"Opo, Manang. Sige na, istorbo ka," pagbibiro ko pa. Tinawanan lang ako ng matanda.

Muli akong bumaling sa pinapanood.

Ang daya ah! Alam nilang sasama ako kaya hindi nila sinabi sa akin na may date silang dalawa. Akala mo maiinggit ako? Hah, never!

Humagulhol na naman ako.

"Iniinggit ako nina Mommy at Daddy. Daig pa nila ang teenager. May pa date-date pang nalalaman."

Pero maganda na rin iyon. May quality time sila together na walang buntot na anak, which is me.

HUHUHUHUHUHU!

"Ang daya pa rin! Tapos iniinggit pa ako ng walanghiyang Josh na 'to. May pa dedicate lang nalalaman. Akala mo magseselos ako? HAH! NEVAHHH!"

DARN IT TALAGAAAAAA! BAKIT MAY DEDICATION SONG PA?!

"May girl who was never been my type, but accidentally caught my heart pang nalalaman ang damuho. TSK! Tsaka ano daw? Baby? BABY MO MUKHA MONG ANIMAL KA!"

Eh bakit ba ako nagagalit? Ano bang pake ko? Si Glen naman ang gusto ko at hindi ang damuhong iyan. Bakit ako nagagalit? Bakit ako umiiyak?

Hindi dapat!

Dapat kasi umattend na lang ako ng concert eh. Tapos sa gitna ng crowd ako sisigaw ng 'ITIGIL ANG CONCERT'.

"AAAHHHHH! Nababaliw na ako. Nababaliw na nga ako. Baliw na talaga ako."

DAMN YOU, VILLAFLOR? Makakatikim ka sa akin ng sampong libong sapak kapag nagkita tayo.

Pagkatapos ng kanta may pa ngiti-ngiti pa s'yang nalalaman sa mga audience? Bwesit talaga! Bwesit na bwesit talaga ako.

Pinatay ko na ang laptop tsaka tinapon sa basurahan lahat ng nagamit kong tissue. Inayos ko na rin ang study table kong magulo dahil kanina pa ako nagdadabog.

Ganito talaga kapag may monthly visitor. Paiba-iba ang mood. Ang nakakainis pa, kahit hindi mo gustong umiyak, mainis, matuwa ng sabay-sabay sa iisang araw na mood, hindi mo mapipigilan.

Ang daya lang dahil babae lang ang nakakaramdam nito. Damn this mood swing. Dapat talaga magkaroon din ang lalaki, para alam nila kung gaano kahirap magkaroon ng buwanang dalawa. HAAAHHH!

Nakarinig ako ng paparating na sasakyan pero hindi ko pinansin kung sino iyon. Baka sina Mommy lang, pero ang aga pa naman. Wala pang 9:30 ng gabi.

"Sino kaya 'yon? Siguro kotse lang ng kapitbaha—"

"Margaux, iha? May ginagawa ka pa ba? Labas ka muna, may naghahanap sa'yo."

N-Naghahanap?

Sa ganitong oras? Gabi na. Sino ang maghahanap sa'kin?

Sino naman kaya ang damuhong naligaw sa bahay ng ganitong dis oras ng gabi?

"Sino daw ho, Manang?" Tanong ko habang nagsusuot ng jacket. Tangin sando at short shorts lang kasi ang suot ko. Nakakahiya naman kung lumabas ako ng nakaganito lang. Malamig pa naman dahil gabi na.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos.

"Kaibigan mo raw iha." Bungad sa akin ni Manang. "Labasin mo muna at papasukin. Kawawa naman kung mananatili sa labas eh malamig. Sayang iha, pogi pa naman. Mukhang type ka."

"Manang, hah! Nambubugaw ka na naman. Ayoko ngang makipag-usap ngayon, Manang. Pauwiin mo na kaya?"

Really, Erish? Pauwiin? Nag suot ka pa ng jacket kung pauuwiin mo rin naman pala.

"Wawa naman 'yong bata. Puntahan mo na para makauwi na."

"Saka bakit ko po lalabasin? S'ya papasukin n'yo rito."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now