Ganyan nga Erish. Be strong to fight for your self and worth. Hindi katulad nilang lumalaban gamit ang paggawa ng mga palabas. Ako deretsahan ang paglaban.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na agad ako ng banyo. Saktong bumukas ang pinto at pumasok si Manang na may dalang tray. May laman iyong mangkok ng sopas at isang baso ng gatas.

"Kumain ka muna bago magpahinga. Nasa likod bahay lang ako, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."

"Salamat Manang."

"Pakatatag ka, iha. Kung ano man ang nangyari, alam kong malalampasan mo rin iyan ng walang hinihingan ng ano mang tulong. Alam kong kaya mo, iha."

Dahil sa sinabi ni Manang, mas nakaramdam ako ng kapanatagan. Tama s'ya, kaya ko ito. Magagawan ko ng paraan ang problema ko na walang hinihingan ng ano mang tulong.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa aking computer. Sa kabilang tabi ay ang laptop ko. Kinuha ko ang aking wireless earphone sa bag saka iyon siniksik sa aking tenga at kinonekta sa aking cellphone.

Kailangan ko ng masiglang kanta para makapag focus sa aking dapat gawin.

Isang rock korean music ang aking napili. Hindi masakit sa tenga ang tunog, tama lang para ganahan ako. Nilagay ko iyon sa highest volume dahil ayaw ko ng distraction. Inoff ko lahat ng accounts ko na active status dahil ayaw ko nga ng distraction ngayon.

Ako na mismo ang gagawa ng hakbang.

May konting nalalaman ako about hacking. Natutunan ko iyon noong nasa Class B pa ako, dahil minsan nang may hinack na wifi at account sina Kyle. Isa sa mga malokong kaklase ko.

Isang oras akong tutok sa computer at may kung anu-anong pinipindot doon, nang matagpuan ko na ang hinahanap ko.

Na hacked ko lang naman ang security system ng Eastwood High. Ngayon nakikita ko na rin lahat ng makikita sa mga CCTVs sa buong campus.

Hindi madali ang ginagawa ko, pero para ito sa sarili ko. Hindi pwedeng habang buhay akong aasa sa iba. Hindi pwedeng palagi na lang akong nakasandal sa mga kaibigan ko. Oo at handa silang tulungan ako pero ayoko nang makaabala pa kung may kaya naman akong gawin, diba?

Marami nang tulong na nagawa sa akin si Josh. Ipinagpapasalamat ko iyon ng sobra pa sa sobra. But this time, ako ang reresolba sa problemang ito. Ayoko nang magpabigat sa kanya, may sarili rin s'yang buhay. Hindi s'ya palaging naririyan para sa akin, para alalayan ako kapag umiiyak.

I will do this for my self.

Napangisi ako nang makita ko ang tunay na nangyari. Ang ebidensyang walang ibang nakakalam kundi ang mga sangkot sa pangyayaring ito.

Sinave ko sa aking usb ang lahat ng pwedeng maging pruweba ko. Na wala akong kasalanan.

Simula sa pagkakalat ng issue ng pamilya ng bestfriend ko hanggang sa pagsira sa imahe ko. Hindi naman nakapagtatakang kaya nyang gawin ang bagay na ito. Dahil simula pa lang, hindi ko pa s'ya kilala at nakikita, alam kong masama na talaga ang ugali n'ya.

Una, gusto n'yang magkasira kami ng kaibigan ko. Congrats sa kanya, nagawa n'ya dahil nagalit nga sa akin si Ella. Ah, hindi pa pala iyon ang una. Dahil nagawa na rin n'yang ibintang sa akin ang aksidenteng hindi ko naman ginawa, para siraan sa lalaking pinaniniwalaan n'yang babalik pa sa kanya. Sorry s'ya, hinding hindi na babalik pa sa kanya ang lalaking in the first place trinaydor na rin n'ya. At sa huling pagkakataon nagawa n'ya ulit traydorin at paniwalain.

Tapos ang sunod ako ang sinisiraan n'ya sa lahat dahil hindi s'ya nagtagumpay sa una.

Nagawa man n'yang guluhin kami ng bestfriend ko, but this time? She will never succeed on her plans.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now