CHAPTER 37

45 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

KATULAD nga ng sabi ni Josh ay nagtext s'ya sa akin kagabi pagkauwi n'ya. Nakatulog na ako that time kaya kina-umagahan ko na nabasa ang text n'ya.

Hindi pa nga naka-save ang number n'ya sa akin kaya nagtaka pa ako kung sino ba ang nag-text. Mabuti na lamang at nakilala ko ang nag-text dahil s'ya lang naman ang kasama ko kagabi dito sa bahay bukod syempre kina Mommy.

Hindi ko na ito nireply at sinave na lang ang number n'ya.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako. Kumuha na lang ako ng tinapay at pinalaman iyon ng nutella bago lumabas ng bahay. Maagang umalis sina Mom at Dad kaya no choice ako kundi ang mag-commute na lang. Paglabas ng subdivision ay saktong may tumigil na taxi sa harapan ko. Agad akong pumasok doon.

"Kuya sa Eastwood po tayo."

"Okay, Ma'am!" Pinaandar na ni Kuyang Taxi driver ang sasakyan. Sa labas lang ng bintana ang tingin ko, pinagmamasdan ang mga kalyeng nadaraanan namin na kahit maaga pa ay madami nang tao.

Ganito talaga kapag weekdays. Puno ang mga kalsada at mga establisyemento ng mga taong pumapasok. Estudyante man o mga company workers and employees.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang hindi isipin kung anong nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng gano'n dahil sa pagiging concern at maalaga ni Josh sa akin. Siguro nadala lang talaga ako sa ka-sweet-an n'ya kaya kinabahan ako. Siguro natutuwa lang ako sa kanya dahil s'ya lang 'yung lalaking naging caring at sweet sa akin, kahit na hindi naman kami close na close noon.

But now, masasabi kong oo.

Maybe he's now part of my life. Or not maybe, dahil he's really part of my life now. My friend or maybe masasabi kong bestfriend ko aside from Ella. Boy bestfriend kumbaga. Katulad nang inamin ko sa kanya kagabi. And I'm really happy dahil napasaya n'ya ako. Nakalimutan ko kahit papaano ang problema ko about sa lovelife kung hindi umuusad.

And I'm really thankful to him, for that.

Haist.... Kung mas una kong nakilala si Josh hindi malabong magustuhan ko s'ya. Pero wala eh, mapaglaro ang tadhana. Dahil kung sino pa ang gusto mo, s'ya pa ang ayaw sa'yo.

Love is so unfair!

"Ma'am nandito na po tayo."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka inabot ang buong 100 pesos kay Kuyang driver. Mura lang naman ang pamasahe sa taxi dahil malapit lang din naman ang Eastwood sa subdivision. Pero naisip ko na maagang umaalis si Kuyang driver sa kanila para lang magtrabo para sa pamilya n'ya, tapos uuwi na ng gabi.

"Ma'am wala po ba kayong barya lang?"

Nginitian ko si Kuyang driver. "Keep the change Kuya. Sige po!"

"Naku, salamat Ma'am sa maagang biyaya. Ingat po kayo!"

I just smiled at him bago bumaba na ng taxi. Umalis din naman iyon pagkatapos.

Nakangiting huminga ako ng malalim bago magtungo sa gate. Ngumiti ako kay Kuyang guard bago pumasok sa loob ng school. Sobrang aga pa pala dahil mangilan-ngilan pa lamang ang nakikita kong estudyanteng nagkalat.

Ngayon ko lang na-appreciate ang magandang view ng Eastwood High. Mataas at malapad na wall ang humaharang sa buong campus. Mataas na gulay gold na gate naman ang nagsisilbing pasukan ng mga estudyante at kotse. Nagtataasan at naglalakihang mga building ang nakatayo sa harapan ko. May bridge na nagdudugtong sa bawat department building upang makapunta ka sa kabila nang hindi nahihirapan.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now