CHAPTER 31

44 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

PARA akong sinaksak ng katotohanan sa mga oras na ito. Tagos na tagos hanggang buto 'yung sakit ng mga salitang binitiwan n'ya. Alam kong lasing lamang s'ya at expected na kung anu-ano ang sasabihin n'ya. Pero 'yung fact na naglasing s'ya dahil sa babaeng iyon, tapos napagkamalan na naman n'yang ako iyon ay isang masakit na katotohanan.

Katotohanang kahit anong gawin ko, si Erish pa rin ang makikita n'ya at maaalala sa pagmumukhang ito.

Na kahit ipagduldulan ko pa sa pagmumukha n'ya na hindi ako ang babaeng iyon, sya at sya pa rin talaga ang makikita n'ya sa akin.

Ano bang dapat kong gawin?

Kahit kailan hindi ako mag-aadjust para lang sa babaeng iyon. Hindi ako magpapapalit ng mukha para lang sa kanya. Asa s'ya! Manigas s'ya d'yan!

Ngunit anong ibig n'yang sabihin sa sinabi n'ya kanina? Na nagkagusto si Nicka kay Josh? Ano ba talaga? Ano ba talagang nangyari sa kanila? Ano ba talagang meron sa kanila? Bakit nadamay si Josh dito? Naguguluhan na ako at the same time ay nasasaktan dahil sa pinag-gagawa n'ya.

"Ang manhid mo. Ang manhid-manhid mo Glen? Nakakainis ka!"

Hindi s'ya manhid, Erish. Hindi ka lang talaga n'ya gusto.

Hindi ko namamalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata. Pinalis ko iyon saka hinawakan si Glen sa kanyang dalawang balikat. At dahil mabigat s'ya nahirapan pa akong akayin s'ya papunta sa sofa. Pabagsak na tunulak ko s'ya doon para mapahiga.

Lasing na lasing ang gague!

Pinagmasdan ko s'ya habang pasalampak na nakahiga ito sa sofa. Gusto ko man s'yang saktan dahil sa pananakit n'ya sa feeling ko ng hindi na namamalayan, pero wala akong karapatan na gawin iyon.

Kung may sisisihin man ako sa sitwasyon kong ito, iyon ay ang sarili ko mismo. Ako naman kasi ang mag kasalanan kung bakit ako nasasaktan.

Una pa lang kasi alam kong ayaw na n'ya sa akin, pero tuloy pa rin ako. Una pa lang tinataboy na n'ya ako palayo, pero bumabalik pa rin ako. Una pa lang alam ko nang masasaktan ako kapag nagpatuloy pa'ko, pero tanga at nagmamatigas ang puso ko. Kaya heto, ako 'yung nahihirapan sa katangahang ginawa ko.

Kalahating oras na akong nakatayo sa harapan ng natutulog at lasing na si Glen. Malapit nang maghating gabi kaya napagdisesyunan kong hayaan na lang muna dito si Glen. Ayoko namang mangbulabog ng dis-oras ng gabi sa kanila, para lang ipakuha s'ya dito.

Umakyat ako sa taas at nagtungo sa kwarto nina Mommy. Damit na lang ni Dad ang ipapahiram ko sa kanya. Matangkad naman s'ya kaya malamang ay kasya lang sa kanya ang damit ni Dad. Kumuha na rin ako ng malinis na bimpo sa closet. Pagkatapos kong kumuha ng t-shirt at towel ay bumaba na ako. Nagtungo naman ako sa kusina para kumuha ng palanggana. Nilagyan ko iyon ng maligamgam na tubig. Nang kompleto na ang kailangan ko ay bumalik na ako sa sala para punasan s'ya at nang matanggal ang amoy alak sa kanyang katawan.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago simulang tanggalin ang suot n'yang polo. Walang malisya. Kung dati iniimagine ko pa kung ano bang itsura ng katawan ni Glen, pero ngayon? Nawawalan na ako ng gana. Siguro dahil pagod na ako o nasasaktan ako dahil sa kanya.

Binasa ko ang bimpo gamit ang maligamgam na tubig, saka iyon pinigaan para ipamunas sa kanya.

Matapos ko s'yang punasan sa mukha pababa sa kanyang leeg at braso. Katawan naman n'ya ang pinunasan ko.

Hindi maitatanggi na may ipagmamalaki ang gagueng ito. Gwapo na, maganda pa ang pangangatawan. Matangkad din ito. May six pack abs din at halata ang natitigas na muscle sa braso. Siguro dahil suki ito ng gym.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon