta ng Cr.

Pagkapasok ay tumingin ako sa salamin, nag-iinit muli ang mga mata ko...

"Hindi mo na ba masukat ang pagsisisi mo ngayon, Beca?" Pagbasag ng boses kong bulong sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Napayuko akong napakagat labi habang hinahayaang lamunin ako ng emosyon.

Impit akong napaiyak, hanggang ngayon ang sakit-sakit parin...

Para akong pinipiga nang makita kung gaano siya kasaya kay Ma'am Venice at sa anak nila.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ingiit...

Inggit para sa anak ko na mukhang hindi naman na niya kailangang malaman ang tungkol kay Yuna.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz