Nakakapagod humingi ng oras sa iba. Sobrang hirap huminge ng atensyon, lalo na at iniiwasan ka talaga.

Bumangon na ako para makapaligo. Gano'n lang ang takbo ng buhay ko sa tatlong araw na nagdaan. Matutulog sa gabi, minsan madaling araw gising pa nga. Kung kailan ako lamonin ng antok doon lang ako pipikit. Gigising sa umaga na sobrang bigat ng katawan. Maliligo, magbibihis tapos hihilata ulit sa kama. Kakain ng tanghalian kung kailan gugustuhin.

Siguro nagtataka na nga sina Mom at Dad, hindi lang sila nagsasalita. Pinapakiramdaman ako kumbaga.

Pagkatapos kong maligo at mabihis ng damit, nag-ayos na ako ng sarili. Nakaharap sa malaking salamin na nasa powder table ko, kitang kita ang itim sa ilalam ng aking mata. Sobrang putla rin ng kulay ko. Para akong natuyuan ng dugo dahil sa tatlong araw na pagkukulong sa kwarto. Hindi manlang ako nasisikatan ng araw.

"Honey?"

Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto. Si Mommy iyon.

"Yes, Mom? Bukas po 'yan."

Kita ko sa repleksiyon ng salamin ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Mommy. May dala itong tray na may lamang isang baso ng gatas at favorite kong pancake with cheese.

"Sabi ni Manang Alicia simula no'ng Tuesday hindi ka nag-aalmusal. Kumakain ka lang din daw ng lunch kapag naisipan ko na. Nag-aalala si Manang kaya sinabi na n'ya sa amin." Nilapag ni Mommy ang tray sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama.

Pagkatapos ay lumapit s'ya sa likuran ko at ito na ang nagpatuloy ng pagsusuklay sa buhok ko.

"Nag-aalala kami ng Daddy mo, anak. May problema ka ba? Hindi ka pumapasok. May nangyari ba sa school? Tell me, makikinig si Mommy."

"M-Mom..."

Hindi ko kayang sabihin kay Mommy. Ayokong pati ang problema ko ay problemahin na rin nila. Okay pa naman ako eh, kaya ko pa. Ayoko pa lang ngayon na makita sila.

"Okay lang po ako, Mom. Walang problema. Nakakatamad lang po talagang pumasok, wala rin naman kaming gagawin doon eh. Next week na lang po ako papasok, dito muna ako sa bahay."

"Sigurado ka ba anak? Alam mong nandito lang si Mommy, diba? Hindi ka namin pababayaan ni Daddy mo. Kaya kung may mabigat kang problema sa school o sa kaibigan, kahit na tungkol pa kay Glen 'yan, h'wag kang mahihiyang magsabi."

Tumango naman ako bago s'ya niyakap sa bewang.

Kung alam mo lang Mom. Hindi na si Glen ang problema ko ngayon. At naiinis ako dahil hindi ko dapat 'to nararamdaman sa kanya, pero kusa na lang nagparamdam eh.

Indenial lang ako noong una.

"Sorry dahil busy kami ni Daddy mo sa negosyo. Naiintindihan mo naman anak, diba? Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng malaking deal na tinatapos ng Daddy mo, magbabakasyon tayong pamilya. Kahit isama pa natin ang mga kaibigan mo. Mas marami, mas masaya."

"Don't be sorry, Mom! Naiintindihan ko naman po kayo ni Daddy. Para rin naman po sa akin ang ginagawa ninyo kaya wala kayong dapat na ikatakot. Tsaka big girl na ako, Mom. Kaya ko nang ihandle ang sarili ko. Kung may dapat pa akong malaman, I'll consult you naman agad. Para sa guide n'yo ni Dad."

Ginulo ni Mom ang buhok ko. May bigla tuloy akong naalala.

"Dalaga na talaga ang baby namin. Basta always remember na mahal na mahal na mahal ka namin ng Daddy mo."

"Mahal na mahal ko rin po kayo ni Dad, Mom."

Sa pamamagitan ng yakap ni Mommy gumaan ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina mula sa yakap na iyon. Para bang sinasabi sa akin na 'magiging maayos din ang lahat, anak'.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now