CHAPTER 52

53 3 4
                                    

CHAPTER FIFTY-TWO

LETTING go means coming to the realization that some people are a part of your history, but not part of you destiny.

At iyon ang narealize ko sa ilang taong pagkagusto ko kay Glen. Maybe we just met for a reason, but we are not really meant for each other.

At minsan kung sino pa 'yong hindi natin inaasahang makakasundo natin sa maraming bagay, sila pa pala 'yong tamang tao na naghihintay lang sa atin.

Masasabi kong nasaktan talaga ako dahil akala ko iyon na eh. Akala ko s'ya na 'yong para sa akin, 'yong lalaking magmamahal din sa akin. But I was wrong. Kasi s'ya pala 'yong taong makikilala mo, susubukin kung hanggang saan ang makakaya mo, pero hindi s'ya 'yong taong inilaan sa'yo.

Maybe Glen is one of the hardship na pinakilala sa akin para mapagtagumpayan ko. S'ya 'yong taong nanakit but at the same time nagpatibay sa loob ko.

At s'ya ang taong nagdala sa akin sa lalaking hindi ko aakalaing bubuo palang muli sa akin.

PAGKATAPOS ng Foundation Day, nagbalik na ulit sa dati. But this time naging busy na kami masyado. Madaming activities sa school, homeworks, projects lalo na at graduating kami. Hindi pwedeng magpa echos-echos na lang katulad nang mga nagdaang araw.

Lumipas ang New Year at Valentines Day. Sobrang daming nangyari. Sobrang busy rin namin at hindi namalayan na lumipas na naman ang ilang buwan sa mga buhay namin.

Isang buwan bago dumating ang Moving Up Day namin, magsasagawa kami ng Exit Exam. Hindi ko alam kung meron ba sa ibang school but here in Eastwood High, isa 'yon sa mahalagang examination na pagdaraanan namin bago matapos ang school year na ito.

Doon malalaman kung bagsak ba kami o makakapasa para grumaduate at tumuntong na muli sa oanibagong taon sa aming mga buhay.

At ngayon nga, dalawang araw bago ang Exit Exam, sobrang tutok kaming lahat sa pagre-review.

Hindi pwedeng hindi dahil dito nakasalalay ang aming kinabukasan.

Hindi ito tulad ng ibang weekly exam or quarterly exam na pwede kaming magpapetiks-petiks lang. Aasa na lang sa stock knowledge kung may natutunan man. Dahil kapag hindi kami nakapasa sa exam na ito, siguradong BETTER LUCK NEXT YEAR ang bagsak namin.

"AYOKO NAAAA!" Napatingin ako sa katabi kong si Bianca. Tutok na tutok ang mata nito sa notes pero tuloy ang pag nguya ng nachos na nasa ibabaw ng mesa. "AYOKO NA! NAKAKAGUTOM PALA ANG PAG REVIEW. PERO BUSOG NA AKO, HINDI KO NA KAYA!"

Naka ilang punta na s'ya sa cafeteria dahil palaging nauubos ang binibili n'yang snacks. Wala pang kalahati ang narereview ubos na agad ang pagkain. Kaya sinong hindi mabubusog sa ginagawa n'ya.

"Tigilan mo na nga ang pagkain. Walang papasok sa isip mo kapag busog ka. Mas gugustuhin mo pang humilata na lang kaysa mag review. Tsaka, huwag mo kasing sauluhin, intindihin mo para hindi mahirap kapag nagsagot ka na."

"Iyon na nga, Margaux eh. Ang hirap intindihin. Mabuti pa 'yong feelings n'ya madali lang intindihin, pero itong math problems? Ah, ikamamatay ko ito."

Napangiwi ako sa sinabi n'ya.

"Wala na 'yan, Erish. Bagsak na 'yan. Hindi na 'yan makakaahon." Natatawang sabi ni Zander.

Napatingin naman ako kay Bianca na bagsak na nga. Nakadukmo na kasi ang ulo nito sa mesa.

Kawawang nilalang!

"Gutom ka na ba? May dala akong sandwich." Nilingon ko si Josh ng magsalita ito.

"Anong flavor?"

"Chicken."

Napangiti naman ako. Alam na alam na talaga n'ya ang mga favorite ko at hindi.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now