"Tse! Bata ka d'yan. Kaya ko na nga magkaroon ng bata sa sinapu—" Mabilis na sinuway ko ang s'ya sa gusto nitong sabihin. Tarantang nilingon ang paligid, baka kasi may makarinig sa kanya.

Napaka-imposible talaga ng babaeng ito minsan. Tsk! Tsk!

"Ang kalat mo talaga!"

Malakas na tumawa si Erish sa pagkatarnta ko. Sino ba naman kasi ang hindi. Lalaki ang kasama n'ya tapos, tapos.... AAHHH! Nevermind!

"Ulitin mo pa 'yan, ako na ang bubuo ng bata d'yan," banta ko.

Natigilan naman ito sa winika ko ngunit may nakalolokong ngisi pa rin sa labi. She's really unbelievable sometimes.

Minsan napakatabil talaga ng bibig nito. Gusto ko na ngang patahimikin minsan gamit ang mga labi ko eh. Baka lang kasi mabigla ito at masampal pa ako, mahirap na.

Ayoko naman mag-isip s'ya ng iba tungkol doon.

"Erish, hindi ko alam kung alam mo 'to. Pero alam mo bang may kakaiba akong napapansin sa paligid ng school the past few days? Una kong napansin iyon noong bago mag Foundation day, then kasunod noong nag exam tayo."

Isa pa iyon sa mga iniisip ko.

I don't know if ako lang ba o may iba ring nakakapansin doon. Sinabi ko na iyon kina Zander pero wala naman daw silang napapansin. So baka ako lang?!

Gusto ko sanang sabihin agad iyon sa kanya pero hindi ako makakuha ng magandang tyempo. And right now, is the right time.

"Huh? Anong napapansin mo?"

"May babaeng nakaitim ng suot ang minsan kong natatanaw na palinga-linga sa paligid. Hindi ko naman mamukhaan dahil nakatago ang mukha sa suot na sumbrero at mask. Pero kahina-hinala ito. Malakas ang pakiramdam ko. Hindi kaya ang babaeng iyon ang naninira sa iyo?"

"Akala ko ako lang ang nakapansin no'n, si Josh din pala." Bulong ni Erish pero hindi ko naman naintindihan kaya di ko na lang pinansin.

"Josh, can you do me a favor?"

Agad akong tumango. "Anything. Ano ba iyon?"

"Kahit anong mangyari, kahit anong malaman mo huwag kang magagalit sa akin, hah. Promise me, please!" She begged.

"You don't need to beg, Erish. Sige, promise ko hindi ako magagalit sa'yo. Kahit ano pa iyan."

Naguguluhan man, sumang-ayon na ako. I don't want to disappoint her. At kahit ano man ang gawin n'ya hindi naman ako magagalit eh. Siguro gano'n talaga kapag mahal mo ang isang tao. You will always understand her.

Nanatili lamang kaming naka-upo sa bench habang nanonood sa dancing fountain na nasa lake. May iba't ibang kulay ang nagsasayaw na tubig kaya roon natuon ang atensyon naming dalawa.

Habang nanonood si Erish ay hindi ko mapigilang hindi ito pagmasdan. Ang kulay ng tubig ay sumasabag sa kislap ng mga mata n'ya, habang ang mga labi ay matamis na nakangiti.

Damn! Hinding hindi ako magsasawang pagmasdan ang napaka-gandang mukha ng babaeng nasa tabi ko.

I even dreamt about her, laying besides me sleeping so peacefully. Gusto kong makita s'ya sa tabi ko, mahigpit na nakayakap sa akin, bago ako matulog hanggang sa pagmulat ng aking mga mata.

I want her to be mine. And mine alone.

Wala akong pake kung hindi n'ya ako gusto. Wala akong pake kung kaibigan ko pa rin ang gusto n'ya. Nagagawan naman iyon ng paraan.

I'll make sure she will fall for me, as I fall for her deeper.

Pagkatapos ng ilang minutong pagtambay sa park, inaya ko na si Erish.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon