CHAPTER 30

47 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY

TULALANG nakatitig ako sa puting kisame ng aking kwarto. Kanina pa ako nakauwi. Pagdating nga ay nagtungo agad ako sa kwarto ko. Wala pa sina Mom at Dad dahil nasa opisina pa ang mga ito at susunduin pa lamang ng driver namin. Meaning ako na naman ang nag-iisa dito sa bahay.

Parang gusto ko na ngang bumili ng puppy para naman hindi boring mag-isa. Masarap sigurong magkaroon ng alaga na sa tuwing uuwi ka ay ito ang sasalubong sayo at magtatanggal ng pagod mo sa maghapon pag-aaral.

Hmmm... Not bad, right?

Magpapasama na lang ako kay Ella bukas para bumili ng puppy sa isang vet shop malapit sa may mall. May pera naman ako kaya no need manghingi kina Mommy.

Napatingin ako sa wall clock na nasa dingding malapit sa may book shelf.

"9:30 pm? Gabi na pala?"

Kaninang dumating ako ay 4:30 pm pa lamang. Halos limang oras na pala akong nakahiga at tulala dito. Hindi pa rin ako nakakapagpalit ng uniform ko at mas lalong hindi pa ako kumakain. Kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Bumangon na ako. Kumuha ako ng pamalit sa closet bago nagtungo sa loob ng banyo para magpalit. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Patay ang lahat ng ilaw. Sobrang tahimik din ng paligid, siguro dahil ako pa lang ang naririto.

Binuksan ko ang mga ilaw at naglakad papunta sa kusina. Gutom na talaga ako. Hindi kaya uuwi sina Mom? Wala na naman ako kasamang kakain?

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng shorts para tingnan kung may text or chat ba sa akin si Mommy.

At meron nga.

From Mom:
Honey, pasensya ka na. Hindi kami makakauwi ng Dad mo ngayon. Naririto sya sa hospital para tumulong. Nagkaroon kasi ng aksidente at maraming sugatan ang kailangang gamutin.

From Dad:
Princess we're really sorry. Mag-isa ka na naman d'yan sa bahay. Kumain ka ah, h'wag kang magpapalipas. Ilock mo ang pinto at mga bintana bago ka matulog. H'wag ka na rin lalabas ng gabi. Take care Princess. We love you!

May huling text pa si Mom na nabuksan ko bago patayin ang phone.

From Mom:
Babawi kami ng Dad mo sayo. Sorry Honey! Ingat ka d'yan. Matulog ng maaga.

Nanlulumong inilapag ko ang aking phone sa glass table para magsimulang magluto ng dinner ko. Kahit tinatamad ay kailangan kong kumain.

Hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot at madisappoint. Alam kong masyadong busy ang kanilang propesiyon at hindi naman ako tutol doon. Isang doctor si Mom at kapag may oras si Dad ay tumutulong s'ya sa hospital. Busy din naman si Dad sa kompanya lalo na at s'ya lamang ang pinagkakatiwalaan ni Lola na mamahala doon. Nakakalungkot lang dahil doon nawawalan din sila ng oras para sa kanilang nag-iisang anak.

Pero okay lang. Sanay na ako kaya hindi na bago sa akin ang mag-isa sa tuwing wala silang dalawa.

Pinipilit ko na lang na maging okay sa tuwing may ganitong sitwasyon. Kapag naman kasi may time silang dalawa ay hindi pumapalya ang pagbibigay nila ng oras para sa akin. Bumabawi sila tulad ng pinapangako nila sa akin. At masaya na rin ako dahil doon. Para din naman sa akin ang ginagawa nilang pagpupursige para mabigyan ako ng magandang buhay. Nakakatulong din sila sa nangangaylangan, kaya ayos lang talaga.

Hindi na ako nagsaing dahil ako lang naman ang kakain. May tira pa namang kanin at iyon na lang ang sinangag ko. Nagluto na lang din ako ng omellet at nagtimpla ng chocolate drink para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now