Mabilis na tinakbo ko ang mahabang pathway papasok ng campus. Nauna pa nga ako sa dalawa na makapasok eh. Tinahak ko ang daan papunta sa Main Hall. Sigurado akong naroroon sila.

"Tang*na, Villaflor! Ang bilis mong tumakbo." Hinihingal na wika ni Zander nang maabutan nila ako.

"Tang*na ka Aguilar! Sino ba kasing nagsabi na tumakbo tayo? Pakiramdam ko lalabag 'yong ininom kong kape."

Napangiwi silang dalawa ni Zander sa sinabi ni Glen. Nakahawak nga ito sa tiyan na para bang masusuka na.

"Uy, gago! Huwag kang magkalat dito, bro! Doon ka sa banyo sumuka. Kadiri ka uy!"

"F*ck you!"

Napailing na lang ako.

Pagdating sa loob ng building ay sila Tita at Tito agad ang nabungaran ko. May kasama ang mga ito na isang babae at isang guard. Namukhaan ko agad ang babae dahil isa ito sa staff ng cafeteria at ang guard naman ay ang nagbabantay sa Security Room.

Anong ginagawa nila rito? Bakit kasama nila ang parents ni Erish?

"Anong meron?" Nagtataka ring tanong ni Glen.

"I don't know. Let's ask them." Lumapit kami sa gawi nila.

Kinuha ko ang atensyon ng mga magulang ni Erish. At nakumpirma kong wala nga si Erish. Hindi nila kasama. Hindi ba ito papasok?

"Tito, Tita! Ano pong ginagawa n'yo rito?"

Napatingin sa amin ang mag-asawa. Ngumiti si Tita sa amin.

"Oh, boys! Kayo pala. Hhhmmm... wala lang. Bumisita lang kami ng Tito n'yo. Gusto rin naming kamustahin ang pamamalakad ng school."

Iyon lang ba talaga?

"Si Erish po? Hindi n'yo kasama."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Tila may gustong sabihin ngunit hindi maibigkas.

"Bakit po? May problema ba? Hindi po ba papasok si Erish?"

Kahit sina Zan at Glen ay naghihintay rin sa isasagot nila, ngunit wala kaming nakuhang sagot mula sa mga ito.

They hiding something.

"Tita, Tito!"

Napatingin kami sa pintuan ng Main Hall. Pumasok doon si Ella na may pagtataka rin sa mukha.

Ano na?

"Ella, iha! Come here, namiss kita. Hindi ka na pumupunta sa bahay, hmm? But ofcourse, naiintindihan ko naman. But don't worry, it's okay."

What? Wala akong naintindihan.

"Ahmm... Tita—"

"Sshhh, iha! It's okay."

"MY GOSH! Anong nangyayari dito?" Tanong agad ng Head Principal na kalalabas lang mula sa isang room doon. Napatingin ito kina Tita na mukhang hindi naman nagulat na naririto ang isa sa mga shareholder ng eskwelahan.

"Mr. and Mrs. Santanilla, what brought you here? Anong maitutulong ko?"

"Drop it, Jane! We're not here for being one of the shareholder, but for being a parents. Gusto naming malaman kung anong nangyayari sa mga estudyante at sa eskwelahang ito. Because, you know, involve ang pamangkin mo."

"Oh, right! Ngayon pala iyon. Pasensya ka na aking mahal na kapatid."

"KAPATID??" Sabay sabay naming tanong. Gulat na gulat sa nalaman.

What? Really? Magkapatid si Tita at ang Head Principal ng Eastwood? So, pamangkin si Erish ng Head Principal? Oh god! Ano pang rebelasyon ang maririnig namin ngayon?

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon