CHAPTER 35

47 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

PARANG sasabog ang mukha ko dahil sa sobrang pag-init ng magkabila kong pisnge. Ano ba naman kasing kabulastugan ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito?

Nanlilisik ang mga matang binalingan ko si Josh.

"Ayoko sa langit, hindi mainit doon. Gusto mong dalhin kita sa literal na impyerno? Kung hindi mo nalalaman, pinsan ko si Lucifer. Pwede kitang ipasundo dito sa kanya ngayon din."

Ngumisi s'ya ng hilaw.

"Joke nga lang kasi. Eto naman, hindi ka na mabiro. Tara na nga! Punta muna tayo sa bahay. Kukunin ko lang ang kotse."

Pumara s'ya ng taxi papunta sa kanila. Sa isang exclusive subdivision pumasok ang sinasakyan naming taxi. Anim na bahay ang nilampasan namin bago tumigil ang sasakyan.

Buong isang libong piso ang inabot ni Josh sa driver. "Bayad Kuya. Keep the change."

"Salamat, Boss!" Sumaludo pa ang driver kay Josh. Ngumiti lang naman s'ya bago ako nito hilahin palabas.

Isang malaking mansion ang bumungad sa amin pagkababa. Sa lahat ng mga bahay dito, mas malaki ito ng isang metro kaysa sa iba. Iba ito sa alam kong bahay nila. Dalawang beses na ako nakarating doon kaya nasabi kong iba ang mansion na ito.

"Ilan ang bahay n'yo Josh?" Inosenteng tanong ko habang nakamasid sa mansiong nasa harapan namin.

"Tatlo yata. Tapos limang condominium."

"W-WHAT THE?! Edi kayo na!"

Tumawa lamang ito bago muli akong hinila papasok sa malaking gate. Bukas ang main door kaya tuloy-tuloy lang kaming pumasok sa loob.

"MANANG MELBA?" Tawag n'ya sa kanilang kasambahay.

Isang may hindi katandaang babae ang dumungaw mula sa kusina. Nanlaki ang mga matang humiyaw ito, hindi sa gulat kundi sa tuwa.

Humalakhak naman si Josh dahil sa inasal nito. Mabilis itong naglakad papunta sa gawi namin.

"Jusko kang bata ka! Hindi ka nagsabing pupunta ka dito." Hinaplit nito sa batok ang alaga.

"Aray naman Manang. Pa-suspence iyon eh." Tumatawang sagot ni Josh sabay halik sa noo ng matanda.

"Bakit madalas ka nang dumalaw ditong bata ka? Simula nang lumipat kayo sa kabilang mansion ngayon ka na lang nagawi dito."

"Sorry na Manang. Masyado lang busy sa school eh. Tsaka dito naman ako uuwi simula ngayon."

Dumapo sa akin ang paningin ni Manang Melba. Ngumiti naman ako dito.

"Hello po!"

"Ay jusko! Napakaganda naman ng girlfriend mo Josh, iho. Iha, ikaw ba naman ay hindi inaaway at sinasaktan nitong batang ito? Sa akin ka magsusumbong kapag inaway ka nito ah, at yayariin ko 'to para sayo."

Napagkamalan pang mag-jowa. HUHUHU!

Napansin yata ni Josh ang pagka-ilang ko kaya sinaway n'ya ang matanda.

"Manang, hindi ko girlfriend ito." Bigla n'ya akong inakbayan. "Manang kaibigan namin, si Erish. Erish, ang pinakamabait at mapagmahal na Manang sa balat ng lupa, si Manang Melba."

"Nambola ka pa talagang bata ka. Iha, totoo bang hindi ka gitlfriend ng alaga ko?"

Ngumiti ako bago umiling.

"Naku naman!" Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Manang. Malakas na hinampas nito sa braso ang nagtatakang si Josh. "Ang hina mo namang bata ka. Galaw-galaw din pag may time at baka maunahan ka pa."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now