Tinapik-tapik n'ya ang likuran ko, pinapatahan ako.

"Josh.... Natatakot ako. Natatakot ako, baka makarating sa Dean ang nangyari. Ayokong bigyan ng problema ang parents ko."

"Hindi mangyayari iyon, Erish. Trust me, okay. Hindi ako papayag na mangyari iyon. I'll protect you no matter what. Always remember that."

Mas umiyak lamang ako imbes na tumahan. Mahigpit din na iniyakap ko ang aking braso sa bewang n'ya dahil pakiramdamn ko anytime babagsak na ako.

Ang saya-saya namin kanina, pero bakit nagkaganitong bigla? Sana hindi na lang ako umalis sa studio. Sana nanatili na lang ako doon. Sana...

Edi sana hindi ako dinudurog ngayon.

"Josh tell me, masama ba akong babae? Pero bakit hindi n'ya ako pinaniwalaan?"

"Hush, Erish, hush! Naniniwala ako sayo, hindi ka masama. Hindi ka gano'ng babae. Bulag lang s'ya kaya mas pinaniwalaan n'ya ang kasinungalingan. Nandito na ako, hindi kita iiwan. Hindi ko gagawin kung anong ginawa ni Glen sayo. Alam ko na lalabas din ang totoo. Nandito lang ako."

Ano na lang gagawin ko kung wala si Josh? Siguro aapi-apihin na lang ako ng lahat, tapos susuko na lang bigla.

Sana...

Sana si Josh na lang.

S'ya na lang sana ang nagustuhan ko. Siguro hindi ako iyak ng iyak katulad ngayon. Bakit kasi mas una kong nakilala si Glen? Sana si Josh na lang.

Dinala ako ni Josh sa studio ng banda upang magpahinga at mahimasmasan dahil sa pag-iyak ko. Mabuti na lang at may klase na 'yung apat kaya hindi nila ako madudumog ngayon.

"BESPREN!" Napatingin ako sa bumukas na pinto ng studio. Humahangos na pumasok si Ella, kasunod si Zan na nag-aalala rin sa nangyari.

"Pinatawag ko si Ella kay Zander. Alam kong you need her right now."

I mouthed him 'thank you'.

"Maiwan na muna namin kayo. Bibili lang ako ng makakain natin." Saka sabay na lumabas ng studio si Josh at Zan.

"Anong nangyari? Anong ginawa sayo ng malditang iyon? Sabihin mo, reresbakan namin s'ya ni Bianca." Dinaluhan agad ako ni Ella pagka-alis ng dalawa. "Ano, kamusta ka na? Mugtong mugto ang mata mo bespren. Reresbakan ko na talaga ang malditang iyon."

"Okay na ako Ella, salamat sa pag-aalala. No need to resbak na, nangyari na eh."

"Per—"

"MARGAUX OH MY GOSH!!! MARGAUX WHAT HAPPENED TO YOU?"

Napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw mula sa kabubukas lang na pinto ng studio. Katulad ni Ella ay hinihingal pa na pumasok si Bianca habang nag-aalala ang itsura.

"Sorry, ngayon ko lang nabalitaan. WALANGHIYA TALAGA ANG SANTA-SANTITANG IYON! GGGRRRRR! May araw din s'ya."

"TAMA! MAY ARAW DIN ANG MALDITANG IYON. Panalo s'ya ngayon pero babagsak din s'ya. Hintayin lang n'ya ang araw na iyon, makikita n'ya. HMP!"

Unti-unti nang umaayos ang pakiramdam ko dahil sa dalawang ito. Hindi ko akalain na darating ang araw na magiging maayos kami ni Bianca. Yung dating magkaaway at magkaribal, ngayon magkasundo na?!

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nakapagpapabait ng isang tao. Maliban na lang sa isang tao at iyon ay si Nicka. Dahil imbes na bumait ito, mas sumama pa ang ugali dahil sa kabaliwan nito kay Glen.

Ayoko na kay Glen.

Ayoko sa lalaking may kaagaw akong baliw. JOKE! Pero kahit na palagi na lang akong sinasaktan ni Glen, hindi pa rin nawawala ang kagustuhan kong magiging maayos din kaming dalawa.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt