Ngumiti si Erish. "Namiss kita, totoo iyon... At... mamimiss rin kita, Josh!"

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako huli nitong sinabi. At hindi ko rin alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko roon.

Anong mamimiss? Bakit mamimiss?

Okay na sana 'yong namiss n'ya ako, kikiligin na sana ako eh. Kaso bakit may mamimiss pa?

Anong ibig sabihin niyon?

"Erish?" Itinabingi ko ang aking ulo paharap sa kanya. Wala akong makitang kahit anong magpapaliwanag sa sinabi nito. Nakangiti lang ito na para bang wala namang masamang nangyari. "Erish? Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman. Hindi ba, magbabakasyon na pagkatapos ng graduation? Edi mamimiss kita dahil siguradong matagal din tayong hindi magkikita-kita. You know... vacation somewhere with the family and relatives. Right?"

Doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko kung ano na. Pinakaba mo akong babae ka.

Oo nga naman. Malapit na ang bakasyon at hindi ko rin alam kung magkikita-kita kaming magkakaibigan this vacation. Hindi ko pa alam kung anong balak nila, even I. Hindi ko alam kung pupunta kami ng probinsya o magti-training ako sa company. I don't know.

"Mabilis lang naman ang dalawang buwan na bakasyon. Magkikita-kita rin tayo sa pasukan. Ano palang nangyari sa pag-uusap n'yo ng Head Principal?"

Mapait na ngumiti si Erish. Hindi n'ya iyon gustong pinahalata sa akin ngunit observant ako. Pinasigla pa rin n'ya ang ngiting ipinapakita upang huwag akong magduda at magtaka.

Pero bakit?

Alam kong may problema. Alam kong may inililihim s'ya. Hindi ko na lang kukulitin, hahayaan kong s'ya na lang mismo ang magsabi sa akin.

"Okay naman. Bukas, malalaman kung nakapasa ba ako sa niretake kong exam."

"Ano ka ba, makakapasa ka roon. Ikaw pa ba?"

Sumilay muli ang matamis na ngiti sa labi ni Erish. Isa iyon sa gustong-gusto kong makita araw-araw mula sa kanya. Ang ngiti nito. Ang totoo at matamis na ngiting nagpahulog sa akin.

"Josh... salamat dahil nandyan ka palagi for me. Nagugulat na lang ako na nandyan ka na lang biglang susulpot kapag kailangan ko ng karamay. Ang swerte ng babaeng mamahalin mo, alam mo ba iyon?"

'Alam ko. At swerte rin ako sa babaeng mahal ko.' Anang isipan ko habang nakatitig sa maamong mukha ni Erish. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang cute na mukha nito kapag naaasar at naiinis.

"Maswerte rin ako sa kanya, Erish. Alam mo ba?"

Saglit na katahimikan ang bumalot sa kapaligiran. Tanging huni ng kuliglig at ilang ingay mula sa ibang naroon sa park ang maririnig.

Awkward.

"Josh... tungkol sa issue ko sa school—"

"Hindi ako naniniwala. Hindi kami naniniwala roon, Erish. Huwag mo na iyon intindihin. Gagawa ako ng paraan para lumabas ang totoo."

"Huwag na Josh."

"Pero—"

"Marami ka ng nagawang tulong at kabutihan sa akin. Hayaan mo na ang bagay na iyon, Josh. Malapit na ang karma, huwag kang mag-alala. Lalabas rin ang totoo sa tamang panahon."

"Pero, okay ka lang ba talaga? Ang lalim mo magsalita ngayon. Hindi tuloy ako sanay."

"Huwag ka, tsong! Matured na 'to 'no?!"

Hindi mapigilan na hindi matawa. This is the real Erish that I really knew. Makulit, madaldal at positibo.

"Matured? Bata ka pa."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα