CHAPTER 20

54 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY

NAKABALIK na kami sa resort pero hindi pa rin maalis aa isipan ko ang huking sinabi ni Glen.

"And here in this place, I meet HER!"

"And here in this place, I meet HER!"

"And here in this place, I meet HER!"

Parang sirang plaka na paulit-ulit iyon sa aking isipan. At kahit anong gawin kong pag-iisip ng kung anu-ano para lang matanggal iyon ay wala pa ring epekto. Tila nakatatak na iyon sa utak ko na parang isang virus.

"Sinong HER? Her? Meaning babae? S-Sino namang babae ang tinutukoy n'yang nakilala n'ya sa isla?"

"Babae?"

Halos atakihin ako sa puso dahil sa biglaang pagsulpot ni Ella sa likuran ko.

Pinalo ko sya sa braso. "Nanggugulat ka naman eh!"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo, kanina pa. At sa sobrang lalim hindi ko mareach. Ano ba 'yang iniisip mo d'yan at hindi mo ako namalayan na dumating? Tsaka... sinong babae?"

"Ha? Ahhh... wala... wala... wala naman. Iniisip ko lang 'yong binabasa ko. May iniimbestigahan kasing babae ang grupo ng detective sa binabasa ko kaya napapaisip din ako."

Pabirong umirap ito.

"Hay naku! Yun lang naman pala. Send mo sa'kin yung link ng binabasa mo ah, parang gusto ko ring basahin eh."

Tumango-tango naman ako. "O-Oo! Send ko sayo later."

"Nasa pool sina Zan, pupunta ako ngayon doon. Sama ka?"

"Sunod na lang ako."

"Sige! Basta sumunod ka ah." I just nodded my head before she left.

Napatulala ako sa dalampasigan habang may ngiti sa labi. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi gano'n kainit dahil malamig ang sariwang hanging nagmumula sa matataas na puno. Maraming turistang naliligo at namamasyal sa malinis na karagatan.

Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko kapag naaalala ko ang nakangiting mukha ni Glen sa akin kanina, habang nasa bungad kami ng kweba.

Ngunit nawala din kaagad iyon nang maisip kong baka pinapaasa ko na naman ang sarili ko sa ideyang napaka-imposibleng mangyari.

Pero... Wala namang imposible, diba? Lahat nagiging posible kung gugustuhin mo talagang mangyari.

P-Pero....

"AARRRGGGHHHHH! NAKAKAINIS NAMAN!" Ginulo ko ang aking buhok because of frustration.

Kung may makakakita lamang sa akin ngayon, sigurado akong iisipin na nitong baliw ako dahil sa ginagawa ko sa'king sarili. At talagang mababaliw na ako kapag hindi pa ako umalis dito.

"Haist!"

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Aalis na sana ako nang bigla na lamang tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa ng dala kong sling bag.

Napatigil akong muli sa paglakad at dali-daling sinagot ang tawag. Hindi na ako nag-aksayang tingnan ang I.D caller at basta na lamang sinagot iyon.

"Hello?"

"Anak!"

"Mom? Bakit napatawag po kayo?"

"Darling, can you go home now?"

"Why Mom? Anong nangyare?"

"Nagkaproblema sa isang wine factory sa London. Kailangan kami ng Dad mo doon para ayusin ang naging problema. 1 to 2 weeks kaming mananatili doon, nakaleave sina Yaya Mimi kaya wala kang makakasama dito sa bahay. Nag-aalala kami ng Dad mo kaya naisip namin na pauwiin ka na muna dito para maipagpaalam kita sa pansamantala mong tutuluyan. Pasensya ka na anak at mauudlot ang outing n'yong magkakaibigan."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon