CHAPTER 25

42 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

PINAGLALARUAN lang ba ako ng aking mga mata? O talagang totoo ang aking nakikita?

Para akong nakatingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin. Pero sigurado akong hindi ako ang nasa larawan. Mas maganda kasi ang version ko, kaysa sa version ng nasa larawan. Matagal na at mukhang bata pa kasi kinuhanan ang litrato.

"A-Am I dreaming? Nag-iilusiyon na ba ako? Gano'n na ba ako kabaliw kay Glen at pati ang larawang ito ay nakikita ko ang aking mukha na kasama nya?"

Paluin, kurutin, sampalin at suntukin ko man ang sarili ko ay hindi ako nananaginip, hindi din ako nag-iilusiyon o nahihibang dahil...

Dahil ang larawang nakikita ko ay walang iba kundi ang 4 years younger na si Glen kasama ang isang babaeng KAMUKHANG KAMUKHA KO.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" Isang baritonong boses ang nagsalita sa likuran ko na gumulat sa hindi pa makaget-over kong sistema.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong si Glen iyon na kararating lamang.

"G-Glen... a-ano kasi..."

"DIBA SABI KO AYOKONG MAY IBANG PUMAPASOK SA KWARTO KO NG WALANG PAHINTULO—" Napatigil ito nang bumaba ang kanyang paningin sa hawak-hawak kong picture frame.

"SH*T!"

Nagulat na lamang ako nang marahas n'yang hinablot iyon mula sa mga kamay ko. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa akin, para bang isang forbidden treasure ang larawan na hindi maaaring hawakan nino man kaya nang mahawakan ko, heto sya at galit na galit.

"S-Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadyang pumasok ng walang pahintulot mo. Hinanap ko lang naman 'yung phone ko eh. Tsaka... 'Yung about d'yan sa picture frame hindi ko—"

"DID I GAVE YOU THE PERMISSION TO TOUCH MY BELONGINGS?"

Halos mapapikit ako sa lakas ng sigaw nya. Ngayon ko lamang sya nakitang ganito kagalit sa akin. Kahit naman nakukulitan sya sa akin dati, hindi pa nga ako nasigawan. Sinusungitan lamang ako nito, pero ngayon? Ibang iba!

Sobrang laki ng impact sa kanya ng larawang nasa picture frame.

"Wala. Pero kasi hindi ko naman sinasadya—"

"Sinadya mo man o hindi wala ka pa ring karapatang pakielaman ang gamit ko. Just... Just fuck!ng leave right now, dahil baka makarinig ka lamang ng hindi maganda mula sa akin."

Pero kahit na sinabi n'yang umalis ako hindi ko pa rin maigalaw ang mga paa ko. Nakatayo lamang ako doon habang nakatitig sa kanya.

"I said leave!"

"Oo nga at wala akong karapatan pero dapat bang sigaw-sigawan mo pa ako? Kung hindi mo kinuha ang phone ko, edi sana hindi ako pumasok dito sa kwarto mo."

Hindi sya nagsalita, kaya ako na lamang ang nagpatuloy. Dahil curious na curious ako kung sino ang babaeng kasama nya sa larawan at kung bakit ko ito kamukha.

"Sino sya?"

Umangat ang tingin nya sa akin.

"You don't need to know who she is. Wala kang kinalaman sa kanya."

"Bakit ayaw mong sabihin kong sino sya? S'ya ba? S'ya ba ang dahilan kung bakit galit ka sa akin? Kung bakit ayaw na ayaw mo sa akin simula ng makilala mo ako? SAGUTIN MO AKO GLEN, S'YA BA?"

"Pwede ba Erish, wala akong oras para sa mga walang kwenta mong tanong. Umalis ka na lang at magpapahinga na ako. Nakuha mo naman na ang hinahanap mo diba? Kaya lumabas ka na."

"Hindi! Hindi ako lalabas hanggat hindi ko nalalaman kung s'ya ba ang dahilan kung bakit ilag ka sa akin simula pa noon. Kung sino s'ya at kung ano s'ya sa buhay mo. Gusto kong malaman Glen. Gusto kong malaman kung bakit magkamukha kaming dalawa."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon