"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Ako ba ang kailangan para ako pa ang magpapasok dito? Lumabas ka na at hinahanap ka. Mukhang galing pa sa malayong byahe makapunta lang dito ngayong gabi."

Hay, buhay!

Sino ba kasi ang walanghiyang nagpunta rito pala hanapin ako? Lalabas pa tuloy ako ng wala sa oras.

At ano raw sabi ni Manang?

Pogi?

Sinong pogi naman ang maghahanap sa isang babaeng mas maganda pa sa gabing katulad ko?

Wala akong nagawa kaya lumabas na lang ako. Naghintay naman si Manang sa likuran ko habang may pasilip-silip pa. Eh kung s'ya na lang kaya ang pagpapasok ng kung sino mang nasa labas, hindi 'yong para s'yang chismosa sa ginagawa n'ya.

Kaloka talaga si Manang oh.

At sa pagbukas ko ng pinto, isang pigura ng lalaki ang hindi ko inaasahang matatagpuan ko sa labas ng gate.

"J-Josh?"

Ay hala Erish, bakit may pa-uutal?

"A-Anong ginagawa mo rito?"

Hala, nauutal talaga.

At nang ngumiti ito, doon na natunaw na parang yelo ang inis na nararamdaman ko sa kanya, magmula pa kanina.

Sobrang namiss ko ang hinayupak na 'to.

Naglakad ako palapit, para pagbuksan s'ya ng gate.

"Pasok ka muna sa loob. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa school ka? Bakit nandito ka?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi naman ito sumagot. Nakatingin lang sa akin, sa mga mata ko, na nagbigay talaga ng malaking kilabot sa sistema ko. At nang magsalita na s'ya parang gusto ko na ulit umiyak.

"Erish!"

Nagulat pa ako nang bigla na lang n'ya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Pagdating sa'yo, ang rupok ko."

Mas humigpit pa ang yakap n'ya na tila ba ayaw na akong pakawalan.

"Erish, sorry! I'm so sorry for avoiding you this past few days. Umiwas na lang ako nang hindi nagpapaliwanag. At sorry dahil wala ako noong panahon alam kong kailangang kailangan mo nang dadamay sa'yo."

Nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata. Nagbabadya na malapit na naman akong maiyak.

"I'm so sorry, Erish! Promise ko sa'yo, hindi ko na uulitin 'yon. Hindi na ako iiwas sa'yo. Dito lang ako. Nandito na ako. Huwag ka ng mag-alala."

Parang hinagod ang puso ko nang marinig ang malambing n'yang boses. Tuluyan na talagang nawala ang inis na nararamdaman ko at napalitan iyon ng pagkamiss.

"Josh..." Unti-unti nang nagsisilabasan ang mga luha sa mata ko. "Nakakainis ka! Nakakainis ka dahil namiss kitang Tanda ka. Huwag mo nang uulitin 'yon."

Narinig ko ang mahina n'yang tawa kasabay ng marahang paghagod sa likuran ko.

"Hindi ko na po uulitin Bata." Naghiwalay kami sa yakap. Pinahid n'ya ang mga luha ko gamit ang kanyang thumb. "Mas namiss kita kung alam mo lang."

Marahan n'yang hinaplos ang buhok ko habang nakatingin sa aking mga mata. Nakatitig lang din ako sa kanya at walang balak mambawi ng tingin, kung hindi lang biglang humangin...

"Pasok ka muna sa loob. Malamig dito sa labas."

Sabay kaming pumasok sa loob ng kabahayan. Naabutan namin si Manang na ngiting ngiti sa akin at para bang may iniisip na namang kalokohan.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon