Nakangiting nilabas n'ya ang sandwich na nasa bag saka inabot sa akin 'yong isa, may free na C2 pa.

"Thanks!"

"Basta ikaw! Malakas ka sa akin eh."

Napangiti naman ako sabay kagat ng sandwich. Narinig ko naman ang pagtikhim ng dalawang lalaking nasa harapan namin ni Josh. Kitang kita ko ang disappoint sa mga mata ni Zander habang nakasimangot. Napaiwas naman ng tingin si Glen bago muling nagsulat.

"Bakit Zan? Gusto mo rin ba?" Mapang asar na tanong ko.

"ANG UNFAIR TALAGA NG MUNDO!" Pagmamaktol nito. Natawa na lang ako sa itsura n'ya.

"Eto na nga oh, huwag ka ng magmaktol d'yan. Nagmumukha kang kawawang paslit na hindi nabigyan ng pagkain."

May inilabas na apat na sandwich si Josh. Ibinigay n'ya iyong dalawa kay Xan at Glen. Ang isa naman ay sa kanya at ang isa ay kay...

"Hoy, Bianca! May free sandwich si Josh. Kapag nakatapos kang magreview ibibigay n'ya sa iyo 'yong isa."

Mabilis na nag angat naman ng ulo si Bianca na nagpupuso pa ang mga mata.

"Akala ko bagsak ka na?" Natatawang tanong ni Zander na ngumunguya.

"Nagpapahinga lang. Palalampasin ko ba naman ang pagkain? Nevah!"

Naiiling na inabot ni Josh ang isang sandwich kay Bianca, na may malaking ngiti sa labi.

"Kaya nga ang taba mo na eh."

Natigilan naman ito at marahas na hinablot ang pagkain. "Hoy! For your info, hindi ako mataba, malabo lang talaga ang mata mo. HMP! You know, food is lifer kaya."

"Oo na lang."

Habang nagpapasahan ng tanong at sagot ay patuloy rin ka sa pagkain.

Food is love talaga. Advantage na lang talaga sa mga taong kahit malakas kumain, pero hindi pa rin tumataba. Saan pumupunta kinakain n'yo?

Habang pinapanood ko silang mag-asaran habang nagrereview kami ay hindi ko mapigilang ngumiti.

Okay na kami ni Glen. Nagkausap na kaming dalawa at nagkalinawan. Wala akong sama ng loob sa kanya kahit na may isang bagay pa rin s'yang hindi sinasabi sa akin. Hindi rin n'ya masagot ang tanong ko kung nakaramdam rin ba s'ya kahit konting pagmamahal sa akin. No'ng tinanong ko iyon sa kanya, iniba n'ya agad ang sagot. Taliwas sa gusto kong marinig.

Siguro mahirap lang talaga para sa kanya na sagutin iyon. O baka ayaw n'ya lang.

Wala na rin naman akong balak alamin dahil okay na ako. Pero kung handa na s'yang sabihin, why not diba? I will hear him out. Paunti-unti nakaka move on sa nangyari. Nakakalimutan kong minsan nagpakatanga ako sa pag-ibig.

Pero okay lang, that's one of my memories.

Memories na hindi ko malilimutan dahil hinubog at huhubugin pa nito ang kabataan days ko. At syempre, for the first time naramdam ko kung paano magkagusto sa isang tao. Not because you like him dahil sa itsura o sikat s'ya, not because kpop idol s'ya, but because nagustuhan mo s'ya dahil iyon ang sinasabi ng bata mong puso.

But for now, low-key muna tayo.

Hindi pa ako umaamin sa barkada na gusto ko si Josh. Hindi pa rin ako umaamin mismo sa kanya.

Noong una, nagulat pa sila dahil parang casual na lang ako kay Glen. Alam naman ni Glen iyon. Nasabi pa nga ni Bianca, baka raw may iba nang umaaligid sa akin kaya nabaling sa iba ang atensyon ko. Sabi ko na lang na wala.

Panget din kasing pakinggan na may gusto ako kay Glen, dati. Tapos biglang napunta kay Josh? Kung titingnan para ko na ring tinuhog ang magkaibigan.

And I'm not like that.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα