Siguro nga tanga ako, oo. Baliw din siguro ako dahil minamahal ko pa rin ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang saktan ako, emotionally.

HINDI naman nagtagal si Nicka sa infirmary dahil hindi naman nagkaroon ng major damage ang binti nito. Pero ilang araw din nitong hindi pwedeng igalaw ang paa dahil baka mabinat.

Hindi ko nga alam kong nagbabait-baitang biktima s'ya dahil hindi na nito pinarating sa Dean ang nangyari. Ngunit sa isang kondisyon...

"Gusto kong sa condo ko mananatili si Margaux sa loob ng ilang araw hanggang hindi pa gumagaling ang binti ko."

"P-PERO...."

"No more buts, Margaux! You're the reason why I can't use my leg, kaya panindigan mo. Paano ako makakakilos if wala akong mauutusan, right? Mabuti nga at hindi ko na pinaabot sa Dean, dahil kung hindi... You're dead!"

Huminga ako ng malalim.

"Bespren, h'wag kang papayag."

"What's the use of maid kung hindi rin naman gagamitin, diba? Ang engot lang, Nicka?"

"Shut up, Losers!"

"Ms. Sandoval, I'm not tolerating students here with that atittude! Ayusin mo ang ugali mo, kanina ko pa 'yan napapansin."

Parang tutang natahimik si Nicka dahil sa maawtoridad na pagsaway ni Raven, pero masamang tingin naman ang binigay sa akin.

Humarap ako kay President.

"Tatanggapin ko kung anong parusang ibibigay sa akin. At kung iyon ang parusang iniatang sa akin ng biktima, sige gagawin ko."

Ako ang biktima dito, pero ayaw ko na lang magsalita. Mas lalong dadami lang ang magiging pasikot-sikot. Tatanggapin ko na lang... pero ngayon lang. Hindi na ako papayag sa susunod.

No choice.... pagsisisihan ko ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Pahihirapan n'ya lang ako for sure, kaya n'ya gusto ang setup na ito.

At hindi ako tanga para hindi makita iyon.

She's really a f*cking liar! Siguro nagwawagi na s'ya sa loob-loob n'ya dahil nagaganito n'ya ako. Pero hahanap at hahanap ako ng paraan para lumabas ang katotohanan.

At sisiguraduhin kong s'ya ang magiging kahibiyan bandang huli.

Pagkatapos ng klase ay nagtext ako kina Mom at Dad na hindi ako makakauwi dahil mag-sleep over ako sa kaklase namin. May project kasi na gagawin. I lied to them because ayaw ko na pag-alalahanin sila. Ayokong magyari na baka bigla na lang sila susugod sa school dahil sa nangyari.

"Bespren, hindi mo naman ito dapat na gawin eh. Kung gusto n'yang magpagaling, h'wag na s'yang pumasok para hindi nagagalaw ang paa n'ya."

"Ella alam kong nag-aalala ka sa kung anong pwedeng mangyari. Pero trust me, hindi na ako tatahan na lang sa isang tabi kapag may ginawa na naman s'ya. I'll text you, kapag nakarating na kami sa condo n'ya."

"Oh, eto pamalit mo. Mabuti na lang may extra akong damit sa locker. "

Napangiti naman ako.

"Thank you so much bespren. Ingat sa pag-uwi ah."

"Mag-iingat ka sa mangkukulam."

Tumawa na lang ako bago tumakbo palapit sa kotse ni Glen. Napikit ni Nicka na ito ang maghatid sa kanya pauwi sa condo nito. At dahil ako ang alila, kasama ako.

"Ang tagal!" Reklamo ni Nicka na s'yang nasa front seat katabi ni Glen.

Napairap na lang ako.

Nang makaupo ay pinaandar na agad ni Glen ang kotse paalis. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan ng dalawa dahil ayoko rin namang malaman o marinig.

Naiinis ako.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Naalala kong bigla si Josh. Nang umalis ang dalawa sa studio ay hindi na bumalik ang mga ito. At hindi ko alam kung saan nagsusuot ang dalawang iyon. Sabi bibili lang pero naglahong bigla? Ano yun, magic?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang exclusive condominium building kung saan namamalagi si Nicka. Sinamahan pa kami ni Glen paakyat sa 13th foor dahil sa pamimilit pa rinni Nicka.

Or baka binabantayan ako nito dahil akala n'ya gagawan ko na naman ng masama si Nicka dahil nasa state ito ng hindi makakapanlaban?

Damn him if he really think it that way!

Nasa tapat na kami ng room ni Nicka nang harapin na ako ni Glen.

"If something bad happened again, ako na ang makakalaban mo." Banta nito bago sumakay ulit ng elevator.

Iniisip talaga n'yang ako ang masama dito no? HAH! Great! Just great. Ang saklap ng buhay ko.

Mahal pa rin kaya n'ya si Nicka? At hindi totoong hindi na nito mahal ang babae? Kasi kung nagsisinungaling lang s'ya para paniwalain si Nicka na hindi na n'ya ito mahal, bakit concerned na concerned s'ya?

Is it beacuse the years that they spent back then? Or he still loves her?

"Hoy, alila ko. Ipasok mo na ako sa loob dahil gusto ko ng magpahinga."

"Opo kamahalan." Matuluyan ka sana.

Walang ibang ginawa si Nicka kundi ang pahirapan ako. Nagpaluto ng spaghetti pero hindi kinain. Gusto daw n'ya pizza. Umorder ako ng pizza pero ayaw daw n'ya ng peperoni, gusto n'ya hawaian pizza without pineapple. Demonyita, diba?

"I told you, no one can take away my Hendrix from me. Kahit pa ikaw na isang loser. HAH!"

"Wala naman akong ginagawa. Hindi ko kinukuha si Glen sayo dahil una sa lahat wala nang kayo."

"How dare you talk back to me!"

"Yeah, how dare you don't dare me. May karapatan akong sumagot pabalik, remember nasa demokratikong bansa tayo. I can say whatever I want to say."

"AAARRGGGHHHH! I will do everything mawala ka lang sa landas namin ni Hendrix, at sa akin pa rin s'ya babalik."

"Go on, isaksak mo pa sa baga at apdo mo. Wamepake!"

Lumabas na ako ng kwarto nito para sundin ang pinag-uutos ng wicked queen.

"Nagsisimula pa lang ako, Margaux. Tandaan mo 'yan." Rinig ko pang pahabol n'yang sigaw.

Pakiramdam ko talaga, umaarte lang s'ya. At sisiguraduhin kong s'ya mismo ang ipapain ko sa bitag na ginawa n'ya. S'ya mismo ang maglalabas ng totoong kasinungaliangan n'ya.

Just wait, Nicka!

Lampas 10:30 na ng gabi pero hindi pa ako kumakain. Sunod sunod pa rin ang mga utos n'ya. Nagpabili nga ng malamig na coke sa mini store ng building sa ibaba, pero kailangang ako pa ang bumili niyon doon. Sabi ko tatawag na lang ako at ipaakyat dito, pero ayaw n'ya.

Baliw na nga talaga.

At nang tumigil na ito sa kakautos dahil nakatutok na ang mata sa palabas sa tv. Nagkulong na rin ito sa kwarto at nanahimik doon. Pasalampak na naupo ako sa sofa at ibinagsak ang katawan doon. Ngayon, nararamdaman ko na ang sakit ng katawan ko dahil sa walang katapusang utos ni Nicka.

Narinig ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa gutom at pagod. Mabuti na lamang at maraming pagkain sa kusina. Makakalibre ako ngayon ng pagkain. Hindi rin naman pala lugi ang sakripisyong ito.

At pagkatapos nito, sisiguraduhin kong pagsisisihan n'yang ako ang kinalaban n'ya.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now