This past few days napapansin ko ang paminsan-minsang pang-aasar ni Zander kay Josh. May hugot pa ngang kasama, katulad no'ng kanina.

Ewan ko kung pinagkakatuwaan lang ba n'ya si Josh o nagpaparinig ito.

Naisip ko na lang na baka tinutulak na ni Zan ang kaibigan na umamin sa babaeng gusto nito. Lalo na at malapit na kaming grumaduate ng Junior High.

At gusto ko ring malaman kung sino ba ang babaeng iyon. Kung deserving s'ya para kay Josh, I'll support the both of them. And if not...

Hindi ako magdadalawang isip na agawin si Josh sa kanya.

May kirot kapag naiisip kong magiging busy na si Josh sa babaeng gusto n'ya kapag umamin na s'ya. Syempre, madalang na lang na magkakasama kami o kukulitin n'ya ako. At kapag may girlfriend na si Josh, palalayuin na ni girl si Josh sa akin o sa amin na girl close friend nito dahil magseselos ito.

Hindi ko yata kakayanin.

Baka maging warfreak ako kapag nagkataong gano'n nga ang mangyari. Hindi ko gugustuhin.

Wala namang sinasabi o pinapakilala sa amin si Josh kaya nakakacurious talaga. Pa mysterious ba? Baka naman panget 'yong babae kaya ikinakahiya n'yang ipakilala.

Napatingin ako kay Glen ng tumunog ang phone nito. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay ng lalaki nang mabasa ang dumating na mensahe.

"I need to go. Hinahanap ako sa office dahil mag natanggap yata silang reklamo. Pakisabi na lang sa dalawa."

Hindi na nito hinintay ang sagot ko at umalis na. Nagmamadali na para bang may malaking problemang nangyari.

"Anyare do'n?" Takang tanong ni Bianca.

I shrugged my shoulder. "Emergency yata eh. SSG Office."

Dumating na ang dalawa na dala ang mga pagkain inorder namin.

"Oh, nawala si Pareng Glen?"

"Emergency. Pinapatawag sa opisina."

"Bakit daw?"

"Idunno!"

PAGKATAPOS naming kumain ay napagpasyahan naming bumalik na sa room. Tutal ay tapos naman na ang exam dahil bumalik na sa third floor ang mga Grade 8 na doon nagkaklase.

Hindi naman sumabay sa amin si Zander dahil pupuntahan pa nito si Ella. Kaya kaming tatlo na lang ang bumalik sa classroom.

Paakyat na kami ng hagdan nang may mapansin akong kakaiba. Katulad no'ng bago mag Foundation, may nakita akong babaeng nakaitim na tila nagtatago at ayaw magpakita sa iba. Ngayon ay ganito na naman ang eksena. But this time wala na itong suot na cap dahil facemask naman ang tumatabon sa mukha nito.

Weird!

I got chills while looking at the girl. Lumabas ito galing sa Main Building tapos nagmamadaling tumakbo papunta sa hallway na hindi gaanong dinaraanan.

What is she doing? And who the hell is she?

Hindi kaya isa s'yang spy? O kaya naman ay isang secret drug dealer tapos nagpupuslit ito ng druga sa mga estudaynte ng palihim?

The heck, Erish? Kapapanood mo 'yan ng mga Detective movies. Lumalawak ang imagination mo.

"Erish. D'yan ka na lang ba? Ano bang ginagawa mo d'yan?" Lingong tanong ni Bianca.

"W-Wala. Susunod na ako, una na kayo."

Saglit ko pang pinagmasdan ang dinaanan no'ng girl in black. Nagkibit-balikat na lang ako bago sumunod sa dalawa paakyat.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now