"TANG*NA! ANG SARAP NO'N. HAHAHAHAHAHAHA!"

GAGO!

Kasama nito si Glen na nag thumbs up pa. Sinaluduhan ko naman ito. Katabi ni Zan si Ella at Bianca. Pero 'yung babaeng gusto kong makita sa gitna ng malawak na karagatan ng mga tao ay wala.

Hindi talaga s'ya nanood.

At hindi ako nagko-complaint. Kasalanan ko rin naman. Iniwasan ko na lang s'ya ng hindi manlang ipinapaliwanag kung bakit.

At sisiguraduhin kong pagtapos nito...

S'YA AGAD ANG UNA KONG PUPUNTAHAN.

"This last song is for the girl who was never been my type, but she accidentally caught my heart. Kung nasaan ka man ngayon, Baby, this is for you!"

Sinimulan ko nang kalabitin ang hawak kong gitara.

♫︎♫︎♫︎
Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila merong pahiwatig, ako'y nananabik
'Di naman napilitan, kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pagkumpay ng kalawakan

Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong
Tinatangi, napapangiti mo ang aking puso

Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa'yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita
♫︎♫︎♫︎

Ipinikit ko ang aking mga mata. Tumugtog ang isang part ng kanta mula sa malalaking speaker na nasa gilid ng stage, na kung saan boses ng babae ang maririnig.

Ito 'yung kanta na sinulat ko na tapos binigyan n'ya naman ng tinig.

Naalala ko kung paano pumula ang mga pisnge n'ya habang tinutukso s'ya ng mga batang pasaway, na sila ring may pakana ng pagpapatugtog ng kanta sa part ni Erish.

Erish.

Si Erish.

Sinabayan ko ang kanta pero mahina lang. Gusto kong marinig ang boses ni Erish na kumakanta habang sinasabayan ko.

♫︎♫︎♫︎
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan (Sisimulan)
Binibigyang kulay ang larawan na para bang…
Ikaw ang nag-iisang bituin nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap ang tayo lamang ang tanging magaganap

Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong
Tinatangi, napapangiti mo ang aking puso
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa'yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita

Gusto kita, gusto kita, gusto kita, gusto kita
Anong salamangkang meron ka? (Gusto kita, gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (Gusto kita, gusto kita)
Anong salamangkang meron ka? (Gusto kita, gusto kita)
Ako'y nabihag mo na
♫︎♫︎♫︎

Hindi ko alam kung paano ko s'ya nagustuhan. Basta ang alam ko lang isang araw, gusto ko na palaging makita ang nakangiti n'yang mukha.

Sobrang amo. Ang cute rin kasi n'ya kapag naiinis kapag inaasar ko. 'Yung mga mata n'ya...

Nakakabihag ng puso. Ayaw na ayaw kong lumuha ang mga matang iyon.

♫︎♫︎♫︎
Oh giliw naririnig
Mo ba ang yong sarili
Nakakabaliw lumalabas
Sa yong bibig

Alam kong uto uto ako
Alam ko na marupok
Tao lang din naman
Kasi ako
♫︎♫︎♫︎

"THAT'S OUR MARUPOK NA FRIEND!"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now