CHAPTER 3

89 10 38
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘

MARGAUX ERISH P.O.V

ISANG normal na araw lang naman ang araw na ito para sa iba. Pero para sa akin, espesiyal ang araw na ito dahil.....

"MARGAUX LUMABAS NA ANG RESULT NG FINAL EXAM LAST YEAR!!!"

Mabilis na nagsilabasan ng classroom ang mga kaklase namin, para tingnan ang result na ipapaskil ng Principal sa Buletine Board na nasa hallway.

Hindi naman na ako nag-abala pang tumayo at makipagsiksikan sa daan-daang estudyante na dadagsa doon.

"Nakuha mo?" tanong ko.

Ngiting tagumpay ang isinagot nya sa akin. "Ofcourse, My dear Bespren!" Naupo siya sa upuang nasa unahan ko pagkatapos ay inabot sa akin ang phone nya.

Napangiti naman ako ng makita ang listahan ng mga nakapasa sa final exam.

Every year ay nagsasagawa ang lahat ng FINAL EXAM na kung saan gagamitin iyon sa susunod na pasukan para maghanap ng ipapatransfer ng section.

Gets?

Kung hindi, problema nyo na 'yon. CHARR! HAHAHA!

Bago matapos ang pasukan ay may final exam pa, diba? Bukod pa 'yon sa final exam na sinasabi ko. Ang final exam na tinutukoy ko ay basehan kung mananatili ka ba sa section mo, o maililipat ka sa higher section. At ang result ng exam na iyon ay sa susunod na pasukan ilalabas, dahil iyon din ang araw na pipili ang Dean ng ipapalipat ng section. Kung mataas ang marka mo, maaaring mapunta ka sa Star Section, na kung saan naroroon ang matatalino at magagaling na students.

At higit sa lahat naroroon ang HUBBY KO!

Pero...

...pili lamang ang nakakapasok doon.

May tatlong section ang bawat level. So, it means ang first year ay may tatlong section hanggang sa fourth year. Bale 12 sections lahat meron ang Eastwood High. Wala pa silang Senior High dahil kasama ang S.H sa Westwood University kung nasaan ang College.

Ang Eastwood at Westwood ay sisterhood school. At sa sobrang lawak ng dalawang school na ito para na kaming nasa isang private island na tanging mga estudyante lang ang makakapasok.

Magkatabi ang Highschool at College at isang tulay na gawa sa bakal at semento lamang ang nagdudugtong sa dalawa upang makapunta sa kabila.

Kung naiimagine nyo, sobrang ganda nya.

Matayog na gusali na para bang nasa Medieval period ka pa. Tila isang private school na mga elites lamang ang makakapag enroll.

Pinagmasdan kong mabuti ang list at hinanap agad ang name ni Glen. Hindi naman ako agad natagalang hanapin dahil nasa kauna-unahang numero lang naman iyon.

"No wonder why he's in the Star Section. Mukhang kahit yata hindi na sya magreview ay makakapasa pa rin sya."

"Si Glen talaga ang una mong hinanap noh?"

"Ofcourse! Sya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagpursige sa pagrereview last year eh."

"Kaloka ka talaga! Bilib na talaga ako sa fighting spirit na meron ka, bespren. Ikaw na!"

"Naman!"

"Hindi mo ba hahanapin ang pangalan mo?" May ngiting nakapaskil sa kanyang labi nang tingnan ko sya. Agad na tumaas ang kilay ko.

"What do you mean?! I mean... I'm not expecting that mapapasama ako sa—"

"Why don't you check your name first?!"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Donde viven las historias. Descúbrelo ahora