CHAPTER 9

57 7 27
                                    

CHAPTER NINE

BE OBSERVANT!

BE OBSERVANT!

BE OBSERVA—Teka nga! Bakit ko naman gagawin iyon? Eh samantalang wala namang kakaiba sa dalawa bukod sa pagiging masungit 'nong isa at friendly naman 'yong isa.

"TEKA NGAAAAA!"

Parang alam ko na kung anong gustong iparating ng babaitang iyon ah. Gaga! Bakit nga ba ngayon ko lang na gets? Engot ko din eh!

Nakauwi na ako't lahat lahat, ngayon ko lang nagets ang sinabi ni Ella. Agoi! HAHAHA!

"Siraulong babae yun ah! Anong akala nya? Na may gusto sa akin si Josh? Ampaw!"

'Hindi nga kami close tapos may gusto sa'kin?'

'Bakit? Bawal ba?' kastigo naman ng kabila kong isipan. 'Kayo nga ni Glen, hindi din kayo close pero mahal mo, diba?'

Napaisip ako. Oo nga no? Pero—ah ewan! Bahala na si Batman!

Humilata ako sa kama saka inabot ang aking phone na nasa ibabaw ng beside table.

Inopen ko ang messenger at chinat si Ella.

ErishGanda:
HOY BABAITA! WALANG GUSTO SA'KIN SI JOSH AH!

                                                   BitchELLA:
                                                   HAHAHAHAHAHAHA!!!!

Madaming HAHA lang ang inireply nya sa chat ko. Walanghiyang babae!

"Tawang tawa?! HAH!"

Hinagis ko na lang sa kama ang phone ko pagkatapos ay dumapa at ibinaon ang ulo sa malambot na unan. Paulit-ulit na ipinilig ang ulo habang nagha-hum ng song, hanggang sa lamunin na rin ako ng antok.

KINABUKASAN~

"MAGANDANG UMAGA HUBBY!" Malawak ang ngiting bati ko kay Glen pagkapasok ko pa lang ng room namin. Narinig ko namang nagbulungan ang mga bubuyogs sa paligid pero hindi ko na lang pinansin.

'Walang makakasira ng araw ko! Avoid badvibes, Margaux!' paalala ko sa sarili.

Malawak ang ngiting bumaling ulit ako kay Glen na naka poker face na naman. As sual!

Pero pogi pa rin. MWEHEHEHEHE!!!

"Walang maganda sa umaga." Pagsusungit nito sa akin.

"Meron kaya..."

"Ano?"

"AKO!" Saka ako ngumiti ng pagkalawak-lawak. Nakita ko naman syang umirap sabay iwas ng tingin sa akin.

Eme!!! Kung alam ko lang, kinikilig lang yan eh. BWAHAHAHAHA!

"HOY! HOY!!!! Kay agang banat naman n'yan Erish," pansin ni Zan na kapapasok lamang kasunod si Josh.

Kumaway naman ito sa akin pagkatapos ay dumiretso agad sa upuan nito at pabasta na lang na tinapon ang bag. Ang burara talaga!

Umupo naman ako sa upuan kong katabi lang ni Glen Hubby ko.

Pabaliktad naman na umupo si Zan sa kanyang upuan paharap sa akin. Nasa likuran kasi nilang dalawa kami ni Glen.

"Gusto mong makarinig ng totoong banat, Erish?" pagmamayabang nito.

"Sige nga!" hamon ko naman dito.

"BANAT. BOOOMM!" Pagkatapos ay humalakhak ito ng pagkalakas-lakas na tanging sya lamang ang natawa sa joke nya.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now