CHAPTER 38

48 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

I WAS shocked. So shocked to the point na nakatitig lang ako sa kasamang babae ng aming guro. Kahit ang mga kaklase ko ay napasinghap din nang mamukhaan ang babaeng nasa harapan namin.

Noong una hindi talaga ako makapaniwala na may kamukha ako na hindi ko naman kamag-anak and worst hindi ko kakambal. At nasa harapan ko na nga ang tunay na ebidensya na matagal ko nang kinakatakutang mangyari.

"Nicka." Mahinang bulong ko habang nakatingin dito.

"Class this is your new classmate. Nag-enroll na s'ya bago pa magpasukan pero hindi agad nakapasok dahil inayos pa n'ya mga papers n'ya sa U.S." Paliwanag ni Ma'am. Bumaling ito sa magiging bago naming kaklase. "You may introduce your self."

"Thank you Ma'am!" Hingi nito ng pasalamat bago humarap ulit sa amin. "Hi, everyone! Nicka Sandoval is my name. Hope we can be friends. Nice to meet you all, thank you!" Pakilala nito.

Loud gasped from my classmates filled the room. May ilang bulong-bulungan pa nga akong naririnig eh.

"Omg! Magkamukha sila ni Margaux."

"Kambal kaya sila?"

"Mukhang hindi naman eh, magkaiba kaya sila ng apelyido."

"Make sense."

Hello! Nandito po kaya ako, rinig na rinig mga bulungan n'yo. Para ngang hindi bulong iyon eh.

"Sige na Ms. Sandoval, maupo ka na."

"Thank you Ma'am!"

Naglakad ito papunta sa kabilang side kung saan may bakante pang upuan, kasama ng tropa ni Bianca.

"Wala muna tayong session ngayon dahil may meeting ang faculty. Pero bibigyan ko kayo ng topic na pag-aaral n'yo sa bahay. Okay?"

Inabot ni Ma'am isa-isa ang mga folder na pinaglalagyan ng booklet para sa topic na pag-aaralan namin. Pagkatapos ay nagpaalam na ito at lumabas.

Nagdiwang naman ang mga kaklase ko dahil vacant kami until lunch.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marealize na hindi dumiretso si Nicka dito sa table namin kahit na marami pa namang vacant seat.

And I don't know if sinadya ba n'ya iyon, but I don't care. Mabuti nga kasi hindi n'ya makakasama sa iisang table ang ex n'ya. HMP!

Pero naiinis ako na hindi ko alam. Siguro dahil sa katotohanang nasa iisang school kami, and worst nasa iisang klase pa. So meaning, ilang buwan kaming magkikita-kita?

Darn it!

Eh ano bang pake ko? Wala naman na sila ni Glen. And alam kong hindi na sila magkakabalikan pa.

Pero....

Mahal pa rin ni Glen ang babaitang iyon. Argh! What to do?

"Ang lalim ng iniisip ah!"

"BIANCA!"

"What?" Tumatawang aniya nito.

"Bakit nandito ka? Doon ka diba?" Sabay turo sa table nila. Nakita kong kinakausap na ng mga alipores ni Bianca si Nicka. Mukhang hindi naman naiinis ang babae dahil ngumingiti pa ito.

"Ayoko na doon. Dito na lang ako. Hindi ko feel 'yang si Nicka."

"Weh? Baka naman gusto mo lang chansingan si Glen KO ah."

Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Girl, chill! Masyado mong inaangkin si Glen. But don't worry, sayong sayo na s'ya. Wala ng aagaw pa."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now