"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, tatawagan ko na."

"Good!"

Kinuha nito ang phone bago tinawagan ang kaibigan.

Teka—paano n'ya tatawagan si Josh kung hindi nito dala ang phone n'ya?

"Bro! May naghahanap sayong sawa—I mean hinahanap ka ng asawa—este hinahanap ka ni Erish. Oo. Anong sasabihin ko? Ahh, sige. Sabihin ko na lang. Nakakatakot, nanlilisik ang mata eh. Sige, sige!"

Saka nito binaba ang tawag.

"Ikaw sinagot, tapos 'yung tawag ko hindi? Asan ang hustisya? Saka paano mo natawagan kung nasa bag nito ang phone n'ya?"

"H'wag mo nga akong awayin, inosente ako ah. May spare phone iyon. Iyon ang dala n'ya kapag nagsusulat ng kanta."

Kaya naman pala.

"Sorry na! Oh, asan daw?"

"Nasa lugar kung saan may katahimikan."

Naningkit ang mga mata ko. What the heck? Gagawin pa yata akong manghuhula.

"Lugar kung saan mag katahimikan? Langit?"

"Pffttt.... HAHAHAHAHAHA! Tang*na kasing Villaflor 'to eh. HAHAHAHAHAHA! Tawang tawa ako."

"Isang tawa pa, nasa langit ka na."

"Oo na... Pffttt..." Nagpipigil pa rin ng tawa. "Hanapin mo na lang sa likod ng building. Sa may garden."

"Paghahanapin pa talaga ako. Sige, salamat sa abala." Nagpaalam na ako saka naglakad paalis. Narinig ko pa ang huling hanilin ni Zan sa akin.

"Enjoy kayo, tahimik doon. Yun nga palang date namin ni Ella, paalala mo sa kanya ah."

Kumaway na lang ako bago lumihis ng daan, papunta sa lugar kung saan may katahimikan. Nakaka-bobo 'yung "SA LUGAR KUNG SAAN MAY KATAHIMIKAN" diba langit 'yun? Sorna naman ah, tahimik sa heaven eh.

And speaking of date ni Zan at Ella. HAHAHAHA! Nauwi sa mutual understanding ang dati'y asaran at away lang ng dalawa. Kaya pala blooming ang babaita kasi nagkakamabutihan na sila ni Zan. Last, last day ko lang nalaman ang tungkol doon. Naghahanap pa daw kasi sila ng tyempo. Eh hindi naman nasabi agad sa akin ni Ella dahil broken pa daw ako, at nakakahiya namang magkwento s'ya ng happy moments nila.

Mapapa SANA ALL ka na lang talaga.

Nagsimula iyon noong time na pinasamahan ko si Ella sa clinic kay Zan. Since that day, nagpapalitan na sila ng text and calls. Si Zan ang naging comfort pillow n'ya kapag hindi n'ya ako macontact. Naks! Improving! HAHAHA!

Okay na rin naman ang pamilya n'ya at mukhang natauhan si Tito sa maaring nangyari kung sakali. At dahil doon mas naging masigla ulit si Ella, na ikinatutuwa ko.

I'm happy for the both of them. At nakikita ko naman na masaya rin si Zan kapag kasama n'ya ang kaibigan ko. So, sino ako para humadlang, right?

Pero nakakaimbyera lang talaga si Zan minsan. Katulad kanina, pansin ko na inaasar n'ya ako kay Josh. O baka ako lang nag-iisip no'n? Mapang-asar lang talaga si Zan pero tiklop 'yun pagdating kay Ella.

SANA ALL talaga! HMP!

Nang makarating sa likod ng building ay natungo ako sa mini pond na malapit sa may garden. Mag matatas na puno doon ng acacia tapos ilang bench.

At natanaw ko nga si Joshna nakaupo sa damuhan habang nakasandal sa katawan ng acacia tree.

May notebook sa harapan nito. Nagkalat din sa paligid n'ya ang mga notes at ilang crumpled papers. May hawak din itong ballpen at gitara naman sa kabila.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora